Sabay kaming umalis ni Jappa sa bahay nila. Nagpasalamat ako dahil hindi niya ako pinabayaang mag-isa sa dorm no'ng araw na 'yon, kundi baka nga sumabog ako mag-isa. At dahil dumating na naman ang Friday, magtitiis na naman ako sa isang weekend na wala akong gagawin
Tahimik lang kaming dalawa habang nagbibiyahe. Nang nakarating na kami sa school, sabay rin kaming naglagay ng gamit sa mga classroom namin. Sabay kaming lumabas, at sabay kaming umupo sa bleachers.
Nag-uusap lang kami nang biglang pumunta sa 'kin si Luis. "Uy," umpisa niya. "Ini-issue na kayo."
Tiningnan ko si Jappa. Hindi ko naman hinanda ang sarili ko sa ganito.
"Hayaan mo na lang kung hindi naman totoo," sabi ni Jappa.
"Alam ko naman," sagot ko. "Isa pa, alam kong lahat sila nawiwirdohan kung paano tayo naging close."
"Bakit ba kailangan lahat may dahilan at pinanggalingan? Hindi ba puwedeng basta gano'n na lang?"
Nakaramdam ako ng tulak galing kay Luis, nanunukso ba. "Luis," pagsaway ko. "Tumigil ka nga."
"E, kinilig ako. Nga naman, tama si Papa Japs. Puwedeng namang basta kayo na lang—este, gano'n na lang. Diyan na nga kayo nang makapag-solo time!" Tumayo na si Luis at pumunta somewhere.
Personally, hindi naman ako naiilang dahil alam ko namang wala akong gusto kay Jappa at gano'n din naman siya sa 'kin. Nagkataon lang na nage-gets niya ako at ang napagdadaanan ko ngayon.
Nag-uusap kami ni Jappa nang biglang nakita kong dumating sina Cara at Wayne. Magkasabay silang pumasok. Tumingin ako sa ibang lugar para pigilan ang umiyak dahil ang sabi ko, tapos na ang lahat kahapon.
Bakit . . . Bakit ba ang sakit-sakit pa rin?
"Bale wala rin pala 'yong pagsunog ng mga gamit, e," biglang sabi ni Jappa. "Nakatingin ka na naman sa kanila."
"Hindi sa gano'n. Hindi naman ako makaka-move on overnight. Tingnan mo nga, ilang buwan na rin ang nakalipas, pero parang kahapon lang ang totoong closure. Basta, kakayanin ko 'to."
"Ganito na lang. Sa tuwing dadating sila, anong gusto mong gawin ko?"
"Bakit may kailangan kang gawin?"
"Kailangan ba kitang lagyan ng piring? O tatakpan ko na lang 'yong mga mata mo."
"Di na kailangan. Kusa na sasara 'yong mga mata ko."
Tumayo na kaming dalawa dahil nag-ring na ang bell para sa flag ceremony. Nakakatawa lang na nahuhuli ko 'yong sarili kong iniisip ang mga nangyari kahapon—na wala akong ginawa kundi umiyak at sumigaw habang nakikinig lang si Jappa.
Pagbalik sa classroom, bigla kong narinig si Nicole, isa sa mga kabarkada ni Cara. Pagkakaalam ko, may gusto rin siya kay Wayne kaya inaway niya ako dati. Basta, hindi kami in good terms: "Grabe, girl," sabi niya do'n sa katabi niya. "Ang kapal. Kaka-break pa lang, may nilalandi na agad?! At kabarkada pa."
Pumilantik 'yong tainga ko. Hindi dapat ako ma-guilty kasi wala naman akong nilalandi. Pero bumulusok pa rin 'yong dugo ko sa mga sinabi niya.
Hindi ko 'yon kinuwento kina Luis at Yanna kasi nga hindi dapat ako ma-guilty. Pero naramdaman nilang di maganda mood ko kaya di sila gaano nagbibiro.
Pagdating ng lunchtime, pumunta kaming dalawa ni Yanna sa canteen. Nakita ko na naman si Nicole na kasama ni Cara. Natural, barkada sila, e. Kasama rin nila 'yong buong barkada ni Wayne. Gusto ko ngang umatras na lang, kaso nando'n na ako. Kailangan kong ipakita na hindi ako apektado.
Nagulat ako nang biglang katabi ko na si Jappa sa pila tapos tinaas niya 'yong dalawang kilay niya, parang "hello" ba. Tiningnan din niya 'yong hawak ko—isang Inipit bar at Zesto juice.
BINABASA MO ANG
This Is Not a Love Story
Teen FictionSometimes, endings happen first. You have been warned.