Kabanata 25

200 0 0
                                    


Idk, nawala yung chap 25 nito :(((( Kala ko nag loloko lang huhuhuhuhuhu. 

-

Naiinis si Juan kasi ang gusto niya siya ang mag silbi sa akin, pero ang sabi nga ng therapist nila hindi pwede. He need to rest. Kailangan ko siyang pag pahingahi. So I talked to their therapist to help him recover well, need niya din mag undergo ng therapy buti hindi rehab, kasi hihirapin talaga siya. 

We spent the whole day sa room ko lang, netflix and food trip. Since may mini-refrigerator ako sa kwarto hindi na kailangan pabalik balik sa stairs. And queen size naman yung bed ko that's why, kasya kami kahit medyo bulky siya. Minsan hindi ko maiwasang mahawakan yung abs niya. His body was perfect, he was fully dedicated in forming his body he spent a lot of time sa gym since then. Hard work really paid off.

Natutuwa naman ako sa kanya, he's always a good companion, sumasabay sa lahat ng trip, nakakatawa nga lang kasi minsan pag nag tatagalog siya ang conyo. Kaya tinatawanan ko siya, pinupukol naman nya ako ng unan.

"Who's clingy now?" Nang yumakap ako sa kanya, bigla ko tuloy binawi ang mga kamay ko na nakayakap sa tiyan niya. Umismid ako, at ngumuso. He chuckled then he hold my wrist at binalik sa pwesto ang tinanggal kong kamay.

"I prefer this kind of lazy Sunday with you," He whispered in my ears. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"I do like this too, pero sometimes you have games on Sundays." Bumaling din siya sa akin, hinanap niya ang mga mata ko.

"Why don't we try this every day?" He acted like he's thinking. Tinampal ko ang braso niya.

"I have to work, saka lilipat na din ako ng condo," Umayos ako ng pagkakaupo.

"Condo? Where?" He's serious this time.

"Near at office," Lalong nagsalubong ang kilay niya.

"You have concrete plans while I'm here not informed." Napairap siya.

"Who's on your condo?" Tanong ko sa kanya, kitang kita ko ang pagkagulat sa kanyang magagandang mata.

"We're not going to talk about this," Ako naman ang nagtaka. Tumayo siya at pumunta sa rest room, I'm confused. Is someone's living there?

After that, no one tries to open another topic, pareho lang kaming nakaupo sa mag kabilang dulo ng kama. Siya ay nasa may paanan at ako naka sandal sa head board, napapasulyap ako sa kanya at nakikita ko ang kanyang mga kilay na nagsasalubong. May kausap ata siya. So I didn't bother to talk to him.

Cassie knocked on the door, informing us that the dinner is ready. Alam kong narinig niya iyon kaya nauna pa siyang lumabas ng kwarto kaysa sa akin. Mukhang nag mamadali. Nag kibit balikat na lang ako dahil sa nangyayari.

"Kamusta ang buhay may asawa?" Bungad ni Hashia pag baba ko. Nakita ko si Juan na nakaupo sa tapat ni Cassie, umupo pa rin ako sa tabi niya para hindi mahalata ng dalawa. Nginitian ko lang si Hashia at nagkatinginan naman sila ni Cassie.

"Away?" Walang tunog na sambit ni Hashia. Napairap ako sa kanya ng bigla siyang nagsalita.

"Diyos ko po! Minsan lang pwedeng mangyari 'to wag niyo ng sayangin," Sabi niya bago tuluyang kumain.

Wala akong ganang kumain, kaya konti lang ang kinain ko. Puro kwentuhan lang ni Hashia at Cassandra ang naririnig ko. Dahil sa konti lang ang nilagay ko sa pinggan ko, nauna akong matapos sa kanila. Tumayo ako ng walang pasabi kaya napatingin sila sa'kin.

"You done?" Sita sa'kin ni Hashia.

"Oo," Dali dali akong nagpunta ng kusina para hugasan ang aking pinagkainan.

Naabutan ko si Manang na nag aayos sa kusina.

"O anak, bakit ka mag huhugas?" Saway niya sa'kin.

"Ayos lang po, Manang. Kumain na po kayo," Anyaya ko sa kanya. Ngumiti siya at tumango.

Nang matapos akong mag hugas ng pinggan ay lumabas ako ng kusina, at naka salubong ko si Juan na maglalagay ng pinagkainan niya sa kusina. Hindi ko siya tinignan kahit ramdam ko ang presensya niya at ang paninitig ng mga mata niya sakin. Tumikhim lamang ako. Dumeretso na ako sa aking kwarto at rinig ko pa rin ang kwentuhan ni Hashia at Cassie.

Pag dating ko sa kwarto ay padarag akong humiga. Nalulungkot ako, dahil sa tingin ko ay nag madali kami kaya nangyayari ang lahat ng 'to. Nakalubog lamang ang aking mukha sa unan, halos lumipas ang oras na ganon lamang ang pwesto ko at nagulat ako ng bumukas ang aking pinto. Hindi ko sinilip kung sino iyon dahil alam kong siya lang naman ang papasok sa kwarto ko ng hindi kumakatok. Nag kunyari akong tulog para hindi niya subukan na kausapin ako, dahil naiinis pa rin ako sa pinakita niya at patuloy na pinapakita niya sa akin.

"Baby.." sabay haplos niya sa likod ko.

Nagulat ako, dahilan kung bakit muntik pa akong mapatalon sa kinahihigaan ko. Pero hindi pa rin ako umimik.

"Baby, I'm sorry.." Hinahaplos niya pa rin ang aking likod which is I feel somehow relaxing.

I sniff, naiiyak ako. Bakit ganito siya? Tuluyan ng bumagsak ang luha ko. At alam kong rinig niya iyon.

"Hey, baby. Don't cry please," Medyo natataranta siya. Hindi pa rin ako humaharap sa kanya kaya naman humilig siya sa aking likod.

"I love you, okay? Trust me with this, please," He pleaded, yes. Ganon ba ka importante 'tong pag sisinungaling na 'to sa kanya? Alam niyang hindi ako magsasalita lalo na kapag umiiyak ako.

He gave me time, pareho lang kaming nakahiga ramdam ko ang lamig ng aircon sa aking balat. I'm shaking a little bit kaya naman hinaplos niya ang nilalamig kong braso.

Bakit ganon? Bakit hindi na lang niya ipaliwanag para hindi kami nag kakaganito?

Keeping a secret love | Juan Gomez de LianoWhere stories live. Discover now