Chapter 4: Plan B

2K 180 71
                                    

Nakahiga lang ako sa kama, iniisip kung papano ako gagalaw sa mga sumusunod na araw. Wala na yata akong ginawa kundi balikan 'yong mga alaala naming dalawa.

In-on ko 'yong computer. Pumunta sa folder na "Wayne." May tatlong folder sa loob: "Text," "Vids," at "Pics." Lahat ng nasa "Text" folder ay mga text niya sa kinopya ko mula sa phone ko papunta sa notepad. For example: "Hindi pa pinapanganak ang taong papalit sa 'yo. In case na ipanganak na siya, di ko na siya papatulan dahil by that time, uugud-ugod na tayo. Hahaha. I love you. I love you. I love you."

"Gago," komento ko habang binabasa 'yon. "Wala pa nga tayong college, wala na tayo. 'Lul."

Pumunta naman ako do'n sa "Pics." Halos lahat, puro kaming dalawa. Pero may iba rin naman na picture ng mga rose na binigay niya, sulat, picture niya na may nakahawak ng "Happy Monthsary Sa Pinakamagandang Babae Sa Mundo."

Pero pagdating ko sa "Vids" folder, doon na ako naiyak. Apat lang naman 'yon: 'yong galing kay Yanna, 'yong hinarana niya ako no'ng nagkagalit kami, 'yong audio visual presentation na ginawa niya para sa birthday ko, at 'yong sorpresa niya sa 'kin last anniversary namin kung saan lahat ng special friends ko ay may message.

Sino ba namang hindi maiiyak dito? Ang sweet niyang boyfriend, at naging maayos naman kami. May dadating pa kayang tulad niya? 'Yong mag-e-effort ng ganito? Tapos . . . gagawin din niya 'tong mga 'to kay Cara.

Nilagay ko sa isang two-gigabyte flash drive lahat at binura ko na sa computer. Binura ko na rin sa recycle bin para wala nang bawian.

Kinuha ko lahat ng damit na binigay niya sa 'kin. Lahat ng bagay na binigay niya sa 'kin. Lahat. Nilagay ko do'n sa backpack na niregalo niya sa akin noon na minsan ko lang gamitin dahil ayaw kong madumihan pero parang gusto ko pa lagyan ng putik ngayon. Bawat lagay ko ng gamit sa loob, nagfa-flashback kung paano niya sa 'kin binigay.

Pinagsakluban nga naman talaga ako ng langit at lupa.

Nagtext ako sa kanya. Pinalitan ko na rin 'yong pangalan niya ng THEHELLICARE.


CJ: Wayne, puwede ka ba ngayon?


Pinagpatuloy ko 'yong pag-aayos ng gamit nang biglang nag-vibrate 'yong phone ko. Ngumiti ako nang nakita ko 'yong THEHELLICARE. Parang tanga dahil nahuli ko pa ang sarili kong nakangiti.


THEHELLICARE: Oo. Bakit?


Huminga ako nang malalim. Bigla akong na-excite na makita siya. At alam ko namang pathetic 'to sa mata ng iba—ang paghabol para lang maibalik ang dati. Pero ano bang pakialam nila? Sila ba ang iniwan? Buti sana kung lahat ng babae ay may boyfriend tapos tumagal sila ng halos apat na taon tapos bigla silang iniwan dahil sa isang babaeng nakilala lang niya ng ilang buwan. Buti sana kung lahat ng babae gano'n para maramdaman nila 'yong sakit na dinadanas ko ngayon bago nila ako husgahan.

Sabagay, hindi naman ko naman siya technically hinahabol, pero hindi ko maikakaila na gusto kong sana ako na lang ulit. Hay.


CJ: May ibibigay ako sayo... Last na to.

THEHELLICARE: Sige. Saan ba?

CJ: Sa school na lang, sa classroom namin. Kitakits.


Bigla akong kinilig, pero kailangan ko 'to pigilan. Wala namang kakilig-kilig. Pero sa kailalim-ilaliman ng utak ko, paano kung . . . paano kung joke lang 'tong lahat? Paano kung sinusubukan lang talaga niya ako kung mahal ko talaga siya?

This Is Not a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon