Chapter 15:
"Pag-aalaga"
Akira POVNandito ako sa hospital ako nagbabantay kay Luki umuwi na kasi ang iba and ako ang nagprisintang magbantay tutal kasalanan ko din naman eh.Tyaka yung parents nila Ryker hindi daw makakauwi dahil sa business trip nila sa Hongkong.Sabi ng doctor after 3 days pwede na daw siyang ilabas dahil madaming nawalang dugo sa kaniya.Ang himbing ng tulog niya.Haish bakit ko ba kasi siya iniwan? Haishh.
"Uhmmm"nataranta ako dahil nagmulat siya at pinilit na bumangon.
"W-wag ka muna masyadong gumalaw."wika ko sa kaniya habang nakaalalay sa kaniya.
"Aki?Wh-what are you doing here?Bakit ikaw ang nandito?"dami naman niyang tanong haish.Nilagyan ko ng unan sa likod niya bilang alalay.
"Gutom kaba?Anong gusto mong kainin?"pagiiba ko.Imbes na sagutin ako nakatitig lang siya sa'kin kaya napatigil ako sa pag hiwa ng prutas.
" W-why? "Tanong ko at nakatitig na din sa kaniya. Nag iwas siya ng tingin. Siguro na alala na niya na ako ang may kasalanan uwu.
Hindi ko naman siya masisi kung hindi na niya ako kausapin o pansinin.Hindi na ako nagsalita at ipinagpatuloy ko na lang ang paghiwa ng mga prutas na ipapakain ko sa kaniya.Wala ni kahit salita ang maririnig saming dalawa ni Luki.Nakakailang din dahil kaming dalawa lang ang nandito at hindi pa kami nagpapansinan.Siguro kailangan ko na siyang patawarin sa ginawa niya sa lovelife ko nung highschool kami dahil mas malala naman ang nagawa ko sa kaniya.Sinusubuan ko siya ng mga prutas na hiniwa ko dahil ayaw niya daw kumain ng kanin kaya ito nalang ang ipinakain ko sa kaniya.Ang hirap pala yung hindi ka nagsasalita nakakapanis ng laway takte.
After that,natulog na siya dahil gabi na din.Ako naman heto nakaupo at nakatingin sa kaniya.Ang himbing ng tulog niya.Hindi ko akalain na si Luki Hutton na babaero ay may side din palang mala anghel.Aishhh naku naman heto na naman ako kinakausap sarili.Nababaliw na ata ako na'ko,na'ko.
K•I•N•A•B•U•K•A•S•A•N
Napamulat ako ng mata,napaunat at napahika dahil sa ingay na naririnig ko.Nandito na pala sila,sina Akuji at Ryker pala ang maingay.Napatingin ako kay Luki na may hawak na magazine ng mga babae na nakabikini.Aishhh wala na talaga hindi na siya magbabago naku naman.Teka bakit nga pala ako nakahiga dito sa sofa eh kagabi pagkakatanda ko nasaupuan na katabi ni Luki pero ngayon nandito na'ko.Baka nag sleep walk ako pero imposible naman yun dahil hindi nman ako nag i-sleep walk.
"Good morning, Aki"sabay sabay na bati nila ng mapansin nilang gising na'ko.Tumayo muna ako at tumingin sa kanila na nakatingin din sa'kin.T-teka baka may laway ako,ummm wala naman ah.
"Good morning too"lumapit sa'kin si yvette na may hawak na isang malaking paper kaya napatingin ako sa kaniya.Iniabot niya sa'kin ito.
"Dito kana maligo"kinuhanan pala niya'ko ng damit.Bait naman ng kapatid ko di lang halata hahaha.Teka wenesday ngayon ah edi may pasok kami.
"Absent tay---"napatigil ako ng.....
"Excuse tayo"Ani ni Akuji,nangunot naman ako ng noo.Anong excuse eh hindi nman kami ang nasa hospital at nakahilata.
"Dahil sa aking charm excuse tayo"pakindat kindat na ani ni Ryker.Wow proud pa ang tukmol.Napailing nalang ako sa kahanginan niya at pumasok na sa banyo pero bago ko pa maisara ang pinto narinig ko na namang nag babangayan sina Akuji at Ryker.Haishhh hindi talaga si magkakasundo jusq.