Chapter 20: Paranoia

1.2K 137 74
                                    

Halos eleven na ng umaga ako nagising kinabukasan. Ang saya lang talaga pag bakasyon, 'no? Pero kailangan ko na rin hindi sanayin ang sarili ko dahil pagkatapos ng dalawang araw, unang pasok ko na sa college.

Binuksan ko kaagad ang computer ko para mag-Facebook. Sabi ko sa sarili ko, saglit na silip lang tapos bababa na ako para kumain. Pero nang biglang may message galing kay Jappa, napasabi na lang ako na "Ano na? Baka dinner na abutan ko nito."


Jappa: Dude, galit ka ba? O, ayos ka ba?

Jappa: Napaparanoid ako dahil di mo ko kinakausap. Bigla ka na lang nadisconnect.

Jappa: Iniisip ko biglang may magnanakaw sa inyo tas ninakawan kayo kaya ka nadisconnect. Tumawag ako ng madaling araw pero busy.

Jappa: Uy nagaalala na talaga ako


Natawa ako sa mga iniisip ni Jappa. Grabe naman 'to mag-alala. Pero para di na siya ma-paranoid, nag-reply ako.


CJ: Baliw. Hindi no. Andito ako sa bahay.


Nagulat ako nang nakita kong Jappa is typing a message. Online siya?


Jappa: Grabe. Ewan babawasbawasan ko na nga panonood

CJ: Hahaha dapat.

Jappa: Di ba tayo magcecelebrate?

CJ: Ng?

Jappa: Umpisa ng college life. Mas mapapadali pagmumove on mo

Jappa: Tapos may sabihin ako

Jappa: Ok na ok na kami ni Charm.


Di ko tuloy alam kung aaminin kong bitter ako at ayaw kong makarinig ng mga taong nagsisimula ulit ma-in love o ng mga taong in love mismo. Sasabihin ko ba na kung in love siya e 'wag na lang niya ipaalam sa 'kin?

Pero parang ewan naman n'on.


CJ: Go. Kailan ka ba pweds?

Jappa: Ngayon? Hahaha.

Jappa: Puntahan kita sa may gate ng subd niyo

CJ: Seryoso ka? Pero pwede naman ako.

CJ: Kikiam bbq isaw celebration haha

Jappa: Ok lang sa kin haha

Jappa: Game haha takits?

CJ: Takitsz


Naligo ako, kumain ng lunch, at naghintay sa may waiting shed sa may tapat ng mga shuttle service. Mga minuto lang 'yong pagitan nang dumating siya.

"Yo," pagbati ni Jappa na nakasimpleng navy shirt, jeans, at sneakers. "Kaladkaring CJ."

"Kaladkaring Jappa ka rin naman."

Sabay kaming bumili ng street food doon sa may tapat ng subdivision. Kuwentuhan lang habang kumakain kami pareho ng isaw. Nagkunwaring cheers pa nga kami ng mga baso naming may sawsawan lang naman.

Hindi ko alam kung paano kami tumagal ng mahigit isang oras kakausap at kakakain lang. Pero gano'n na lang kung lumipas ang oras.

Umupo kami pareho sa may sidewalk habang naghihintay ng masasakyan ko pauwi. "Alam mo, akala ko talaga e galit ka." tanong niya agad.

"Actually, hindi ko alam . . . akala ko rin," sagot ko. "Magiging honest ako, okay? Alam ko namang selfish ako."

"Selfish na?"

"Ewan ko. Ang weird ko ba? Siguro bigla na lang ako naging wirdo simula no'ng nag-break kami ni Wayne."

Tumawa siya dahil sa inakto ko na at war with myself ako. "Teka lang, hindi ko nga alam pa'no ka naging selfish."

"Na alam mo 'yon? Gusto ko rin na 'yong mga tao sa paligid ko e bitter din sa love tulad ko."

"Di ko pa rin gets."

