KABANATA 11

208 16 0
                                    

( Kabanata 11 )




Walong taon ang lumipas at ganoon parin ang nangyayari. Paulit-ulit sa pag dalaw ang mga Mandirigma kay Miracle, pinipilit itong sumama sa kanila. Ngunit ang mas lalo pang tumitigas na loob ni Miracle ay hindi na nila magawang palambutin. Hindi ito sasama kahit na ano pa ang mangyari.

Batid na ng Pinuno ng Sulbidamya maging ng ibang Echelons ng lungsod ang propesiya patungkol sa nakatakdang pagbagsak ng buong Sulbidamya, at iyon ay dahil sa isang batang babae lamang. Nang mabalitaan nila iyon ay mas tumindi ang kagustohan nilang suyorin ang buong Sulbidamya at hanapin ang sino mang itinalaga sa propesiya, at mukhang may ideya na sila kung sino ang tinutukoy nito.

Nabalitaan narin nila ang patungkol sa batang si Miracle. Labis iyong ikinagulat ng Pinuno ng Sulbidamya, si Pinunong Demilo. Nais nya itong makita at makausap, o kung maaari ay nais nya itong ipa-paslang. Kumalat na ang usapin tungkol sa batang iyon, ngunit wala pa ni isa sa mayamang lungsod ng Sulbidamya maging sa Palasyo ang nakakakita sa kanya dahil sya ay nakatira sa dulong parte ng Sulbidamya kung saan matatagpuan ang magsasaka ng lungsod.

"Matigas ang batang iyon, Kamahalan. Mukhang mahihirapan kaming maiharap sya sa inyo." balita ni Eduardo, ang Pinuno ng mga Mandirigma.

"Ganoon ba?" huminga ng malalim si Demilo, "Kung hindi madadaan sa pakiusapan ay gawin na ninyo ang ikalawang plano."

"Hindi ba ito magdudulot ng gulo? Kamahalan?" tanong ni Eduardo.

"Hindi ito magdudulot ng gulo kung isasagawa ninyo ito ng maayos." nilingon ni Demilo si Eduardo, "Kunin ninyo ang sino mang malapit sa kanya, pagkatapos ay dalhin ninyo rito upang maging pain natin laban sa babaeng iyon."

"Masusunod, Kamahalan."

"Ano ang ngalan ng batang babae na itinalaga sa propesiya?"

"Miracle, Kamahalan."

Natigilan si Demilo sa nairinig, kung ganoon ay kapangalan ito ng dating nagligtas sa Sulbidamya. Nakaramdam man ng kaba ay hindi nya iniatras ang plano, hindi parin madidiktahan ng isang batang babae lamang ang kinabukasan ng Sulbidamya, iyon ang itinatak nya sa kanyang isip.

"Isang malaking kahihiyan kung magpapatalo tayo sa isang batang babae lamang." may bahid ng banta na sabi ni Demilo, "Gawin ninyo ang lahat upang mapasuko ang batang iyan, paslangin ninyo ang lahat ng malapit sa kanya kung patuloy syang magmamatigas. Lalo na ang kanyang mga kaibigan na nabanggit mong nagsasanay sa kanya."

Tahimik na napalunok si Eduardo saka yumuko upang magbigay galang. Hindi nya na maipaliwanag ang kaba. Kung nais ng Pinuno na paslangin nya ang mga kaibigan ng batang si Miracle, ibig sabihin ay sya mismo ang papatay sa sarili nyang Anak. Napailing ng bahagya si Eduardo, pilit inaalis ang kaba sa dibdib. Saka sya muling nag-angat ng tingin kay Demilo.

"Huwag mong sabihing nagdadalawang isip ka, Eduardo." tumikhim si Demilo.

"Buhay ng aking Anak ang nais mong kunin ko, Demilo. Hindi ko iyon kaya."

"Nagawa mo nang itapon ang batang iyon noon, siguro naman ay magagawa mo syang despatsahin sa ikalawang beses?"

"Bata pa lamang sya noon, Demilo. Ngayon ay may isip na ang aking Anak, hindi na iyon ganoon kadali." kunot noong tugon ni Eduardo, "Minsan ko nang pinagkaitan ng pamilya ang aking Anak. Hindi ko na kakayanin kung pati buhay nya ay ipagkakait ko sa kanya."

"Isa kang malaking duwag, Eduardo." galit na ani Demilo, "Kung hindi mo magagawa ang plano ay ikaw ang papaslangin ko."

