Chapter One

503 25 0
                                    

Kauubos pa lang ni Charlee ng inorder niyang upsized  burger meal nang mapatingin sa salaming dingding ng kinakainang fastfood chain. Sa sulok siya nakapuwesto, sa  isang pandalawahang mesa, at pilit nagpapaka-invisible. Gender neuitral ang porma niya, May suot siyang dark glasses.

Nakatali ang buhok niyang ipinaloob sa suot na baseball cap. Nasa kandungan niya ang backpack na naglalaman ng kanyang uniform bilang security guard sa  katapat na bangko.

Katatapos lang ng eight hour shift niya, at gaya ng naaksanayan ay kumain muna siya bago uuwi na sana. Pero sa kanyang nakita ngayon lang ay mukhang hindi na  niya makikita pa ang simpleng bungalow na itinuring nilang  tahanan sa loob ng halos dalawang taon.

Huminga siya ng malalim, habang kinakapa ang cellphone sa bulsa. May nakikita siyang isang sasakyang nakaparada isang metro ang layo sa pinapasukan niyang bangko. Lumang sedan iyon na kulay itim at heavily tinted. Ganoon din ang itsura ng SUV na dalawang beses na niyang napansing bumalik at tila bumagal ang takbo paglapit sa nakaparadang sasakyan. Kinawayan niya ang isang bus boy, na takang lumapit sa kanya.

"Puwede bang humingi ng pabor? Babayaran kita. Madali lang ang ipapagawa ko." mahinang sabi niya sa lumapit na binatilyo sabay pakita dito ng dalawang buong 1,000-peso bills.

Nanlaki ang mata nito, bago napatango. "Nagmamadali po ba kayo, Ma'am? Ito na lang po ang ililigpit ko at tapos na  ang shift ko." sabi nito.

"Okay, sige." Sang-ayon niya bago isinuot ang isang dark gray na jacket at isinukbit ang backpack. Nang bumalik ang bus boy ay ipinaliwanag niya ang ipapagawa.

Mabilis naman  silang nagkasundo at maya-maya lang ay iginigiya na siya  nito papunta sa rear exit ng kainan. Mabilis at walang lingon ang ginawa niyang paglalakad papunta sa kabilang  kalye, kung saan hihintayin niya sa tabi ng isang talyer ang inutusan. Ilang sandali nga lang ay parating na ito dala ng bisikleta niya.

"Iyon po bang iniiwasan nyo yung nasa itim na  Montero, Ma'am? Panay po ang daan sa tapat." imporma nito habang pababa ng bike.

Agad niyang iniabot ang pera. "Oo, iyon nga. Salamat. Kapag tinanong ka, hindi mo ako kilala at hindi mo ako  nakita ngayon, okay? Sige na, alis na at baka ansundan ka  dito."

"Sige po. Salamat po, Ma'am!" nakangiting sabi ng binatilyo  na sumaludo pa bago patakbong umalis na.

Ikinabit niya ang headset sa kanyang cellphone bago nag-dial ng isang  numero, pagkatapos ay inilagay niya iyon sa inner pocket ng jacket niya.

Lumulan na siya sa bike at nagsimulang  mag-pedal habang hinihintay na may sumagot sa tawag  niya.

"Office of the Civil Registrar. Good afternoon." bati agad ng  kanyang ina.

Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi niya gustong gawin  ito, ngunit kailangan. "Ma, si Melissa ito."
Natigilan ang nasa kabilang linya. Sigurado si Charlee na alam na ng ina na may hindi maganda siyang ibabaita dahil  nagpakilala siya gamit ang kanyang pekeng pangalan.

At hindi na niya hinintay pang muli itong magsalita. "Mama, may bisita tayo." umpisa niya kasunod ang isang  buntung-hininga. "Ikaw na ang bahala sa bahay, ako na ang  bibili ng pagkain. Magkita tayo sa crossing." dire-direchong sabi niya ng kanilang code sa mga susunod na gagawin  bago pinutol ang tawag. Sa sandaling iyon ay nahihilam na  siya dahil nagsimula nang sumungaw ang luha sa kanyang  mga mata.

