Chapter 18;
"Kutob"Ryker POV
Linggo ngayon nandito kami sa condo ni hakwe as usual pero wala si Khael.Ewan ko nga ba matagal na naming hindi nakakasama yun sa gimikan eh.Sabi naman ni serine dalawang beses lang naman daw silang lumalabas sa isang linggo pero bakit kaya hindi na siya nakakasama sa 'min?Sabi naman ng kapatid ni khael na si xane lagi daw umaalis at gabi na kung umuwi.Hindi din nila alam kung bakit.
"Malakas kutob ko dyan kay khael eh may kinaaadikan yan."Out of the blue na tanong ko.Tumingin si Luki kay hawke saka tumawa ito ng malakas.Kaya nabato ko ito ng unan.
"Listen bro,si Khael kilala mo yan hindi niya magagawan yan.Kung may kinakaadikan man yan maliban kay serine alam mo kung ano yun?Ito, drugs yan.Nag oover think ka lang."Ani niya at tumawa ulit siya.Pero malakas talaga kutob ko eh.Tumingin ako kay hawke at tahimik pa din hmmm.Mukhang tama nga si Luki.
"Alam mo, Luki minsan may pakinabang ka din."Wika ko na itinawa namin ni Hawke.Kaya ayun nagsimula na naman kaming magpatayan HAHAH.Ganito talaga kaming magkapatid.
Back to khael tayo,malakas talaga hinala ko dyan e.Nung isang araw kasi nakita ko siya sa isang restaurant may kaharap na babae at ang sweet nila ang malas lang kasi nakatalikod ang babae sa akin kaya hindi ko nakita.Hindi ko namang nagawang lapitan sila nuon dahil nagmamadali ako.Pero malakas ang kutob ko na hindi si serine iyon dahil iba sila ng hairstyle eh.Hmmm mukhang nagiging kauri ko na si khael ahh.Nagiging gwapo na siya pero wala hindi niya mapapantayan kagwapuhan ko.Kahit sino walang makakapantay sa akin.Meron siguro pero tong talampakan ko lang makakapantay nila.Alangan namang mukha ko diba? HAHA walang makakapantay dito pati height walang panama yan opsss pasmado HAHHA.Wala kang kausap?Bigay mo address mo sa'kin maguusap tayo.Yes po usap lang swear,suntok man sa buwan~~~buwan sa calendar.
Ringggggggg
Ringggggggg
Calling;Baby Akuji......
Huwahhhhh tumatawag ang baby ko.Himala at siya ang tumatawag ngayon.Sabi sa inyo gwapo ako kaya hindi nila natitiis ang kagwapuhan ko.
"Yes, baby?"Malambing na tingin ko.
[Anong baby?Apaka kapal mo,baby daw eh kung sungalngalin ko kaya yang bunganga mo ha?]Nailayo ko na lang ang phone ko sa tenga ko sa dahil sa sobrang lakas ng boses niya.Haishh high blood na naman baby ko.
[Ano Ryker nakikinig ka ba?]Haishhh pati tawag ang sungit.Pag'to minahal ko tiklop bunganga nito.
"Bro,nag riring isa mo pang phone.Apaka dami kasi."Ani ni Luki sabay turo sa cellphone kong naka charge.Haishh hirap maging gwapo daming tumatawag.
[Ryker!Are you listening?]Jusko galit na naman ang baby ko.May dalaw siguro na naman to.
"Yes baby."Ano ba sinabi niya?To be honest,hindi ko narinig sinabi niya uwahhh.
[Good,see you tomorrow.] Biglang nanlaki mata ko sa sinabi niya.Yinaya ba niya akong mag date?Sabi na eh may gusto din pala sa sa'kin yun.
"Ba....by?"Aishhh binabaan na 'ko.Pero ayos lang, HAHAH may date ako bukas ngena.
"Ryker yung isa pang cellphone mo may tumatawag."Ani ni hawke sabay nguso dun sa cellphone ko sa tabi niya.Bale tatlo lahat cellphone ko,alam niyo na rason kung bakit tatlo.Mga gwapong tulad ko lang makakaisip nun.