"May Anak ka rin na itinapon noon, Demilo. At alam kong alam mo ang pakiramdam na nararamdaman ko." mariing sambit ni Eduardo, "Sige, gagawin ko ang plano." taas noong dagdag ni Eduardo, "Ngunit wala ka sanang pagsisihan."

"Wala nang ibang paraan para makuha ang batang babae ma sinasabi mo! Maliban sa plano na iniisip ko ay wala nang ibang paraan!"

"Hindi lahat ng problema na mahirap sulosyonan ay idinadaan sa dahas, Demilo. Maaari nating pakiusapan ang batang iyon at daanin sa mabulaklak na pangako." mainam na tiningnan ni Eduardo si Demilo, "Bata pa si Miracle, siguradong maaakit iyon sa mga bagay na pinapangarap makuha ng mga bata. Mga laruan, pagkain at magagarang damit. Maraming paraan, Demilo."

"Walong taon na ang nakalipas, Edurado. Ngunit hindi mo parin napalalambot ang batang iyon! sa tingin mo ba ay maaakit pa sya sa plano mo?"

"Maaari kong subokan." napatango si Eduardo,

"Isipin mo kung gaano mo kamahal ang Sulbidamya, Eduardo. Huwag mong isuko ang lahat ng dahil lamang sa iyong anak na hindi mo naman nakasama at napatulog sa iyong bisig!" galit na ani Demilo.

Napalunok si Eduardo saka napauwas ng tingin. Hindi nya na alam kung ano ang desisyon na gagawin, kung alin sa dalawang panig ang pipiliin. Ngunit may malaking bahagi sa kanyang puso ang isinisigaw ang Sulbidamya, nais nyang ipagtanggol ang Sulbidamya. Ngunit nais nya ring mailigtas ang Anak, nais nyang magampanan ang tungkolin nya bilang isang Ama, kahit pa imposible na.

Sa huli ay nanaig rin ang pagiging tapat ni Eduardo sa Sulbidamya. Hindi alintana ang ano mang magagawa nya sa kanyang Anak. Bilang isang Pinuno ng kanyang Mandirigma ay nanumpa sya sa harap ng mga ito, na kahit ano man ang mangyari ay Sulbidamaya ang tinitibok ng kanyang puso. Kung papipiliin man sya ay Sulbidamya ang kanyang pipiliin.

Naglakbay sina Eduardo patungo sa dulong bayan ng Sulbidamya kung saan matatagpuan si Miracle. Nang makarating doon ay dumiretso sya sa tahanan nito, ngunit wala ito doon. Walang ideya si Eduardo kung saan ito hahanapin, ngunit agad na lumapit sa kanya ang isa sa mga mandirigma.

"Batid ko kung saan sila matatagpuan, Pinuno." sambit nito, "Ngunit hindi sinasadya na marinig ko ang usapan ninyo ng Kamahalan kanina. Kaya nais kong ilatag ang aking suhestyon kung paano mapapalambot ang batang babae na iyon."

Bigla ay umusbong ang kaunting pag-asa ni Eduardo dahil sa sinasabing suhestyon ng Mandirigma. Ibig sabihin ay hindi nya na kailangang saktan ang sarili nyang Anak para lang magawa ang plano, kung sakaling magtatagumpay ngang talaga ang sariling plano ng mandirigmang ito.

"Kung maaari ay hayaan ninyo akong isagawa ang plano ko." yumuko ang mandirigma.

"Gawin mo ang iniisip mo, at siguradohin mong magtatagumpay ka." banta ni Eduardo.

Ang mandirigma ay agad na tumalikod at naglakad palayo. Sumunod narin sina Eduardo kasama ang kumpol ng mga Mandirigma.

Ang mandirigma na syang nakaisip ng plano ay patungo na sa kanilang tahanan upang sundoin ang anak na lalaki. Naaalala nya pa noong minsang magpunta sya sa pinagsasanayan ni Miracle, bata pa ito noon. Nakitaan nya na ng kakaiba si Miracle kaya bago pa man malaman ng lahat ang tungkol sa propesiya ay nagisip na sya ng sariling plano.

Nais nyang paibigin ng kanyang Anak si Miracle. Sa pamamagitan non ay kusa itong sasama sa kanyang Anak patubgo sa palasyo. At ang huling hakbang ng kanyang plano ay ang syang tatapos sa buhay ni Miracle.

________________

QUANTIARA, 2020.

THE END OF SULBIDAMYA (Miracle series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon