( Kabanata 19 )
"Kamusta ang sugat mo?" tanong ni Isaac kinabukasan.
Narito parin sila sa ilog ng Herbosa, napakaganda na ulit ng paligid dahil sa liwanag ng umaga. Sina Simon at Elinor ay syang nagpresinta upang manguha ng mga makakain dahil sila ang hindi gaanong napurohan kahapon. Si Isaac ay namamaga ang likuran ng mga tuhod at maging ang gilid ng kanyang labi. Habang si Miracle ay masakit parin ang likuran.
"Oh." iniharap ni Miracle ang likod kay Isaac, "Tanongin mo kung kamusta sya."
Ngumiwi si Isaac sa sinabi ni Miracle, kalaunan ay natawa at napailing.
"Kahit kailan ay wala ka sa hulog." singhal nya.
"Bakit kase sugat ko ang kinakamusta mo? bakit hindi nalang ako?" ngumiwi rin si Miracle.
"Kamusta ka?" tinanong iyon ni Isaac sa malambing na paraan.
Hindi kaagad nagawang makasagot ni Miracle. Napakurap sya saka nag-iwas ng tingin. Hindi nya alam kung paano sasagot ngayong kumakalabog na ang kanyang dibdib.
Ano ba 'tong nararamdaman ko...
"Hoy."
"O-Oh?"
"Kamusta ka nga?"
"Ayos lang naman." nag-iwas ng tingin si Miracle.
Hindi sumagot si Isaac, sandali pa syang tumulala sa tanawin at sa umuusok na tubig ng ilog saka nilingon si Miracle. Nakatingala ito sa mga ibon na sabay-sabay nagliliparan sa himpapawid.
"Huwag mo akong iwan..." sambit ni Isaac nang nakay Miracle ang tingin.
Nilingon ni Miracle si Isaac na ngayon ay nakatitig na sa kanya. Pinagmasdan nya ang napakagwapong mukha nito. Sa mura nilang edad ay mukha nang nasa bente ang edad nito, matipuno at talagang hindi mo pagsasawaang pagmasdan ang mukha nya.
"Ano?" nangaasar na tanong ni Miracle.
"H-Huwag mo kaming iwan." agad nitong sagot saka nag-iwas ng tingin.
"Hindi kita iiwan." sambit ni Miracle dahilan upang muling mapalingon sa kanya si Isaac.
"Pero ang sabi mo ay aalis ka ng Sulbidamya." ngumiwi ito.
"Hindi pa ako nakakapag desisyon." nagkibit balikat si Miracle, "Sa ngayon ay dito muna ako."
"Bakit nga pala si Dwight ang sinunod mo kahapon kung ako naman pala ang pinaniwalaan mo?" naiilang man ay naitanong iyon ng maayos ni Isaac.
"Sindaya ko 'yon." tugon ni Miracle, "Kung pupunta tayo sa palasyo ng palihim ay mas mapapahamak tayo, at itatago rin nila panigurado ang kapatid ko." nag-iwas sya ng tingin, "Kaya ko sinunod si Dwight ay para malaman ko kung tapat nga ba sya bilang kaibigan, at para narin makapunta tayo sa palasyo ng matiwasay at hindi na nagtatago." dagdag nya.
"Nasaktan pa naman ako nung sya ang pinili mo..." bulong ni Isaac.
"May mga pagkakataon talaga na kahit gusto mong piliin ang isang tao, mas pinili mong piliin ang iba. Hindi dahil sa gusto mo syang masaktan kundi dahil iyon ang angkop na gawin para hindi sya mas lalo pang magdusa." nakangiting saad ni Miracle, "Pinili kong sundin si Dwight upang hindi na kayo mas mapahamak pa."
BINABASA MO ANG
THE END OF SULBIDAMYA (Miracle series #2)
Historical FictionThe 20th generation of Miracle. Ang ikalawang beses na muli syang naisilang, ang ikalawang beses na muli nyang babagohin ang lahat, at ang huling beses na masisilayan nyang maghari ang Sulbidamya. Kasabay ng pagtapos nya sa batas ay ang pagbagsak ri...