Para sa mga running for honors, talagang nag-aaral sila. Pero para sa mga tulad namin na ang habol lang ay graduation, petiks lang. Masaya naman ako na nakapasa ako sa university na gusto ko, at okey na 'yon. Si Yanna nga lang, nasa may Los Banos pa. Same university kami nina Luis at Jappa, pero iba ang course nila.
Sina Cara at Wayne, sa may Manila. Pareho silang premed ang course, pagkakaalam ko.
Minsan nanghihinayang pa rin ako, lalo na kapag naiisip ko 'yong mga pangarap na sabay naming binuo ni Wayne—'yong magtatrabaho muna kami tapos pag nakaipon na kami, magpapakasal tapos bibili ng bahay. Unfortunately, wala na 'yong mga pangarap na 'yon. Maraming may akala na tatagal kami habambuhay. Akala ko rin, e. Hindi pala.
May namuo ring inggit nang nasa honors list silang dalawa, tipong Wow, ang perfect couple naman nila. Slowly naman na akong nakaka-move on, at tingin ko, inggit na lang ang natitira sa 'kin. Inggit dahil . . . magkasama nilang bubuuin ang mga pangarap nila. Ako, mag-isa na lang.
At dahil graduation practice na, petiks-petiks na lang. Wala na rin namang rason para mag-dorm, kaya nag-uwian na ako. Ang outfit ko lagi: P. E. uniform dahil kumportable at hindi na kami sinisita, sombrero, at bimpo sa likod. Paano naman kasi, halos buong araw e nasa initan kami. Pag wala naman kaming ginagawa, natutulog lang kami sa sahig ng classroom. Siyempre, naghahabol din 'yong iba ng requirements para sa clearance.
"Hoy," sabi ni Luis habang pare-pareho kaming nakasandal sa maya pader sa labas ng classroom. "Nag-i-emo ka na naman diyan!"
"E, ano pa nga ba ang in-e-expect mo?" dagdag ni Yanna. "Mawirdohan ka kapag nagtatatalon sa tuwa 'yang babaeng' yan."
"Hula ko kung bakit ganyan ang pez mo. Kasi honor silang dalawa?"
"Hindi naman 'yan malungkot dahil wala 'yang honor. More like, honor kasi 'yong dalawa."
"Ano ka ba, girl? Mas maganda ka kay Cara." Tinapik ni Luis ang likod ko. "Ang lamang lang naman niya sa 'yo ay talion at peace of mind."
"At si Wayne."
"Wow!" sagot ko. "True friends talaga." Alam ko namang pinapasaya lang ako ng dalawang 'to. Pero ang hirap kasi i-explain na sa ngayon, tanggap kong sila na talaga, pero hindi ko tanggap na mag-isa na lang ako.
"Maiba," sabi ni Luis nang napasandal siya sa 'kin. "Kumusta kayo ni Papa Jappa?"
"Ay naku, tumigil nga kayo. Ayan na naman kayo, e. Iniiwasan ko na nga para di na umeksena si Nicole."
"Hayaan mo nga 'yon!" sigaw ni Yanna, nakasarado ang mga kamay. "Hindi na magbabago ang ugali n'on. E, paano kung meant to be talaga kayo ni Jappa tapos hindi mo pinapansin?"
"Alam mo 'yong bagong break lang ako at hindi pa ready? Isa pa, di ko type si Jappa."
"Ako, type ko," sabi ni Luis. "Ang sweet kaya niya! Mysterious guy number twenty-two point seventy-three."
"Ano?" natatawa kong tanong. Kung ano-ano na namang mga terminong iniimbento ni Luis.
"Wala. Pero alam mo 'yon? Ang macho ng pagkatahimik niya."
Sakto namang dumaan si Jappa kaya parang nagsaluduhan kami. Siyempre, tinukso ako, pero walang epek. Ako na rin mismo kasi ang umiiwas sa issue, at nagpapasalamat ako na gets 'yon ni Jappa. Kaya ngayon, mas madalas na niyang kasama 'yong barkada niya.
Nabalitaan ko nga na nag-aaway daw sila ng isa niyang kabarkada. Kung bakit, dahil yata sa 'min ni Wayne, na parang ang sabi yata ginagawa ko raw siyang rebound. Alam naman naming dalawa na hindi totoo 'yon.
Tinawag na ulit kami ng class president naming para magtanggal ng decorations sa room para sa clearance. Habang tumutulong ako sa paglalabas ng upuan, nakasalubong ng mga mata ko 'yong mga mata ni Wayne na kinakausap si Cara by that time. Kaya para umiwas, pumasok ako ulit sa loob ng classroom at huminga nang malalim bago ulit ako naglabas ng ibang upuan.
BINABASA MO ANG
This Is Not a Love Story
Teen FictionSometimes, endings happen first. You have been warned.