Simula nang nag-break kami ni Wayne, parang bawat araw ay "worst day ever." Gusto kong mag-move on, pero pa'no 'yon mangyayari kung araw-araw kong nasusulyapan kung ga'no kasaya sina Wayne at Cara? Hanggang pagpapanggap lang ako na "okey na ako," samtalang sila, tunay silang okey. Palala nang palala ang bawat araw.
Pero kung mayro'n mang pinakamalala, 'yon ay ang birthday ko.
Tatlong okasyon dapat ise-celebrate namin kung saka-sakaling kami pa: birthday ko, Valentine's Day, at ang monthsary namin. Pero ngayon, parang gusto ko na lang kalimutan na birthday ko. Anong Araw ng mga Puso?! Puso their face. This is the new Araw ng mga Patay.
Bitter ako. Natural.
Pagkagising ko, binati ako ng mga roommate ko. Nakatanggap din ako ng message mula kina Mama at Papa at sinabi nilang uuwi daw sila sa summer para makapagbakasyon kami as a family. Doon lang yata ako excited. Pero the rest, wala akong gana. Lantutay ako nang nagfa-flag ceremony. Bawat "happy birthday" sa 'kin, ngumingiti lang ako. Pero deep inside, iniisip ko, Puwedeng 'wag n'yo ako batiin?
Pagdating sa classroom, gano'n din. Puro happy birthday. Ngumiti na lang ako at nag-thank you. Normal lang ang daloy ng araw, walang espesyal. Umalis nga agad sina Luis at Yanna dahil may sari-sarili din silang pupuntahan. Isa pa, every birthday ko kasi, iniiwan nila ako kay Wayne tapos uuwi sila nang maaga. Baka nasanay na rin sila.
Pero tulad nga ngayon, hindi na kami.
Naisip kong bumili na ng sim card. Birthday gift ko na lang para sa sarili ko.
Habang naglalakad, nagre-reminisce ako sa nakaraan kong birthday na kasama si Wayne. Mauuna muna siya sa Pritil tapos ako. Naghahanda kasi siya ng "surprise" para sa 'kin. Nakakatawa lang na hindi na talaga 'yon technically surprise dahil alam ko na may gagawin siyang kakaiba. Ang hindi ko lang alam ay kung ano ba talaga 'yong gagawin niya.
At dahil do'n, napagdesisyunan kong bumisita do'n. Puwede naman akong pumunta kahit mag-isa lang. Sinong nagsabi na kailangan na kasama ko siya ro'n?
Pagdating sa Pritil, naglakad-lakad lang ako. Nagulat ako nang nakita ko si Wayne. Napakagat ako ng labi at napangiti. Siguro, kahit nagbreak kami—siguro lang naman—naisip niya na pumunta pa rin sa meeting place namin ngayong birthday ko.
Okey na ako do'n.
Papunta na sana ako sa kanya nang biglang . . .
Nagpakita si Cara.
Galing si Cara somewhere tapos umupo sila do'n sa dati naming inuupuan ni Wayne. Sumandal si Cara sa balikat ni Wayne at nag-umpisa na silang magkuwentuhan.
Tumulo 'yong luha ko, galit na galit sa eksena. Gusto ko silang sugurin.
Papunta na sana ako nang may naramdaman akong kamay sa mga balikat ko, parang pinipigilan ako. Pagtingin ko, si Jappa.
"Ikaw na naman?!" Hinampas ko 'yong kamay niyang nasa may balikat ko.
"Anong mayro'n sa salitang 'na naman'?"
"Lagi ka na lang sumusulpot sa tuwing—" Di ko masabi pero . . . sa tuwing lagi akong naiiyak. "Bakit ka ba kasi nandito? Stalker ba kita?!"
"Yup."
"Peste."
Kinagat ko 'yong labi ko at saka umalis. Naramdaman kong sinundan niya ako. Pero sa totoo lang, wala akong balak umalis dahil gusto kong tingnan kung anong gagawin nina Cara at Wayne.
"Bakit ka ba bumabalik sa mga pinupuntahan n'yo lagi?" tanong ni Jappa habang sinusundan ako. "May balak ka nga ba talagang mag-move on?"
Napatigil ako sa paglalakad. Bakit ba kailangan napakaprangka ng lalaking 'to? Hindi ba pwedeng tumahimik muna siya sandali at hayaan ako? "O, ano naman ngayon kung wala?"
BINABASA MO ANG
This Is Not a Love Story
Teen FictionSometimes, endings happen first. You have been warned.