Chapter 31:
"break-up"Khael POV
Papunta ako sa bahay nila Serine kahit na alam ko kung ano ang maaaring gawin at sabihin sa'kin ng parents niya. Kakatok sana ako sa pinto nila ngunit bigla itong bumukas at daddy ni serine ang bumungad sa akin. Halo halo ang emosyong nakikita ko sa mukha ng daddy ni khael.
"Tito si serine?"Mahinang tanong ko , akala ko sasapakin ako nito ngunit he just pat my shoulder at pinapasok sa loob ng bahay nila.
"Nasa kwarto siya."Mahinang wika naman ng mommy ni serine na nakaupo sa couch at alalang alala ang itsura nito. Umakyat ako ng hagdan at nagtungo sa kwarto ni Serine.
Nasa labas ako ngayon ng kwarto niya at rinigna rinig ko ang pag hikbi niya. Fuck! I hate seeing her at naririnig na umiiyak pero ako naman ang gumawa ng paraan para masaktan siya. Bakit ang tanga ko at hinayaan ko na naman siyang masaktan dahil sakin? Pinihit ko ang doorknob nitong kwarto niya at dahan dahan itong binuksan. Nakaupo ito sa baba ng kama niya at nakasandal habang yakap yakap ang tuhod niya. Umiiyak ito at patak lahat ng luha niya sa damit. Nilapitan ko ito at niyakap ng mahigpit.
"I-i'm really sorry serine sinubukan ko namang sabihin e pero naduwag lang ako."Paliwanag ko , hindi ito umiimik . Hagulgol niya lang ang naririnig ko mula sa kaniya.
"Tell me kung anong gagawin ko mapatawad mo lang ako at 'wag mong 'kong iwan."I cupped her cheeks para mag ka eye to eye kami.
"Kill yourself."Seryoso niyang wika na ikinagulat ko.
"W-what?"Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Kidding , I want you to choose Vienna and the baby. Siguro duon mapapatawad kita."Alam kong pilit lang ang ngiti niya. She pushes me at lumayo siya sa akin.
"N-no."Tumulo na ang mga luha ko. Ramdam ko yung sakit na nararamdaman ni serine ngayon at maski ako hindi ko makaya ang bigat at sakit nito.
"Choose them kasi yun ang tama."Wika nito at may kinuha sa drawer niya. "I want to forget you so please get this and...."She slowy remove the ring na binigay ko sa kaniya. Ibinigay niya ito sa akin kasama ng isang box .
"W-what is the meaning of this hon?"Naguguluhan ako bakit niya ginagawa to.
"I-i'm breaking up with you Khael. No more serine , no more wedding , no more me. Forget me and mahalin mo sila."Wika nito between her sobs. Tumulo ng sunod sunod ang mga luha niya. I hug her tight kahit na tinutulak niya ako.
"No serine please don't do this to me."Niyakap ko siya ng mahigpit habang umiiyak.
"Nagawa mo nga sa'kin yun tapos sasabihin mo sa'kin yan. J-just get out of my room and get out of my life!"Sigaw niya at tinulak ako. Ngayon ko lang siyang nakita na ganyan magalit. Ayoko ng madagdagan pa ang kasalasan ko sa kaniya kaya kinuha ko na ang box at ang singsing. Dire-direstyo akong lumabas ng bahay nila .
"Sinaktan mo na naman siya khael,ang tanga mo talaga! Ang gago mo!"
***