Chapter 30: By Force

1.1K 118 112
                                    

Bakit ba kasi walang kuwentong normal lang? Kailangan ba talaga may conflict? Kailangan ba talaga pinapahirapan 'yong bida?

Ilang araw din akong nagmukmok. At dahil Christmas break at hindi naman uuwi sina Mama at Papa ngayong Pasko, nasa bahay lang ako buong holiday season, nakapatay ang cell phone, walang balak tingnan ang social media feeds ko.

Pagbukas na pagbukas ko, isang message ni Jappa ang natanggap ko:


Jappa: Di ka nagparamdam buong pasko. Ok ka lang?

Jappa: I'm a text away if you need a friend.


Hindi ako nag-reply. Natapos na ang Christmas break, nag-resume na ang klase, pero hindi ako sumagot. Oo, sa kanya ako mas galit, at hindi kina Wayne at Trish. I mean, galit din ako sa nangyari sa kanila, pero pakiramdam ko, trinaydor ako ni Jappa bilang kaibigan. Alam kong mabigat ang salitang "traydor," pero iyon talaga ang naramdaman ko.

Halos ilang linggo na rin akong umiiwas. Buti nga e mabilis ang mga mata ko; minsan maaabutan ko si Jappa sa tapat ng college, mukhang may hinihintay. Kapag gano'n, sa library ng ibang college ako nag-aaral. Pero alam ko namang hindi rin 'to magtatagal. Dadating at dadating ang panahon na di ko na siya maiiwasan.

Tulad ngayon.

Saktong papunta na ako sa susunod kong klase nang narinig ko ang pangalan ko. Boses 'yon ni Jappa, kaya hindi ako lumingon.

"CJ!"

Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang lumingon?

"Hello," bati ko with a sarcastic tone. Alam ko namang hindi manhid si Jappa.

"Mag-usap tayo," sabi niya. "May gagawin ka mamaya?"

"Marami actually," sagot ko. "Una na ako. Nagmamadali ako, e. May class pa."

Tapos umalis na ako, walang lingon-lingon.

Bakit nga ba gano'n? Once na matuto ka nang magsinungaling, kaya mo nang ulit-ulitin 'yon? Hindi naman dapat, di ba? The thing is, may gagawin ako pero hindi marami. May susunod akong class, pero hindi ako nagmamadali.

I'm sorry, sabi ko na lang sa utak ko. Ngayon, kahit 'yong nag-iisang taong napagsasabihan ko ng lahat, hindi ko na alam kung paano pagkakatiwalaan.

Ay ewan.

Pumasok ako sa room ng English 11 class ko. Kahit no'ng nagdi-discuss na ang prof namin, nakatulala lang ako. Nag-count one to five na para sa groupings, tulala pa rin ako. Tumayo na para pumunta sa kanya-kanyang group, wala pa rin ako sa wisyo.

"Panyo mo, nahulog," sabi ng groupmate ko.

Pinulot ko 'yong panyo ko tapos natulala ulit. Ang task ay ang mag-summarize ng kuwentong binasa namin, pero ewan. Wala akong naintindihan. Buti na lang at naabutan ng oras at halos lahat ng grupo e hindi pa tapos, kaya sabi ni ma'am, reporting na lang next meeting. Kami-kami namang magkakagrupo, nag-agree na magkita-kita ng alas sais ng gabi. Mas okay na 'yon, at least hindi ko makikita 'yong mga ayaw ko makita.

***

Six o'clock. On time naman ako sa meeting place. Unfortunately, wala pa ring tao. Do'n ako inis na inis. 'Yong dadating ka on time, sasabihin na dapat six sharp, pero walang anino ng mga groupmates mo. Bakit ba rito sa Pinas, hindi uso ang tamang oras? Nakakainis.

"Uy," sabi ng isang boses—'yong groupmate kong nakapulot ng panyo. "Wala pa sila?"

You don't say, sabi ko sa utak ko. "Oo nga, e."

This Is Not a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon