Pakiramdam ko talaga, bago pa dumating ang graduation, sunog na ang balat ko. Huling linggo na nga lang ng graduation practice, at nakabilad pa rin kami sa araw. Sinulit na lang na min ang break time dahil do'n. Pero kahit uwian, hindi namin matiis ang uhaw. Dumireto kami nina Yanna at Luis, ang aking forever chikadoras, sa canteen para bumili ng kahit anong malamig bago bumalik sa classroom para magligpit ng gamit. Saktuhan namang nakita ko si Jappa na kausap si Nicole.
Tapos biglang dumating si Charm.
Hindi talaga kami close nitong si Charm kasi tahimik lang siyang tao. Come to think of it, bagay nga sila ni Jappa. Kaya siguro nagkasundo sila. Siya 'yong panglawa siguro sa pinakamaliit sa batch namin. Maganda at simple lang. Imba mag-piano at magsulat kaya pinanlalaban sa mga writing contests sa school.
Nakita kong napalingon si Jappa nang dumaan siya. Naisip ko, Ano kayang feeling nilang dalawa? Kinuwento na sa 'kin ni Jappa na sobrang close nila hanggang second year high school, pero nasira lahat nang inamin niya.
Bumalik na kami sa classroom habang iniinom ang mga binili naming juice at saka ako nag-text kay Jappa kung magsasabay ba kami. Nag-reply naman siya ng oo, kaya sinabi ko kina Yanna at Luis na mauna na lang sila.
"Oo na!" sabi ni Yanna. "Aalis na kami!"
"Kapag kayong dalawa ang nagkatuluyan," pang-asar ni Luis, "kailangan ako ang bridesmaid!"
"Asa! Ring bearer puwede pa!"
"Echosera."
"Tumigil nga kayong dalawa," sabi ko. Hanggang sa pag-alis nilang dalawa, hindi pa rin nila ako tinigilan. Sanay naman na kami ni Jappa sa pang-aasar ng dalawang 'yon.
Hinintay ko si Jappa sa may corridor. Pagkarating na pagkarating niya, napasabi kaagad ako, "O, game, sabi mo tuturuan mo 'ko ng 'Brighter'?"
"Oo nga," sagot niya. "Heto na nga, e."
Dala-dala ang mga gitara namin, pumuwesto kami sa may bleachers. Habang tumutugtog kami, biglang kong nakita si Charm sa malayo. Napatigil tuloy ako.
"Alam mo," sabi ko sa kanya, "tingin ko hindi ka pa moved on."
Napatigil din tuloy si Jappa. "Bakit mo nasabi?"
"Kanina sa canteen, nakita kita na napatingin sa kanya."
"O, tapos?"
"Wala lang. 'Yong tingin mo, e."
"Maniwala ka man o sa hindi, wala na talaga. Sa ngayon, nanghihinayang lang talaga ako sa naumpisahan namin."
"Pero if given a chance na maging kayo? Game ka?"
"Binasted nga ako eh. Nang-aasar ka ba?"
Natawa ako. "I mean . . . Paano kung bigla kang magustuhan ni Charm?"
"E di, 'yon," sabi niya. "Siya naman babastedin ko."
"Samaaaaa!" natatawa kong pang-asar.
"E, wala na. Ang kulit mo rin, ano?"
"Buti ka pa." Nagbuntonghininga ako. "Madali lang sa 'yo na magmahal ulit."
"Siguro nga, may mamahalin ako ulit. Pero hindi na gano'n kadaling umamin."
Naalala ko 'yong usapan namin kung saan sinabi niya na takot na siya umamin, at ako naman takot na magmahal ulit. May naisip tuloy akong kanta. "Alam mo 'yong 'Magmahal Muli'?"
"Oo. Bakit?"
"Kantahin mo nga." Ibinaba ko ang gitara ko. Siya muna ang pakakantahin ko.
"Talent fee?"
"Dalawang kwek-kwek," pag-propose ko, "ayos na?"
Kinapa muna ni Jappa ang chords at saka siya kumanta. Napangiti ako kasi nakakagaan ng loob ng boses niya, e—malalim at comforting. At alam kong mas made-develop pa ang boses niya pagtanda. Siyempre, naki-epal na rin ako sa pagkanta. Napangiti si Jappa nang sumabay ako.
Bigla kong nakita sina Cara at Wayne mula sa malayo. Gusto kong iparinig sa kanya: Kaya ko. Makakalimutan kita. At hindi ko hahanapin ang pag-ibig. Pag-ibig ang maghahanap sa 'kin. At ito na ang tamang pag-ibig. Pag-ibig na hindi ako iiwan.
Kung puwede lang turuan ang pusong maka-move on agad.
"Ba't hindi ka nag-vocalist sa battle of the bands?" tanong ni Jappa sa 'kin matapos ang kanta.
"Wala naman akong kabanda. Hindi naman musically inclined sina Yanna at Luis."
"E di, sa 'min."
"Come to think of it," sabi ko. "Nando'n ako sa lahat ng band practice n'yo."
"At lagi kang kasama sa mga dinner namin."
"Pero hindi kita pinapansin."
"At hindi kita pinapansin."
Tumawa kaming dalawa. Tumawa kami sa katotohanang 'yong pagkakaibigan namin bigla na lang sumulpot na parang kabute. Tatlong buwan na ang nakalilipas. Hindi ko maisip na noong December lang, hindi kami nagpapansinan ni Jappa. At heto na kami ngayon.
Tumayo kami at bumili ng kwek-kwek sa tindahan sa tapat ng school. Nakita ko ulit si Nicole, at na-bad vibes na naman ako.
"Ayan na naman si Nicole," sabi ko. "Baka next time, ipakulam na 'ko niyan."
"Unahin na niya ako."
"Na ipakulam?"
"Oo," pagsang-ayon ni Jappa. "Para damay-damay."
Lately, natutuwa ako kapag kasama ko si Jappa. Parang soulmate ba? Pero hindi 'yong soulmate na may malisya. 'Yong soulmate dahil kumportable akong kausap tapos nage-gets niya lahat ng iniisip ko.
Nagulat ako nang biglang umulan, kaya sumilong kami sa may tindahan. Nagtakbuhan 'yong mga walang payong, at kaming dalawa, worried sa mga gitara namin. Umupo muna kami do'n sa tabi habang pinagmamasdan 'yong galaw ng mga tao.
Tapos biglang umentra na naman sina Wayne at Cara. Nakita naming sumakay sila ng tricycle.
"Alam mo, gusto ko naman talaga mag-move on, e," bulong ko. "Pero sa tuwing nakikita ko sila, parang nawawalan na lang ako ng gana mabuhay."
Nang napatingin ako kay Jappa, nahuli ko siyang nakatingin din siya sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit ako biglang nakuryente sa tingin niyang 'yon.
"Makatitig, wagas!" tukso ko.
Ngumiti siya. "Alam mo, minsan, gusto ko na lang totohanin 'yong tukso nina Luis at Yanna."
"Hoy, tumigil ka nga. Hindi nakakatuwa."
Tumawa siya, to the point na nabulunan siya kaya pinainom ko siya ng softdrink na binili ko. Tinitigan niya muna 'yong alok-alok kong inumin bago niya kinuha. Hindi naman kasi ako LC, o laway conscious, ika nga.
"Halata 'yong trauma mo na mag-open ulit sa bagong relasyon," sabi niya habang umiinom.
"Siyempre."
Nang tumigil na umulan, tumayo na kaming dalawa. Bago kami umalis, may binulong siya pero hindi ko narinig. Natural, pinaulit ko. "Anong sabi mo?"
"Ha? Wala naman akong sinasabi."
"Meron."
"Wala."
"Meron. Narinig ko mayro'n. Di lang malinaw!"
"Ang kulit mo." Tapos ginulo ni Jappa ang buhok ko. I hate it when he does that.
"H-hoy! Kakaayos ko lang nito!"
"Tara na. Sakay na tayo."
Habang pasakay kami sa tricycle, naisip ko kung gaano na lang kakaunti ang mga araw bago matapos ang high school life ko.
Matatapos na wala akong minamahal.
Na ang mahal ko ay may mahal ng iba.
Matatapos pero . . . parang paumpisa pa lang din.

BINABASA MO ANG
This Is Not a Love Story
Teen FictionSometimes, endings happen first. You have been warned.