One month.
Isang buwan na kami ni Wayne, at ayos lang. Masasabi kong masaya ako. Nagulat nga 'yong mga org mate namin at iba kong kaibigan sa mga pangyayari. Masaya ako dahil tuwing nase-stress ako sa mga gawain sa school, nandiyan siya sa isang tawag ko lang, pakikinggan lang 'yong mga rant ko. Gano'n din tuwing pupunta kami sa isang fast-food restaurant o sa mga food stalls para magmeryenda. Minsan pa nga, kapag sobrang aga ng mga klase namin, mag-breakfast.
Masaya akong dumating si Wayne—si Aaron Wayne—sa buhay ko.
Medyo awkward pa rin na kapangalan siya ng ex ko, at nag-suggest ako na Aaron na lang ang itawag ko sa kanya. Pero may point din naman siya nang dinahilan niya, "Bakit, di ka pa ba moved on?" kaya ni-retain ko na lang ang pagtawag sa kanya ng Wayne dahil gusto ko lang din patunayan na wa-epek na 'yon sa 'kin.
Pero nakakainis kasi, ano, kapag masaya ka tapos biglang may epal na naman na dadating at guguluhin ang tahimik mong buhay.
Gumagawa ako ng requirements nang narinig ko tinawag ako ni Wayne, "Love, may dala akong nuggets."
Nakangiti akong lumingon, pero bigla akong napatigil nang may babae sa likod niya, nakasuot ng blouse na bulaklakin na naka-tuck in shorts niya at nakabelt. Mahaba ang buhok na medyo brown. Maputi. Attractive sa paningin ko.
Siya ba 'yong nuggets?! isip-isip ko habang nakataas ang kilay. Pero alam ko naman na ang tinutukoy niya e 'yong McDo na dala niya.
"Trish, si CJ," pakilala ni Wayne. "Girlfriend ko."
"Hello," pa-sweet na bati nitong si Trish. Ewan ko kung bakit nainis ako sa pa-tweetums niyang boses. Baka iritable lang ako.
"Kaklase ko siya no'ng high school."
Ayoko. Ayoko sa kanya.
Hindi ko masabi kay Wayne na gano'n 'yong nararamdaman ko. Pero sigurado naman ako na, in time, malalaman din niya. Ang unfair lang kasi na sabihin kong 'wag na siya makipagkita do'n dahil nagseselos din naman siya nang slight kay Jappa pero okey rin naman sa kanya ang mag-usap kami.
Pero, hello, may girlfriend si Jappa. E, itong si Trish, taken kaya?
Tumabi sa 'min si Trish, and all of a sudden, silang dalawa na lang ang nag-uusap. Bigla akong nainis, kaya nagparinig ako ng "Papahangin lang," bago umalis sa tambayan. Akala ko mapapansin niya 'yon, pero hindi. Ni hindi nga niya napansin na di ako kumukha ng nuggets, e.
Nando'n lang siya—nakikipagtawanan kasama ni Trish.
Nagbuntonghininga ako.
Kinuha ko ang cell phone ko at nag-message sa group chat namin nina Yanna at Luis, pero mukhang hindi sila libre no'ng oras na 'yon. Doon ko naisipang i-text si Jappa.
CJ: Naaasar ako.
Jappa: Uy. Bakit?
CJ: Kasi may umeepal.
CJ: Libre ka ba?
CJ: Kailangan ko magpahangin at ng mapaglalabasan ng sama ng loob
Jappa: Saan kung sakali?
CJ: Sa may stairs ng main lib na lang siguro? Para makanguya rin ng chichiria
Jappa: Pwede naman. Sakto kasi malapit sa main lib next class ko
CJ: See you in 5 mins
Akala ko mauuna ako sa may stairs ng main library, pero nagulat ako nang nando'n na siya kaagad. Ngumiti na lang ako, saka nilapag 'yong bag ko at umupo sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
This Is Not a Love Story
Teen FictionSometimes, endings happen first. You have been warned.