Huminto muna siya at muling nagdial. Ang nakababatang mga kapatid niyang kambal na lalaki ang  tinawagan niya. Inulit lang niya ang mga sinabi kanina sa  ina, bago tinapos na rin ang tawag.

Panay ang hinga niya ng malalim habang paminsan-minsan  ay pinupunasan ng likod ng kamay ang kanyang mga mata. Tuloy siya sa pagpepedal. Tatlong kilometro pa ang layo ng  'crossing', na code nila sa bukana ng highway palabas ng bayang iyon sa Laguna.

Alam niyang sa mga sandaling ito ay abala na ang mga magulang sa paglalagay ng mga  nakaimpake na nilang tig-iisang gym bag sa likod ng kanilang lumang pick-up.

Magkikita silang lahat at aabandonahin na nila ng kambal ang mga bike  at lululan sa  sasakyan, na marahil ay may ilang araw ding magsisilbing tahanan nila habang inaayos pa kung saang lugar sila muling maninirahan.

Nalimutan na niya kung paano ang pakiramdam ng may sarili at permanenteng tahanan. Ang akala niya ay ang bayan ng Trinidad, sa Laguna na iyon.

Halos dalawang taon din silang nanatili doon, na pinakamatagal na sa loob ng may anim na taon na ding halos malibot nila ang bansa sa pagpapalipat-lipat.

She will miss her job as a security guard at the bank. Mami-miss niya ang kasamahan niyang si Kuya Leo at ang asawa nitong si Ate Maura na dinadalhan sila lagi ng pagkain.

Mami-miss din niya sina Sari at Mikhael, ang  mga  batang tinuturuan niyang mag-piano tuwing Sabado. Iyon na nga lamang ang iilang mga taong naging malapit sa  kanya sa loob ng nakalipas na mga taon ay iiwan pa niya ng wala man lang paalam.

Napabuga siya ng hangin nang maramdaman ang tila pagbikig sa lalamunan, at ang muling pamamsa ng mga mata niya. Ilang taon na silang ganito pero hindi pa rin siya nasanay.

Hangga't hindi bumabalik sa normal ang buhay nila, hangga't hindi nahuhuli ang mga taong dahilan kung bakit tila sila ang kriminal na nagtatago  ngayon, ay hinding-hindi sila magkakaroon ng permaenteng tahanan. Ni hindi nila magagamit ang tunay nilang pangalan. Hindi rin sila maaaring magkaroon ng maraming kakilala at kaibigan.

Maybe she wasn't even supposed to feel anything, or even want something, but just to live. To live until that time when all will be back to how it was, years and years ago. Ni hindi na niya maalala ang mga panahong iyon.

Napailing siya ng makitang papalapit na siya sa bukana ng highway, kung saan may waiting shed at ilang hilera ng mumunting kainan at bilihan ng pasalubong. Dulo na iyon ng Trinidad, at ilang kilometro pa ay SLEX na.

Another road to God knows where. Another way out of a town they can't even  call their own, and into another where life will stil be uncertain.

Itinabi niya ang bike sa shed at muling pinahiran ang gilid ng mata. Hindi niya dapat hinahayaang maging apektado masyado ng pangyayaring ito.

Ang kailangan niyang gawin ay muling umasa at magdasal na sana, ang susunod na pupuntahan nila ay ang magiging permanneteng tirahan na nila. Na sana ay tuluyan nang gumulong ang hustisya at  maparusahna ang maysala.

Until then, she has to stay distant. Unattached. Dahil mapanganib ang mapalapit sa isang gaya niya.

No friends, no pictures, no memories. So she, and others, could live.

UNMASKED (Incognito Book 3- Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon