Naalala ko 'yong tanong niyang "Do you have a boyfriend or girlfriend?" Ngayon ko lang naisip na sana gano'n din ang tinanong ko.
Kaya pala "Never had a girlfriend." At sinabi niyang meron siyang ka-date dahil ako lang naman ang naging third wheel sa Valentine's date nila.
Dalawang linggo na rin ang nakalipas, at hindi pa rin ako maka-get over. Dalawang linggo na rin ang nakalipas simula nang naging official third wheel ako nina Ken at Aaron. Masaya naman silang kasama, to be honest. Nakakatawa pa na no'ng una kaming nakita ni Loreen, gumawa pa siya ng kuwento kuno na may gusto ako kay Aaron at magkakagusto sa 'kin si Ken tapos voila—love triangle. Pero nang kinuwento ko sa kanya ang totoo, walang tigil ang tawa niya.
"Agh!" sigaw ko sa cell phone habang kausap ko si Loreen. Tawa siya nang tawa matapos kong ikuwento sa kanya for the nth time.
"'Te, please, get over na."
"Kailangan ba talagang maranasan ko lahat?! Ang ipagpalit? Ang ma-fall-out of love? At ang ma-reject kahit wala pa mang umpisa?!"
"'Te, hindi mo na nararanasan mamatayan. Hindi pa 'yan ang ultimate heartbreak."
"Buwisit ka!"
"Pero puwede naman kasing 'yong next mo e forever na tapos till death do you part na ang peg," pag-comfort ni Loreen. "Isipin mo na lang, ham yan."
"Hindi ako mahilig sa ham."
"E di, sige. Hotdog. Tocino."
"BV, BV, BV, BV, BV!"
"Huy, bavoo na. Maglalaba pa ako. Ay, wait, pupunta ka ba mamaya sa concert?"
"Concert ng?"
"Concert sa may AS hall. May concert yata 'yong frat nina Wayne."
"Subukan ko. 'Ge, 'ge."
Binaba ko na 'yong tawag at napahiga ulit sa kama. Hindi ko pa nakukuwento kay Jappa dahil . . . paano ba? Parang nakakahiya kasing ikuwento. Lagi niya akong kinukumusta. Tinatanong nga niya kung kami na ni Aaron, pero tumatawa lang ako sa chat at nag-iiba ng topic. Pero ngayong araw, nagdesisyon na akong sabihin na sa kanya.
CJ: May concert daw kayo mamaya?
Jappa: Yep pero di ko alam kung punta ko
CJ: Napakamediocre mong member ano haha. Sayang punta pa naman ako
Jappa: Weh? Sige punta ko
Jappa: Pero joke pupunta talaga ako dahil kakanta ako
CJ: WTF?!?!?!? MAY GANYANG KANG EVENT TAPOS DI MO SINASABI SA KIN?!?!??!
Jappa: Haha e nakakahiya naman sayo
CJ: LUH sa kin ka pa nahiya
CJ: Uy :(
Jappa: Bat sad face? Tsk
CJ: Well actually... :(((((((( hay nyetang buhay. Bat pa kasi may mga love story pa leche
Jappa: Anong nangyari?
CJ: Jappa... ;( he's gay hayst
CJ: Nakakainis na umasa hahaha well ako naman may problema don. Masaya naman sila ng bf niya. Ako nga tong third wheel sa kanila e
CJ: Wag kang tatawa!!!!!!!
Jappa: Di naman ako tumatawa
CJ: Yoko na nga.
BINABASA MO ANG
This Is Not a Love Story
Teen FictionSometimes, endings happen first. You have been warned.