Graduation na, pero bakit parang kahapon lang nangyari ang lahat? Parang kahapon lang kami nagkakilala ni Wayne, nag-aminan . . . at nawala.
Ang clingy ko naman kasi sa mga alaala. Tama bang pagsisihan na nakilala ko siya? Hindi, di ba? Dahil ang bitter lang nun kapag gano'n. Pero bitter naman talaga ako, e. At iyon nga ang goal: ang mawala ang bitterness na 'to.
Masaya ako na umuwi sina Mama at Papa galing States para um-attend ng graduation ko. One month lang sila, tapos babalik na ulit. Kaya as much as possible, ginugugol ko ang oras ko na kasama sila. Ultimong magpasalon para mapaayos ang buhok, gusto ko kasama sina Mama at Papa.
Pagdating sa school grounds, lahat e parang ang saya-saya. Last time na naming magkakasama as a batch ng school na 'to. May iba pa nga na hindi pa nag-uumpisa ang graduation rites, umiiyak na.
Ako? Ewan. Pakiramdam ko, napakamakasarili ko. Gusto ko na nga matapos 'tong taon na 'to, e. At sinisigurado kong hindi na ako babalik sa eskwelahang 'to. Bakit ako babalik sa isang lugar na puno ng masasamang alaala? I mean, alam ko namang marami ring maganda, pero nangibabaw ang mga hindi kanais-nais.
Sana, in time, matututo rin akong makalimot.
"Oy," sabi ng isang boses sa likod. "Ano bang iniisip mo diyan?"
Si Jappa. Nagbigay ako ng isang maliit na ngiti at isang malalim na buntonghininga. "Para ka talagang kabute," komento ko. Tapos tumingin ako sa kanya. "Iniisip ko lang na ayoko nang bumalik dito. Gusto ko na 'to matapos."
Sa peripheral view ko, nando'n si Cara. Dulo na nga ng schoolyear, bigla na lang ako bibigyan ng universe ng isang tao na ika-i-insecure.
"Alam mo," pagpapatuloy ni Jappa, "gagradweyt na tayo. Paglabas mo rito, may ibang tao pa na hindi kasing tanga ni Wayne na makakakita sa ganda mo. Hindi lang si Wayne ang lalaki sa mundo."
"Alam ko naman."
"Pero si Wayne lang ang gusto mo?"
"Asa," sagot ko na lang. "Kahit naman mahal ko pa rin siya, kung babalik man siya sa 'kin, parang hindi ko kakayanin isipin na once upon a time, naipagpalit niya ako. Di na maibabalik ang dati. Kaya ko 'to. 'Wag mo na lang ako isipin."
"Paanong hindi kita iisipin?" Nagbuntonghininga siya. "Sige. Punta na 'ko sa puwesto ko."
Doon ako napaisip. Na kung may mami-miss ako, malamang, si Jappa 'yon.
Kahit papa'no, nagkaro'n ako ng better days dahil sa kanya. Ma-survive ko ang pagiging heartbroken dahil sinigurado niyang nasa tabi ko lang siya, at ayun, nakakita ako ng soulmate ko. 'Yong parang nagkonek bigla ang mga kaluluwa namin.
Pumunta na rin ako sa puwest ko dahil umpisa na ng graduation. Pumarada, may nag-speech, naglakad kami, etcetera. The whole graduation, ang nasa isip ko lang ay kung paano ko iiwan ang mga alaala rito ni Wayne at hindi ko na isasama sa college life ko.
Tumayo na ang lahat at nagsiyakapan. Siyempre, mahigpit ang yakap ko kina Luis at Yanna. Picture dito, picture diyan. Nagbigay ako ng maliit na ngiti sa kanilang lahat, pero mukhang hindi naman nila napansin kung ano 'yong nasa isip ko.
Pumunta na ako sa mga magulang ko nang biglang narinig ko 'yong pangalan ko mula sa malayo.
"CJ!"
Si Wayne. Hindi ko alam kung bakit pinipilit niyang maging okey kami. Pero ayoko rin namang masira ang araw ko.
"Picture tayo?" tanong niya.
Ngumiti ako. "Sure."
Hinawakan pa niya 'yong kamay ko at hinila papunta sa malapit sa stage, na parang kaibigan lang. Weird. Mag-jowa kaming pumasok sa school na 'to, pero magkaibigan kaming lalabas. Magkaibigan nga ba? Malamang, hindi. Siya lang naman ang nagpupumilit na gano'n ang mangyari.
BINABASA MO ANG
This Is Not a Love Story
Teen FictionSometimes, endings happen first. You have been warned.