"Na ayaw kong magkagusto ka, okay? Putik 'yan. Kailangan diretsahan? Pick up naman, dude," pabiro kong sinabi sa kanya kahit hiyang-hiya talaga ako na aminin kung ga'no ako ka-bitter. Pero iyon talaga ang nararamdaman ko.

"Ba't nga ba ayaw mo?" nakangiti niyang tanong. "A, kaya pala nagtatampururot. 'Kala mo in love ulit ako kay Charm?"

Umirap lang ako. "Buwisit ka. Selfish nga ako. Hindi ako proud do'n, okay?"

"O?" Nag-unat siya. "Elaborate."

Sabi na, e. Walang takas. "Ewan ko, Jappa. Ayaw ko lang makakita ng mga taong in love . . . ng taong na-i-in love. Naiinis ako. Siguro dahil naiinggit ako kasi kung hindi ako hiniwalayan ni Wayne, e di, masaya pa rin ako, in love pa rin ako, at wala akong trust and love issues."

"Selfish nga."

"Oo nga!" Pinalo ko siya sa braso. "Ano bang sinabi ko?!"

"Pati sina Yanna at Luis hindi puwedeng ma-in love?"

"Pero anong magagawa ko kung ma-in love sila, di ba?"

"E di, bakit ako hindi puwede?"

"Ang kulit mo," sagot ko. "Kakasabi ko lang na anong magagawa ko, di ba?"

"'Yong kina Yanna at Luis, wala kang magagawa kung ma-in love sila ang sabi mo. Pero ba't ako, nagtampo ka?"

"Ha?! Applicable to all nga 'yon!" depensa ko. "May gusto ka bang iparating?"

"Wala."

Awkward silence.

Minsan, ito ang ayaw ko sa kahit sinong kasama ko. 'Yong magkaroon ng "kru-kru" moment dahil walang masabi.

At kung kailan may maisip na sasabihin, pareho naman kaming magsasalita.

"May—" buka ng bibig naming pareho.

Pareho kaming napatigil.

"Ikaw muna," sabi niya.

"Ikaw na."

"Ikaw muna."

"Ikaw muna sabi," pangungulit ko.

Nagbuntonghininga siya. "Bakit kaya 'yong mga pinapakawalan natin, pag nagkakagusto tayo sa iba, bigla na lang gusto nila tayong angkinin?"

"Teka, tungkol kay Charm ba 'to dahil nag-message—" Napatigil ako matapos kong i-analyze ulit sa utak ko ang mga sinabi niya—bakit may salitang "tayo"?

"Ako, alam kong wala akong gustong iba," depensa ko. "Pero ewan ko kay Wayne kung bakit kung kailan ako nanahimik e saka naman siya nanggagago. Pero ikaw"—tumingin ako sa kanya—"so may gusto ka nga?"

Tumingin siya sa 'kin. "Pa'no mo nasabi?"

"Kakasabi mo lang. 'Yong 'pag nagkakagusto tayo sa iba.' Kahit ewan ko sa 'yo pa'no ako nadamay."

"Aray ko naman. Parang nasabi mo na ring ano . . ." Tapos tumawa siya mag-isa.

"Ha?! Anong ano? So may gusto ka nga!"

Tumingin siya sa 'kin. "Pa'no pag meron?"

"Wala naman akong magagawa," sagot ko. "Sino ang lucky girl?"

Tumahimik siya.

Do'n ako biglang nagsisi. Sana hindi na lang ako nagtanong.

Bakit nga ba kasi ako nagtanong kung ayoko rin naman marinig?

Gusto ko na lang tumigil ang oras. Saktong dumating 'yong sasakyan ko kaya maraming taong dumadaan sa harap namin.

May bumisina. May mga taong dumadamaan. Maingay. Pero rinig na rinig ko ang salitang kinakatakot kong sabihin niya—

"Ikaw." 

This Is Not a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon