Nakatingin nang masama sa 'kin sina Yanna at Luis habang dinuduro-duro ang reading app sa mga cell phone nila. Kakabasa lang kasi nila ng kuwento kong umabot na ng thirty-three chapters—good for me. Pero heto, galit na galit sila. Ngayon lang kami nagkita matapos ang ilang taon, at hindi ko alam kung magpapasalamat ako na dahil 'yon sa, in their own words, "Gusto ka naming sampalin dahil nananahimik kami rito tapos pinabasa mo 'yong kuwento mong sobrang sakit." Busy na kasi kami sa kanya-kanya naming trabaho—si Yanna sa isa corporate company, si Luis sa isang nonprofit organization, at ako naman sa isang public school.
"'Yan na nga ba ang sinasabi ko, e! Pashnea ka!" sigaw ni Yanna. "Alam mo, isusuka ka ng mga romantic novelists. Masyado mong pinaparusahan 'yong bida ng kuwento mo."
"In this case, ikaw," gatong ni Luis. "Ayan, in real life din. Ano, 'musta impyerno sa puso mo, 'te? Saya ba? Ha? Saya?! Dinamay mo pa kami! Kakaloka!"
"So, ano, si Jappa pa rin?"
"Look how the tables have turned."
"Buwisit kayo, ano?" sagot ko sa kanila. "I'm not sure kung siya pa. Pero alam kong sa kanya ko huling naramdaman na, alam n'yo 'yon, na . . . in love ako."
"Ang ilap nga ni Papa Jappa," dagdag ni Luis. "May bagong Facebook na ba 'yon? Ilang taon na, pero ngayon ko lang nalaman na hindi pala kami friends!"
"Kasi hindi naman na yata iyon ang latest na account niya." Humigop si Yanna sa frappe niya at saka nagsalita ulit.
"Wait, friends kayo?! Ba't ako hindi?!"
"Ako yata ang nag-add. Pero ang huling post niya, two years ago. Siguro ginawa lang niya para sa work kasi nakita kong may nag-tag sa kanya tapos nag-reply, pero about work."
"Nakita ko nga na may bago siyang account," sabi ko. "Pero di kami contacts. Nahihiya ako."
"Have you at least sent him a message?"
"Nope."
"E, echoserang froglet ka pala, e!" sigaw ni Luis. "Bakit?!"
"Takot? Walang lakas ng loob?" sagot ko. "No'ng una siyang umamin, nagtago ako. Sumunod naman, tinanggihan ko siya. Paano kung nagsawa na siya? Pusible 'yon."
"Ibubuhos ko sa 'yo 'yong arinola ng lola ko, e!" sigaw ni Luis. "Tatlong taon, girl, no'ng nagtago ka, pero ikaw pa rin! Nagtago siya for a year dahil na-guilty siya, pero nang nagkita kayo, ikaw pa rin! Tapos ganyan epek mo?!"
"Sabi nga ni Jappa, mahirap talaga kalimutan ang mga taong bigla na lang nawala sa buhay mo. Pero, ewan ko ba. Hindi naman biglaan 'yong kanya dahil nag-usap naman kami, pero heto, di ko pa rin siya makalimutan."
"Kasi nga, girl, puno ka ng panghihinayang." Nag-stretching si Yanna, saka tumingin ulit sa 'kin. "Alam mo kung kailan 'yan mawawala? Kapag nagkita na kayo at nakumpira mong may iba na siya."
"Or kapag may minahal ka na namang iba at—poof, makakalimutan mo na lang siya."
Nagbuntonghininga ako. "Apat na taon na nga, wala pa ring dumadating na love life."
"Ayaw na raw ng universe masaktan ka. Mag-ipon ka na lang para pambili ng mga pusa para masaya naman ang pagiging single, mars."
Mukha ngang gano'n ang mangyayari, isip-isip ko habang natatawa. "Samahan n'yo na nga lang akong bumili ng damit, mga gaga kayo," sabi ko sa kanila. "Kasal ni Wayne bukas. Wayne as in si Aaron Wayne."
"Buti naging friends kayo n'on ano?" sagot ni Luis habang sabay-sabay kaming tumayo. "Pero si Wayne the Frog, waley na."
"Maganda naman kasi closure ko kay Wayne—as in Aaron Wayne. Unlike no'ng isa. Never ko naman binalak na kumustahin. I mean, I'm okay like this. Gano'n."
BINABASA MO ANG
This Is Not a Love Story
Teen FictionSometimes, endings happen first. You have been warned.