CHAPTER SIXTEEN

23 15 0
                                    

Chapter 16:
"Tampuhan"

Khael POV

Maaga akong nagising,bumaba na'ko at nagtungo sa kusina para kumain.Nadatnan ko sina mama at xane na naguusap at mukhang seryoso ito.

"Good morning ma,xane."Bati ko sa kanilang dalawa at parehong hinalikan sa noo.Naupo ako sa harap ni xane.

"Good morning,khael/kuya."Nakangiting sabay na ani nila.

"Ano naman ang pinaguusapan niyo at mukhang seryoso ito?"Wikang tanong ko habang naglalagay ng pagkain sa plato ko.

"Yung kaklase ko kasi kuya nalaman niyang niloloko siya ng boyfriend niya
"Napatigil naman ako sa sinabi niya at napainom ng tubig.

"That kind of man is not deserved to be love."Ani ni mama,bigla naman akong nabulunan .

"Dahan dahan kasi kuya para kang bata."Ani ni xane.

"Oo nga namn khael."Pagsangayon ni mama kay xane.Ngumiti lang ako at sunod sunod na nagsubo ng pagkain.

"P-paano naman nalaman ng kaklase mo?"Tanong ko habang may puno ng pagkain sa bunganga ko.

"Khael, don't talk when your mouth is full."Ani ni mama,kaya napayuko ako.

"Pft.Sa friend niya nakilala kuya sa katunayan nga may ebidensya pa sila eh."Ani niya,wow ano yun mga pulis para may ebidensya?pft.

"Ahmm ma,xane alis na'ko."paalam ko sa kanila at nagmadaling hinalikan sila sa noo at nagmadaling lumabas ng bahay.

Kailangan ko na siguro mag-ingat.

***

"Good morning tita,tito."nandito ako sa bahay ni Serine.Nadatnan ko ang mga magulang ni serine na nandito sa living room nila.

"Ganun din sayo iho."Ani ng mommy ni Serine,hinalikan ko ito sa pisngi.

"Nasa kwarto si serine at mukhang wala siyang balak lumabas."Ani namn ng daddy niya na nakatingin sa dyaryo.

"Hindi ba kayo papasok?"tanong ng mommy niya.

"Excuse daw kami tita eh."sagot ko naman.

"Kamusta na pala si Luki?"tanong niya.

"Ok na po siya tita,excuse muna tita."umalis na'ko dahil baka mas lalong tumagal ang usapan namin.Nandito na'ko sa harap ng kwarto ni serine.Tahimik ang buong paligid hindi ko matukoy kung may tao ba.Pinihit ko ng dahan dahan ang door knob at nakita ko siya na nakahilata pa din sa kama niya at ang kalat ng buong kwarto niya parang dinaan ng bagyo.

"Good morning hon"hinalikan ko ito sa noo at sa labi ngunit wala pa din itong imik.Nagpulot ako ng mga gamit na nakalat dito sa sahig niya.Nakamulat siya ng mata pero hindi nagsasalita.

"What's wrong, hon?"nagaalalang tanong ko sa kaniya habang naglilinis ng mga kalat niya.Bumaliktad siya at humarap sa kabila.Napabuntong hininga ako at nilipitan ko ito.Naupo ako sa kama niya na nakatalikod sa kaniya.

"Hindi mo ba ako kakausapin?"mahinahon na tanong ko sa kaniya.Bumangon ito at sumandal sa head board ng kama niya saka niyakap ang mga tuhod niya."May problema ba?"dugtong ko.Tumikhim ito.

"May iba kana ba?"nabigla ako sa tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ano bang pinagsasabi mo?"napalakas boses ko sa tanong ko.May tumulong luha sa mga mata niya.

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon