Chapter 28: Short and Sweet

1K 135 31
                                    

"O, kayo pala?! All this time?!"

Si Carmela ay si Charm, 'yong dating kaibigan ni Jappa na binasted siya at bigla ring nawala na parang bula tapos back to friends tapos ngayon . . . sila na? Woah.

"E, bakit hindi mo na lang sinabi na si Charm pala?" tanong ko.

Ngumiti lang si Charm. "Ayaw niya kasi akong tawaging Charm. 'Yon daw kasi 'yong dating ako."

'Yong dating . . . siya? So meaning, nagbago si Charm? Paanong nagbago?

"Gusto mo kumain?" tanong ni Jappa sa kanya.

"Hindi, okay lang. Busog pa ako."

Oookaaay. So ang nasa harap ko ngayon ay dalawang magsing-irog. Yeah, right. Ano ba 'to? Pinapakita talaga sa 'kin ng tadhana na masaya ang lahat at miserable ako.

Bigla akong nainggit. Nainggit in some way na . . . buti pa si Jappa tinatanong man lang si Charm kung gusto niya kumain. Sana gano'n din si Wayne sa 'kin.

Pero mali. Don't compare, don't compare, sabi ko sa utak ko.

"I heard na Wayne din daw pangalan ng boyfriend mo ngayon," sabi ni Charm. "Oks naman kayo."

Parang ewan dahil kakakuwento ko lang kay Jappa na hindi kami okay, pero ang sagot ko kay Charm, "Oo, oks lang kami."

Tumingin ako kay Jappa. Gets naman siguro niya kung bakit ko 'yon sinabi. Siguro kasi ayokong makita ng iba na hindi ako—kami—okay, na masosolusyonan namin 'to. Sa apat na tao lang naman talaga ako naging open—sina Loreen, Yanna, Luis, at Jappa.

"Hindi na kami masyado nagkikita at nagte-text dahil sooobrang busy niya, pero naiintindhan ko naman." Why the hell am I lying?

"Weh? Buti kinaya mo 'yon."

"Oo naman."

Feeling ko nasa naughty list na ako ni Santa at wala na akong pag-asang maregaluhan. Buti na lang hindi siya totoo.

Ngumiti lang si Jappa. Ngiting nakakabuwisit.

At dahil ang awkward lang na parang nakakasira ako ng date, tiningnan ko 'yong cell phone ko, kunwaring may binabasa. "Sorry, I need to go. Nag-text si Wayne na magkita raw kami."

"Aww. Uy sa uulitin!" sagot ni Charm. "Sana makapag-hangout tayong apat."

Impusible yatang mangyari 'yon, sabi ko sa utak ko. Pero ang sinabi ng bibig ko, "Sure! Gusto ko 'yan!"

Tumingin lang sa 'kin Jappa, saka tinaas 'yong kamay na parang "bye," pero wala siyang sinabi. Napakamot na naman siya sa bridge ng ilong niya. Hindi na ako lumingon pagkatapos.

Habang naglalakad, puno ako ng inggit. Tama nga ba ang desisyon ko ngayon na magmahal ulit? E, bakit ganito 'yong nararamdaman ko?

***

Ilang linggo ulit ang lumipas, pero gano'n pa rin ang setup namin ni Wayne. Magkasing-college lang naman kami, magkasing-org, pero lagi siyang busy doon sa frat niya. Lagi niyang sasabihing, Love, please understand.

Umabot na ako sa point na itatanong ko si Jappa kung busy nga sila sa event. Kinumpirma naman niya, pero hindi tulad ni Wayne, hind siya gano'n ka-active. In his words, "Mas gusto kong maglaan ng oras para sa mga taong mas importante kaysa sa mga gano'n."

Naisip ko, kung idadaan ko 'to sa galit, wala na namang mangyayari. Paulit-ulit na lang. Magagalit, sasabihin sa kanya ang totoong emosyon, magso-sorry siya, tapos okey na kami, and then repeat.

This Is Not a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon