Ang normal na ginagawa ng mag ex ay ang mag-iwasan, hindi ba? Iyong iba nga, hindi na talaga nag-usap. Pero nonconformist yata 'tong si Wayne. Lagi niya akong ite-text, aayaing lumabas at sasabihing "as friends" at "alam naman ni Cara." Tumatanggi ako, natural, pero nag-uumpisa na naman kaming magkumustahan sa text. I guess, okay lang na friends talaga. Pero ito kasi, parang one-sided. Puwede bang hintayin niya muna akong mag-move on? Mga after five years.
May oras na bigla niya akong sinopresa sa tapat ng bahay. Di ko alam kung anong trip niya, pero ang dahilan niya, "nami-miss ko na 'yong barbeque-han dito." Alangan namang ipagtabuyan ko siya—I mean, puwede ko namang gawin, pero 'yong trato niya talaga sa 'kin e parang barakada na lang. Sa oras na 'yon, ang iniisip ko ay kung naiisip ba niya kung gusto pa rin niyang hawakan ang mga kamay ko o yakapin man lang, o kung magkakamali ba siyang halikan ako ulit. Pero sa dalawang beses na 'yon, walang holding hands, walang yakap, at lalong walang kiss. Basta magkasama lang kami na parang magkapitbahay lang na unang beses magkayayaan.
CJ: Jappa, hay ano na
Jappa: Nagkita kayo? Bat ka umoo
CJ: Paano mo nalaman?
Jappa: Nagleave na ako ng grp namin
CJ: Ha? Wait why ano nangyayari
Jappa: Sinong hindi magagalit? Pinagmamayabang niya na magkaibigan kayong magex?
CJ: Hindi ka ba agrabyado non? :(
Jappa: Kaya ko nalaman kasi nagsend siya ng picture na kasama mo siya na may bbq. Ilang beses ko na siyang sinabihan na wag ganon
CJ: Ha?! Hindi ko alam!
CJ: Sorry. Pero di ko alam na may picture. Putek
Jappa: Hayaan mo na sila kung anong isipin nila. Di ko yon itotolerate
CJ: Shoot Jappa sorry :(
Jappa: Bat sorry? Desisyon ko yon.
CJ: Tsaka ayun nga biglaan yon. Bigla na lang siyang pumunta
Jappa: Sana tinaboy mo
CJ: Pero malinaw na barkadahan lang
Jappa: Payag ka ron? Kahit di ka pa nakakamove on?
CJ: Grabe. Critical hit naman
Jappa: Kahit naman critical hit ka, di naman namamatay yang feelings mo
CJ: Gagu patay na. Pilit lang binubuhay
Jappa: O baka di naman namatay
CJ: PATAY NA NGAAAAAA. As friends na nga lang daw
Jappa: Ewan ko. Bahala ka. Tigas ng ulo mo
CJ: Hala
CJ: Sorry. :(
Jappa: Tigas rin naman ulo ko. Patas na tayo
CJ: Ha? Bakit
Jappa: Wala
Jappa: Dito lang ako
Jappa: Samahan kita enrolment bukas?
CJ: Luh pano mo nalaman?
Jappa: Haha stalker lang ako
Jappa: Nalaman ko lang sa ibang batchmates
CJ: HAHA yan tayo e
BINABASA MO ANG
This Is Not a Love Story
Teen FictionSometimes, endings happen first. You have been warned.