Chapter 24: Good Luck

1.2K 113 74
                                    

"O, bangag?" tanong agad ni Wayne sa 'kin nang makita niya ako sa tambayan. Nakangiti ang kumag, alam na may "iba." Halata ang pagpupuyat ko dahil medyo mangitim-ngitim ang eyebags ko.

Ngumiti siya sa 'kin. "Usap tayo?"

"Nag-uusap na tayo actually," sagot ko.

"Na-receive mo naman siguro," dagdag niya. "Pero di ka na nag-reply. So alam ko na yata ang sagot—"

"T-teka lang, okey. Di ko na alam ire-reply ko. 'Wag mo 'ko madaliin. Medyo flustered pa ako."

"Naks, flustered."

"Che."

"Tara, treat kitang fishball."

Nakasunod lang ako sa kanya habang tahimik nanagba-browse ng cell phone. Walang nangungusap. Malamang, pareho kaming nagkakapaan.

Nang nasa may fishball-an na kami, umupo kami sa isang bakanteng upuan. Nag-order kami ng tig-isang pancit canton na may fishball on the side.

"Totoo 'yon, ha," umpisa niya. "Di 'yon joke."

Wala pa rin akong maisagot. Nakatingin lang ako sa niluluto. Sobrang kakaiba at ang awkward lang dahil madaldal ako madalas kay Wayne. Pero ngayon, parang tinahi 'yong bibig ko.

"No'ng una kitang nakita, hindi ko alam kung natatandaan mo, pero umiiyak ka sa sunken garden."

"Oo nga. Di ba sinali ko nga 'yon sa kuwento."

"Tapos naglakad ka na lang. Kakabili ko lang ng camera ko no'n. E, di ko alam kung paano pinapagana 'yong pampabilis ng shutter."

A, kaya pala siya click nang click, naisip ko.

"No'ng paalis ka na, nakakuha ako ng isang magandang shot."

"Weh? Asan?"

"Mamaya ipapakita ko sa 'yo." Ngumiti siya, labas dimples.

Siguro naman okey na ulit ang pumasok ako sa isang relationship. Iniisip ko lang dati na puro kasi siya, siya, siya. Parang pakiramdam ko, obligado ako suklian ang mga sweet gestures sa 'kin ni Wayne—tulad ng pagpunta niya sa 'kin kung nasaan ako, papayungan ako kapag umuulan, at 'yong simpleng pag-alalay niya sa 'kin sa daan. Kaya sinisigurado ko na hangga't maaari, hindi ako nagseselos at nakukuha niya lahat ng gusto niya sa 'kin para hindi siya magsawa.

At nalaman ko, via experience, na may downside 'yon. Ayan, naloko tuloy ako. Lesson learned. Magtira para sa sarili—cliché, pero totoo.

"Hindi sa nagmamadali ako, CJ," dagdag niya, saktong kararating lang ng order namin. "Pero hindi naman ako maghihintay sa wala, di ba? O . . . malayo ba na—"

"Ayusin ko muna ang mga iniisip ko," sagot ko sa kanya. "Sa ngayon . . . ang bango ng pancit canton. Puwede bang kumain muna tayo?"

Tumawa siya. "Yes, your majesty."

Nagkunwariang mga critique kami ng pancit canton at kung ano-ano pang street food bago kami bumalik sa college. Pinakita niya sa 'kin 'yong kuha niyang litrato: ang hinahangin kong buhok; ang mga kulay na orange, pink, at violet sa may damit ko dahil sa paglubog ng araw; at ang malayo kong mga tingin.

Ito na yata ang pinakamagandang litrato ko na nakita ko.

***

Mula sa huling klase ko, bumalik ako sa tambayan namin sa college. Nagulat ako nang nakita ko si Jappa na nakasandal sa may isa sa mga pader, umiinom ng kape.

"Jappa!" pagtawag ko sa kanya. Ba't ka nandito?"

"May inuunahan lang akong makasabay mo pauwi," komento niya bago siya ngumiti. "Marami kang kuwentong utang sa 'kin."

This Is Not a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon