Nagulat ako sa sinabi ni Jappa. Di ko alam kung anong isasagot ko. Ano bang klaseng tanong 'yon? Nag-panic bigla 'yong utak ko tuloy.
CJ, paalala ko sa sarili ko, inhale, exhale.
"Ha—"
"Ito naman," biglang sabi ni Jappa, mukhang napansin niya ang pagkataranta ko. "Joke lang. O, ba't ka namumula?"
"H-hindi ha! Para ka kasing . . . ugh!" Tumalikod ako at naglakad palayo, pero nahawakan niya 'yong braso ko. Humarap ako sa kanya at dinagdag, "Jappa, kung . . . kung puwede lang, 'wag ka muna mag-joke ng gano'n. Ayoko munang makarinig ng gano'n-gano'n. Gusto ko muna i-enjoy 'yong buhay na ako na lang."
Ngumiti si Jappa. "Alam ko 'yon. Sorry kung nasabi ko 'yon, nabigla ka tuloy."
"Thank you. Sarili ko muna."
Tumango siya. May ngiti, pero malungkot. Hindi ko rin alam kung paano ko 'yon nasabi. "Tama. Para Masaya."
Sana nga maging masaya ako.
Pag-uwi ko sa bahay, binuksan ko agad ang Facebook ko. Nakita ko kaagad 'yong wall post ni Cara kay Wayne:
Yung oras na umiiyak ka dahil hanggang ngayon tingin mo mahal pa rin niya siya. Pero bigla ka niyang yayakapin sa likod, sabay hahalikan, sabay bulong ng sorry. At sa isang iglap, napatawad mo na siya. Sa isang iglap, tingin mo, kaya mong tiisin, basta alam mong mahal ka niya. ♡♡♡
Nandidiri ako, iyon ang totoo. Ganito rin naman kami dati ni Wayne, pero iba ang pakiramdam ngayon. Natural. Kasi hindi na ako ang girlfriend. I'm the ex.
May nag-like na isa. At isa. At isa.
Pinindot ko ang x button sa upper right corner. Sige na, mahal na nila ang isa't isa. Kung puwede lang akong makiusap na 'wag na nilang i-broadcast, pero siyempre, di ko naman pagmamay-ari ang Facebook. Anong karapatan kong pigilan sila mag-post? Di ko tuloy alam kung i-a-unfriend ko si Cara.
Pero wala pang sampung segundo, napa-online na naman ako. Saktong lumabas ang isang message galing kay Jappa.
Jappa: Tama na pagsstalk.
CJ: Di naman ako nagsstalk.
Jappa: Sabi mo eh.
CJ: BTW nakauwi ka na?
Jappa: Comshop. Dota muna.
CJ: Wala ka bang dota sa bahay niyo?
Jappa: Meron. Teka.
Lumipat ako sa ibang window. Naiintindihan ko naman na DoTA will always be greater than friendship. Haha. Biruan lang namin 'yong magkakaibigan dahil minsan gano'n din sa 'kin si Wayne dati.
Pero nagulat ako nang may notification.
Jappa: Exit ko lang dota.
CJ: Ui wag na.
Jappa: Eh? Naexit ko na.
Jappa: Game.
CJ: Ha? Anong game?
Jappa: Teka lang ulit haha.
CJ: Sige lang haha
Nag-browse ako sa feed ko habang hinihintay ang susunod na message niya. Pag-refresh ko, biglang may lumabas na post niya:
BINABASA MO ANG
This Is Not a Love Story
Teen FictionSometimes, endings happen first. You have been warned.