Chapter 33: The Sound of His Guitar

1.3K 135 166
                                    

Nakatulala lang ako sa kama. Hindi ko maintindihan . . .

Bakit 'yon ginawa ni Jappa?

Galit ako, natural. Ilang buwang gano'n? Hindi pa kami ni Wayne, sinabi na niya ang tungkol kay Carmela, aka Charm, pero lahat ng 'yon ay kasinungalingan lang pala.

That night, nakatanggap ako ng maraming text galing sa kanya.

Jappa: CJ, sinabi ni Charm sa kin na nagkita kayo at alam mo na

Jappa: Pls let me explain

Jappa: Pls usap tayong maayos

Jappa: Maiintindihan ko kung ayaw mo na ako makita pagkatapos

Jappa: Basta makausap kita sa personal

Jappa: Kahit huli na.

Jappa: Wag mo naman sana akong iwasan. Wag mo naman ulitin yunng ginawa mo noon.

Ewan. Natatakot ako malaman kung bakit.

Hindi ko na rin alam.

***

Ingat na ingat ako lagi kapag pumapasok. Ready naman ako kung biglang sumulpot si Jappa sa tambayan para mag-explain, pero lumipas ang ilang araw pero wala siyang paramdam. Iniisip ko na ngang i-text siya, pero may parte sa 'kin na ayaw ko rin.

Natatakot ako sa mga sasabihin niya.

Sakto nga 'yong kanta ng Parokya ni Edgar na "Choco Latte." Hindi lang pala applicable 'yon sa romantic relationship. Pati rin pala sa pagkakaibigan.

Nagbuntonghininga ako. Hindi ba niya naisip 'yong consequence ng ginawa niya? Meron pa palang gano'n—'yong magsisinungaling na may girlfriend and all? Akala ko sa mga kuwento lang 'yon nangyayari at hindi sa totoong buhay.

Habang nakatambay ako, biglang lumapit sa 'kin si Wayne. Mas handa pa akong kausapin siya kaysa kay Jappa.

"Nakita ko 'yong scan," umpisa ni Wayne. Tumabi siya sa 'kin. "Babae."

"Congrats," sagot ko. "I'm sure magiging cute 'yon."

"Thank you."

"You decided it, not me," sabi ko.

Nag-usap pa kami nang mas matagal. Kinuwento niya kung pa'no nagulat ang mga magulang niya, kung pa'no nagalit, pero sa dulo, sinuportahan na lang silang dalawa. Relieved akong gano'n ang nangyari. Akala ko nga e kikirot katulad no'ng concert, pero wala na. Siguro dahil napalitan ng ibang kirot.

O baka dahil alam ko na lang sa sarili ko na mas masaya akong may bumalik akong kaibigan.

At least kahit papa'no, may good news sa likod ng kabaliwang nangyayari sa 'kin.

"Kayo," biglang sabi ni Wayne. "Kumusta na kayo ni Jappa?"

"H-ha?" Nagulantang ako. "A-ano . . . okay naman kami. Friends."

"Friends?" Tumawa si Wayne. "Hanggang ganyan lang kayo?"

"Hindi naman kami tulad n'yo ni Trish. No offense, ha. Tsaka—"

Sasabihin ko sanang may girlfriend siya, pero wala nga pala. "Wayne, di ba, sabi ko sa 'yo, may girlfriend si Jappa?"

Tumango siya.

"Apparently, it's all a lie."

"Halata naman."

"Ha?! Paanong halata?!" sagot ko. "Why would he do that? Bakit may taong magsisinungaling ng gano'n?"

This Is Not a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon