"Ayoko na! Gusto ko na mamatay!" hagulgol ko. Iyon lang 'yong nasabi ko habang nasa bahay ako nina Yanna. Nando'n lang kami sa sofa—ako, si Yanna, at si Luis.
"Bakla, ano ba 'yan?" gatong naman ni Luis habang hinihimas-himas ang likod ko para patahanin ako. "Ako nakatatlong break na ako."
Pinalo ni Yanna si Luis. "Tatlong break ng itlog? Do'n ka naman magaling—sa pagbabatil. Tumigil ka nga! Tamo na ngang umiiyak ang ating friend."
Ang saya lang na kahit papano nakakatawa pa ako kahit masakit 'yong utak at dibdib ko sa kaiisip sa mga nangyari no'ng isang linggo. Isang linggo na akong umiiyak, at isang linggo na akong hindi pumapasok. Alam kong ang OA pakinggan, pero nagkataon kasi na nagkatrangkaso ako. Dulot na rin siguro ng lungkot.
"Friend, may iba pang papa diyan," pagtahan ni Luis.
"Sino? Sino 'yong iba na 'yon?!"
Sino pa ba ang iiyakan ko kundi sila? Si Mama at Papa, nagtatrabaho sa ibang bansa, at ako naman, ang kanilang unica hija, ay nasa pangangalaga ng aking tiya na laging nasa trabaho.
"Girl, alam ko na," suhestiyon ni Luis. "Mag papa hunting tayo, you like? Then shopping?"
"Tama," sang-ayon ni Yanna. "Gusto mo mag-shopping?"
"Mga ilusyonada. May mga pera kayo?"
Nagtinginan silang dalawa. Ito talagang dalawang 'to. Alam ko namang pinapasaya lang nila ako.
"Matanong ko lang," dagdag ko. "Kumusta sina . . . Cara at . . . siya?"
Natahimik silang dalawa. Si Yanna ang unang nagsalita. "Mukhang happily ever after ang dating ng kuwento nila."
"Minsan nga nakakainis lang na makikita mo silang magka-holding hands. Parang—what the freakin' slipperz. Stop that Philippine Dental Association!"
Na obviously, PDA as in "public display of affection," ang ibig sabihin ni Luis. Kahit mas madali namang sabihin na PDA, sinasabi niya pa rin niya 'yong "Philippine Dental Association" nang buo.
"Naiinis na lang ako sa mga tao sa paligid na parang nata-touch pa sa kuwento nilang dalawa," dagdag ni Yanna. "Na parang mala-Koreanovela ang dating."
Ang pangit pala ng role ko sa kuwento nilang dalawa. Mas lalong ayaw kong pumasok. Ayaw ko makita 'yong fairy tale nila or whatsoever. Naisip ko lang, May nakakaisip kaya sa akin?
I mean, siyempre bukod kay Yanna at kay Luis.
May nakaisip ba sa mga babaeng hindi pinansin ng prince para lang do'n kay Sleeping Beauty na mas matanda sa kanya ng isang daang taon? May nakaisip ba do'n sa mga babaeng hindi napili ng salamin sa title na the "fairest of them all" sa Snow White? May nakaisip ba ever kung anong nangyari do'n sa mga babaeng hindi nagkasya 'yong sapatos sa Cinderella? At sino ba naman ang makakaisip sa nararamdaman ng mga babae sa mga telenobela na inagawan na nga, naging kontrabida pa, tapos namatay o kinulong o nauwi sa mental sa dulo?
Siyempre . . . wala.
Kinontrol ko ang sarili ko. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko kayang malimutan 'yong mga nangyari. Anniversary na namin . . . dapat. Pero heto ako, umiiyak.
***
Pagpasok ko, hindi ko pinahalata na hindi ako affected. Ito siguro ang tinatawag na pride. Nasa katabing classroom lang sila, at kunwari, may kinakausap ako pag dadaan ako sa room na 'yon para hindi ko sila makita.
Nakakainis lang no'ng pagdaan ko sa isang room ng freshmen, may narinig pa akong, "Ang cute kaya ng love story nina Ate Cara at Kuya Wayne. Imagine? Si Ate Cara pala crush na ever since si Kuya Wayne. E, siyempre, si Kuya Wayne, may GF pagpasok dito."
BINABASA MO ANG
This Is Not a Love Story
Teen FictionSometimes, endings happen first. You have been warned.