Wala pang nine nang dumating ako sa Ministop. Bumili ako ng tubig dahil hindi ako mapakali. Napapatingin ako sa may pinto lagi, iniisip kung may Jappa nga bang darating.
Mga 9:12 p.m. nang biglang bumukas 'yong gate. Nando'n siya, nakasuot ng eyeglasses at nakapambahay. May dala siyang Choc-O na inumin at isang plastic.
"Sorry," bati niya. "Walang makitang tricycle."
Napatingin ako sa kanya. Namumuo na 'yong mga luha ko.
"Bago ka umiyak," dagdag niya, "baka makabawas 'to ng hagulgol." Binigay niya sa 'kin 'yong Choc-O na inumin. Siyempre, tinanggap ko.
"An' laman ng plastic?" tanong ko habang sinusubukang sumilip kung ano ang nasa loob.
"Shirt. Sabi mo, e."
"Naalala mo pala." Tapos nagbuntonghininga ako bago maglabas ng saloobin: "Puwedeng umiyak?"
"O' naman. Para sa'n pa shirt na dinala ko?"
Tumingin si Jappa sa relo niya: 9:17 p.m. na. Pero ito, magkasama kami at umiiyak ako.
"Jappa," bulong ko, "ayoko na talaga." Kumapit ako sa T-shirt niya nang sobrang higpit at umiyak na parang walang bukas.
"Ano bang nangyari? Kung gusto mo lang naman ikuwento."
Napapikit ako. Ayoko alalahanin ang mga nangyari. "Ang gago niya. Ang gago-gago niya."
"Alam ko."
"Akala ko legit na nami-miss niya ako. Laman lang pala."
"Teka, gusto niyang—" Pero bago pa man niya ituloy magsalita, idiniin ko ang mukha ko sa may balikat niya. "Okay, sige. Pero tang'na. Gago."
"Kung . . . kung okay lang. Ayoko ikuwento nang buo."
"Iiyak mo lang.'"
"Sakto nga tawag mo, alam mo 'yon?" sabi ko sa kanya. "Guardian Angel James Patrick."
Narinig ko siyang tumawa. "Mukhang gano'n nga ako. Kahit gano'n na lang muna." Tinapik niya ang likod ng ulo ko habang umiiyak, tipong tinitingnan na ako ng mga lumalabas at pumapasok sa Ministop. Naisip ko na lang, Pake ba nila? Hindi naman nila ako kilala.
Pagkatapos, ibinili niya ako ng Chillz at hinatid sa bahay. Sa may gate, sabi niya, "Paano 'tong shirt?"
"Sorry na. Joke lang naman kasi na magdala ka. Niliteral mo naman," sagot ko.
"Sa 'yo na lang. Baka cute sa 'yo oversized shirts."
"Tumigil ka," sagot ko. "Ma-feel ko pa na yakap mo 'ko. Maiyak lang ako."
Napatingin si Jappa sa ibang lugar. "E di, mabuti," sabi niya bago siya tumingin ulit sa 'kin. "Para di mo maramdamang nag-iisa ka."
"Cheesy mo."
"Ikaw rin naman. Sino kayang nagsabi na para ma-feel niya na yakap ko siya?"
Pinalo ko siya braso. "Sige na. Sobrang gabi na, o."
"Tawag ka sa 'kin para alam kong oks ka."
"Hala. Ikaw nga dapat tumawag sa 'kin para alam kong safe kang nakauwi," sagot ko. "Sige na. Pasok na ako."
Nagpaalam na kami sa isa't isa pagkatapos. Dumiretso ako sa kama para matulog, para makalimot sa mga nangyari. Napayakap ako sa unan ko, napapaisip na ibang-iba 'yong Wayne na nakilala at minahal ko . . . sa Wayne na nakaharap ko kanina.
Gano'n talaga, sabi ko sa sarili ko. Hindi lang ang mga nararamdaman ang nag-iiba. Pati 'yong tao mismo.
***
BINABASA MO ANG
This Is Not a Love Story
Teen FictionSometimes, endings happen first. You have been warned.