Chapter 32:
"Goodbyes"Luki POV
Friday ngayon and tatlong araw nang hindi pumapasok si khael and Vienna. At sa tatlong araw na yun naging tahimik at cold si Serine sa iba pati na din sa amin pero ang mahalaga hindi cold sa'kin si Honeybunch ko. Kilig si ano yung ano ko basta ano ko siya na malaki.
"A-aray!!"Tang*na parang kamay ng kargador ang kamay ng honeybunch ko.
"Lutang kana naman honeyngungu."Wika niya at naupo sa kaharap ng upuan ko.
"Iniisip ko kasi kung kailan tayo pwedeng mag pakasal."Wika ko, Nanlaki naman ang mata niya. Pft, cute niya talaga hayst.
"Aba't."Babatukan na sana niya ako ulit buti na lang at nagsalita si Serine.
"I'm leaving."Lahat ng ginagawa namin ay itinigil muna namin at itinuon ang atensyon sa kaniya.
"What do you mean by that?"Hawke asked, sanaol englisherist.
"You're going home?"Patanong na wika ni yvette.
"We haven't finished the class yet."Ani naman ni Akira.
What's happening bakit puro englisherist sila ngayon?Dapat english din sakin para sosyal pft.
"Are you not feeling well?"I asked pero tahimik lang 'to at nakayuko. Idinikit ni Ryker ang palad niya sa noo niya at leeg ,rinamdam niya ito.
"Nah, her temperature is low. "Wika ni Ryker at naupo na ng maayos.
"What's bothering you?"Tanong naman ni Akuji. Tumingin siya sa amin at ngumiti pero alam ko/namin pilit yun.
"I can't move on as long as I see them. I'm going with mom to America ,susundan namin si dad. "Lahat kami ay natahimik sa sinabi niya. So, iiwan niya kami?!
"Paano na ang pag aaral mo?"Tanong ko dahil mukhang wala na silang balak pa mag salita.
"Duon ko na tatapusin pag aaral ko. Naayos ko na lahat at nakalag enroll na'ko."Ahh,so planado na pala pag alis niya.
"Alam ba ni Khael?"Tanong ni Akira.
"He didn't need to know anymore."Sagot ni Serine.
"You promised na hindi mo kami iiwan pero bakit aalis kana?"Tumulo na naman ang luha ni yvette. Sa aming walo siya ang pinaka soft at iyakin. Siya kasi ang pinakabata sa amin.
"Promises are meant to be broken."Cold na wika ni Hawke sabay punas sa luha ni yvette.
"You don't need na lumayo ka pa para mag move on. Nandito kami tutulungan ka namin."Wika ni Akuji at hinawakan ang kamay ni Serine. Umiiyak na din ito. Hayst , girls is always a girls mga soft hearted talaga sila.
"Akuji is right serine, we're here to help you para makalimutan sila."Pag sangayon naman ni Ryker sa sinabi ni Akuji.