Ang saya-saya mabuhay sa mundo, lalo na't may boyfriend akong tulad ni Wayne—guwapo, maaalalahanin, maaruga. Siya ang first ever boyfriend ko simula grade n (where n is a positive integer). Pero dati, hindi pa kami seryoso, as in hatid-hatid lang, libre-libre . . . puppy love ba? Pero nagbago 'yon nang dumating ang high school. Naging mature kami kung mag-isip.
Napapangiti ako kapag naaalala ko 'yong araw na naglolokohan kami na kami na. Hindi ko naman alam na seseryosohin talaga namin. At oo, masaya ako sa kanya.
Nagkakaroon kami ng selosan at tampuhan, hindi naman maiiwasan 'yon. Pero kahit gano'n, nagkakabati naman kami. Nakakatawa lang na kapag binibigyan niya ako ng teddy bear o manika, sinasabi niya anak daw namin 'yon. Tapos bigla kaming magpaplano ng future.
Papunta ako sa meeting place namin, malapit lang sa school. Isang tricycle lang naman. Ang ganda do'n lalo na pag sunset, although maraming nakapaligid na mga mushy na tao tulad namin. Excited lang ako na makita siya.
Nakasakay ako sa jeep habang nakangiti. Kahit magfo-four years na kami next week, hindi pa rin ako nagsasawang kiligin kapag kasama ko siya. Feeling ko, safe ako. Feeling ko parang pupuntahan ko ang kaluluwa ko, as if humiwalay nga 'to sa 'kin at excited akong maka-reunion ulit.
Halos isang linggo pa lang ang nakalilipas nang nagpasukan mula sa isang mahabang Christmas break. Ang saya ko lang dahil nagkatampuhan kami no'ng isang linggo dahil parang hindi na niya ako gaano kinakausap. Siguro, ito na 'yong pambawi niya sa 'kin.
Umupo ako sa usual naming upuan, at siyempre, hinintay siyang dumating. Pag dating niya, naglabas ako ng isang ngiti. "Twelve minutes late."
Ngumiti ako at hinintay ko siyang akbayan niya ako. 'Yon kasi 'yong usual niyang ginagawa. Pero . . .
Hindi niya ginawa 'yon.
"Uy," sabi ko. "May problema ba?"
"Wala naman," sagot niya habang papaupo sa tabi ko at nagkalkal ng bag. Kinuha niya 'yong cell phone niya tapos tinago ulit. Mukhang nag-text muna siya.
"Bakit mo pala ako pinapunta rito?"
Huminga siya nang malalim. "Teka, gusto mo maglakad-lakad muna?"
Weird, pero okey. Tumayo kaming dalawa at naglakad-lakad muna. Nakalagay 'yong mga kamay niya sa bulsa. Kinuha ko 'yong isa para hawakan ko. "Kalma lang, heart. Ang laki ng problema mo. Nandito naman ako, e."
Hinigpitan ko 'yong hawak ko, pero hindi siya sumagot. Siguro dahil malaki nga ang problema niya. Nalulungkot ako dahil alam naman niyang ready ako makinig sa lahat ng problema niya, pero kailangan kong intindihin kung ayaw niya munang sabihin. Baka nagkagulo sa bahay nila or something.
Tumamabay kami sa Jollibee. Pinaupo niya ako tapos nag-order siya ng dalawang ice cream at burger steak meal. Kagulat lang nang binigay niya sa kin 'yong dalawang ice cream.
"O, ba't di ka kakain ng ice cream?" tanong ko sa kanya.
"Para sa 'yo talaga 'yan."
"Sweet naman ng heart ko."
Nag-flying kiss ako kuno sa kanya at saka ngumiti. Ngumiti siya nang bahagya at nag-umpisa na kami kumain. Nagkuwento lang ako tungkol sa mga nangyari sa bahay. Nagdodorm kasi ako dahil nga malayo 'yong high school namin at minsan lang ako umuwi.
Pagkatapos namin kumain, uumpisahan ko na sana 'yong pagkain ng isang ice cream nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
Ngumiti ako ulit. Hindi nawawala 'yong pagkakataon na kinikilig ako pag ginagawa niya 'to.
"May sasabihin ako." Natahimik siya sandali, at saka binuga ang salitang kahit kailan ay hindi ko ninais marinig. "Gusto ko na makipag-break."
Parang gugunaw 'yong mundo ko.
BINABASA MO ANG
This Is Not a Love Story
Teen FictionSometimes, endings happen first. You have been warned.