Chapter 5: Assignment

2K 180 54
                                    

Isang buwan.

Eksaktong isang buwan na ang lumipas simula nang nag-break kami ni Wayne. Aminado pa rin akong hindi pa ako tuluyang nakaka-move on, pero I'm getting there. Hindi naman gano'n kadali, e. Kapag nadalian ako sa pagmu-move on, puwedeng dalawa lang 'yon: ako ang nang-iwan o pinagtripan ko lang talaga si Wayne. Kaso minahal ko talaga siya.

Sa classroom, either nakikinig ako sa music o nagsasagot ng crossword puzzle tuwing break. Bumili pa 'ko ng isang libro para talagang walang idle na oras. Sina Yanna at Luis naman ang nagbabalita sa 'kin kung paano nila sungitan ang ex ko. Sila talaga ang pampagaan ng mood ko.

"Alam mo, sa totoong lang, affected much ako," pag-amin ni Luis habang nagsasagot kaming tatlo ng sudoku. "Akala mo naman ako 'yong naging gurlalu ni Wayne frog."

"Gano'n talaga," dagdag naman ni Yanna. "At dahil true friends tayo, gusto kong sugurin silang dalawa minsan, e."

Tinuktukan ko sila ng lapis ko. "Tumigil kayong dalawa diyan. Kung maibabalik niyo sa 'kin si Wayne, true friends nga kayo."

"Sa'n ka ba pinaglihi, ha?!" sagot ni Luis. "Botchang babs ka ba at ayos lang sa 'yo na ma-double dead?!"

Sinara ni Yanna ang sudoku niya at sumabat, "At dahil nga true friends kami, hindi namin hahayaan na bumalik sa 'yo si Wayne. Ayaw na namin sa kanya for you. No way. Kaya mo yan, day. We will help you sa pagmu-move on!"

"Patayin si Wayne o . . . patayin si Wayne?"

"'Wag nga kayong ganyan." Nagbuntonghininga ako. "Kung babalik siya, babalik siya dahil mahal pa niya ako. Ayaw kong . . . may matatapakan."

Bigla silang nag-standing ovation tapos pumalakpak. "We're proud of you friend," sabi ni Yanna.

"Alam mo, sa sinabi mo, para kang hindi sixteen years old para kang . . . seventeen."

"Baliw ka forever, Luis."

"Well," sagot niya, "girls are forever!"

"Speaking of, one week na lang birthday mo na."

Ngayong pinaalala ni Yanna 'yon sa 'kin, do'n ko na-realize, Oo nga. One week na lang at birthday ko na.

Ang birthday ko ay Valentines Day. Pumupunta kaming dalawa ni Wayne sa Pritil, 'yong tawag sa "lovers' tambayan" sa 'min, tapos mag-uusap lang kaming dalawa. Monthsary din namin ang fourteen, kaya isa sa mga pinakahinihintay kong araw ang birthday ko. Ngayon parang sana mula February 13 e tumalon na lang ng February 15.

Nakinig lang ako ng music pagkatapos. Ang wirdo lang dahil bawat kanta, sakto sa sitwasyon ko. Bawat paglipat ko ng station, puro "bakit mo 'ko iniwan" o "bakit siya pa" songs. Nilipat ko sa AM station, at nakakabanas lang, 'yong drama ay tungkol sa isang iniwang asawa dahil sa kabit. Napa-"what the hell" na lang ako.

Bumalik na ako sa upuan nang dumating na ang teacher namin. Habang nagkaklase, hindi ko namamalayan na nagsusulat na pala ako ng pangalan niya sa may notebook. Sige lang, isang araw, hindi na pangalan mo ang isusulat ko, sabi ko sa sarili ko. Balang araw, makaka-move on din ako.

Kailan kaya 'yong "balang araw" na 'yon?

Pagdating ng uwian, nakatambay lang ako sa dorm. Perfect time para ngumawa dahil nagsiuwian lahat ng kadorm ko at iniwan akong mag-isa. Nalulungkot ako dahil sa tuwing mag-isa ako, si Wayne lagi ang nasa isip ko. Ang bukambibig ko.

Sabi ni Jappa, banggitin at isipin ko lang si Wayne araw-araw hanggang sa hindi ko na siya isipin. Pero mas lalo yata siyang na-e-embed sa utak ko.

Peace! Let me rest in peace! isip-isip ko pa. Pero joke, peace of mind lang muna.

Nakatulala lang ako sa may kama. Di ko rin naman alam ang gagawin ko. Para akong mababaliw kaiisip kung anong ginagawa na nila ni Cara. Kung nag-date na ba sila, nag-kiss na ba sila.

This Is Not a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon