Chapter 17: Alone

1.3K 119 107
                                    

Kinabukasan, mga alas kuwatro ng hapon, biglang tumunog 'yong cell phone ko habang naglalaba. Siyempre, tinigil ko 'yong paglalaba ko para tingnan saglit, at nagulat ako sa nag-text.


Voldemort: Puwede mo ba akong tawagan? Sa phone.

CJ: Bakit?


Pero nang lumipas ang ilang minuto at wala siyang reply, napatawag na ako sa telepono nila. Kabisado ko pa rin naman.

"Hello," bati ko nang may sumagot. "Puwede po ba kay—"

"CJ."

Maraming beses ko naman nang narinig ang boses niya, kaya nakapagtataka lang kung bakit bumilis bigla 'yong tibok ng puso ko. Ano naman ang kailangan niya ngayon? tanong ko sa sarili ko.

"Bakit?" malamig kong tanong.

"Puwede ka bang pumunta rito sa bahay?"

"Ha? Bakit? Remind ko lang na hindi na tayo. Baka nakakalimutan mo." Kinabahan ako, sobrang kaba na napalunok ako ng laway at napaupo. "Wayne, please . . . please. Alam mo ba kung mag-ano na tayo? Mag-ex na tayo Wayne. Nakapag-usap na kami ni Cara, at . . . alam kong mahal ka niya. Hindi man niya sabihin, alam kong nasasaktan siya pag nalalaman niyang na nakikipag-usap ka pa rin sa 'kin."

"Alam naman niya na ayokong mawala 'yong pagkakaibigan natin—"

"'Wag kang tanga, please. Hindi naman kasi lahat tulad mo na madaling maka-move on dahil may bago ka ng mahal. Hindi naman kasi—"

"Ano bang masama? Hindi rin naman lahat ng tao tulad mo na ayaw mabalik 'yong dating pagkakaibigan."

"Pero, Wayne, pumayag na nga ako sa friend-friend na 'to kahit hindi ako kumportable. Pero kung ako lang, kailangan ko ng oras para makapag-move on."

"Hindi ko kaya na mawala ka sa 'kin—bilang kaibigan."

Fuck that pause. "Wayne, ano ba? Ang hirap kasi pag nagka-clash 'yong mga gusto nating mangyari."

"E di, tulad ng dati—meet sa gitna."

"Paano mangyayari 'yon?" tanong ko. "Impusible. Sobrang layo ng mga gusto nating mangyari—"

"May problema kami ni Cara," pag-amin niya.

"Pag may problema kayo, ako tatakbuhan mo? Bakit di na lang sa telepono?"

"Kilala ka na kasi nina Ma, di ba?"

"O? Ano ngayon?"

"Iparamdam mo lang kina Ma na wala na tayo pero okay tayo," sagot niya, halatang naiinis.

"Ha? Ang labo naman n'on."

"Kung ayaw mo talaga, di 'wag." Tapos nakarinig na ako ng dial tone.

Binaba ko 'yong phone nang dahan-dahan. Gano'n ba siya kadesperado makahanap ng makakausap? Pero bakit ako? Ba't hindi na lang 'yong barkada niya? Ba't ako pa?

"Tanga-tanga mo," sabi ko sa sarili ko habang mabilis na naligo at nag-ayos. "Friends? Gawain ba 'to ng mag-ex na gusto maging friends? Pero pupunta ka naman? Ugh!"

Kinuha ko 'yong cell phone ko at nag-text sa nag-iisang taong napagsasabihan ko.


CJ: Punta ko sa kanila

Jappa: Bakit

CJ: Kailangan ng kausap. Ewan

Jappa: Bakit hindi ako? Bat hindi si Carl o si Rob?

This Is Not a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon