Kabanata 26

186 1 0
                                    

That night bothered me, I'm still thinking sino ba yung tao na nandoon? Bakit kailangan pa namin pag awayan ni Juan iyon? Nakatulog ako ng gabi na yon pero I know I'm half awake. Ramdam ko na hindi rin siya gaano makatulog. Ilang beses niyang tinitignan ang cellphone niya. Para bang may bumabagabag sa kanya. 

Kinaumagahan, kailangan kong pumunta sa building para maging handa sa pagiging CEO ng kompanyang iniwan sakin ni Daddy. Ininform ko naman si Tito Albert na I need at least a 2 weeks or a month bago niya iwan sakin ng mag isa ang kompanya.

Pagkamulat ng mata ko wala si Juan sa tabi, something wrong I know. I just saw him on our dining pagbaba ko, nakaligo na din naman ako. He was staring at the foods in front of him, napakalalim naman ata ng iniisip nito. Naabutan ko din si Hashia at Cassie na patapos na sa pagkain. Naramdaman ko ang titig ni Hashia sa akin na para bang tinatanong ako. Sumimangot na lang ako at hindi umimik. 

"It's your first day hun, why are you grumpy?" Mabilis akong tumingin kay Hashia na nagpapalipat lipat ang mata samin ni Juan, nahagip ng mata ko ang nananatiling ekspresyon ni Juan.

"Best of luck on me," Ang tanging naisagot ko.

Cassie hugged me from the back, at nakita kong kinuha ni Juan ang pinggan sa harap ko. Nilagyan niya yon ng Pancake and Bacons. 

"I had an emergency fitting today, hindi kita masasamahan ate." Narinig ko ang malungkot na tinig ni Cassie sa likod ko.

"It's fine, I can do this alone," Matabang kong tugon.

"You're with Kuya Juan, 'di ba?" Gulat na tanong ni Cassie. Halos manlaki din ang mata ko sa biglaan niyang pagsasabi non, maging si Hashia na umiinom ng tubig ay nasamid. Hindi ba nakakaramdam 'tong si Cassandra?

Hashia chuckled, none of us dared to talk.

Nang matapos akong kumain ay tumayo na ako, tinawag ko si Mang Danny. Pero may humawak sa braso ko. At dahil ramdam ko ang gaspang ng mga iyon, I know that it's Juan.

"Let me drop you," Wika niya.

Halos matawa ako, "No need, you already dropped me." Matigas kong sabi. Nakita ko ang naguguluhan niyang titig sa akin, ngunit mas humigpit ang kamay niyang nakakapit sa braso ko.

Isang beses ko pa itong piniglas at nakita ko sa mata niya ang panghihina pati na rin ang pag galaw ng kanyang mga panga.

"Let's talk when we're cool," Aniya at nakipagtitigan sa nanlalamig kong mga mata.

"I'm cool, you look like you don't, so I assume you're uneasy," Tinalikuran ko siya. Bakit siya pa ang may gana na sumama ang loob samantalang ako ang ginagawan niya ng mali? Great.

Dumating ako sa building at agad sinalubong ng mga empleyado. Hilaw akong ngumiti sa kanila. May sumalubong sa aking isang babae, todo ngiti at kita ang saya sa kanyang mukha.

"Good morning, Ms. Hidalgo!" Aniya. I smiled and nodded.

"I'm Daisy po, your secretary, this way po Ma'am," Maligayang anyaya niya sa akin.

Tinuro niya ang elevator at ng nakita ako ng mga tao ay halos sabay sabay silang ngumiti.

Si Daisy na rin ang pumindot sa elevator button at hindi na ako masyadong gumalaw sa pagkakapwesto ko sa elevator. Nang huminto sa 11th floor ang elevator ay iginiya niya ako palabas, sa palapag na iyon ay may isang pinto, nakalagay ang aking pangalan sa pintuan na iyon.

Kaela Jayne Hidalgo, Chief Executive Officer

Iba yung kabog ng dibdib ko nang nakita ko iyon, medyo natulala ako at napansin iyon ni Daisy.

Keeping a secret love | Juan Gomez de LianoWhere stories live. Discover now