ZD took in the cool, crisp morning air when he got off his five-year old SUV. Miyerkules ng umaga at unang araw na naman ng semester sa Ilocos Norte State University kung saan nagtuturo siya ng Political Science sa first year students at Introduction to Constitutional Law naman sa mga Legal Management majors. Excited siya dahil ilang buwan din niyang namiss ang pagtuturo dahil sa summer break.Tatlong beses na whole day classes ang inilalaan niya sa INSU habang ang ibang araw ay hati sa Public Attorney's Office sa munisipyo at sa pagiging associate niya sa isang law office sa Laoag, na mahigit isang oras na biyahe ang layo mula sa coastal town na iyon ng San Ddiego sa Ilocos Norte.
Pasado alas-siyete pa lang ng at karamihan sa mga klase sa INSU ay alas-ocho ang umpisa. Ngayon pa lang unti- unting nagdaratingan ang ilang mga estudyante, faculty at staff sa bawat college building.
Iginala niya ang tingin sa paligid at agad na nakuha ang atensyon niya ng motorsiklong ngayon ay palapit, papunta sa inilaang parking space sa mga sasakyang kauri nito na nasa tabi lang ng slot niya.
Napataas ang kilay niya dahil hindi kagaya ng karaniwang nakikita niyang maangas at parang mananagasa, ang driver ng motor ay tila ingat ngunit halata ding eksperto sa pagmamaneho niyon.
Hindi niya alam kung bakit napako na ang atensyon niya sa rider. Payat ito, nakasuot ng dark gray na windbreaker, straight cut slim jeans, at itim na high cut sneakers.
Nangunot ang noo niya nang mapansin ang kilos ng rider habang inaayos ang pagkaka-park ng motor sa isang slot. Babae ba ito? Nasagot ang tanong niya nang matapos i-lock ng rider ang motor at makababa ito doon ay inalis nito ang suot na helmet. His heart immediately reacted to what he saw. Tila biglang tumalon ang puso niya.
The rider is indeed a woman. A tall, slender one with one of the loveliest faces he's ever seen. Hanggang leeg ang layered nitong buhok na may side bangs na tila sadyang ginulo ang ayos. Bilugan ang mga mata nito, maganda ang hugis ng ilong na hindi naman sobrang matangos.
And her lips, man! They looked so soft and luscious. He cursed himself when he felt his chest tighten at the sight of her licking her lips as she looked around her.
Nang mapadako ang tingin nito sa kanya ay bahagya itong namula, bago napayuko. Inayos nito ang pagkakasukbit ng dalang backpack at naglakad palapit sa building sa harap niya. Madadananan siya ng babae at dahil curious ay hindi talaga niya inalis ang tingin dito.
"Good morning." bati niya nang mapadaan ito sa tapat niya. Sumabay na siya ng paglalakad dito.
Tila nagulat ito at sumulyap sa kanya. "G-good morning." ganting bati nito. Mababa at medyo husky ang boses nito. She sounded so good. Hindi niya maiwasang mapangiti, bagaman may pagtataka sa nabasa niyang ekspresyon sa magagandang mga mata nito nang mapatingin sa kanya. Parang takot din ito na nahihiya na di mawari.
"Bagong estudyante ka ba dito? Faculty member?" tanong niya habang sabay silang paakyat sa front steps ng building.
"No. Bagong secretary ako ni Dean." sagot nito habang ikinukuwintas ang ID, na ipinakita nito sa guard nang paunahin niya ito sa entrance.
Sumabay pa din siya dito sa pagbagtas sa hallway papunta sa mga opisina sa east wing, dahil sa faculty lounge katabi ng dean's office din naman ang punta niya.
Napatango siya habang minamasdan ang babae. Dean Augustus Marasigan had an interesting choice for a new secretary. Mukhang napakamahiyain kasi ng babaeng ito. Hindi na ito muling nagsalita pa nang marating nila ang kani-kaniyang destinasyon.
Magkatabi lang din ang mga pinto ng dean's office at faculty lounge.
"Are you not going to tell me your name?" tanong niya sa babae nang unahan niya ito sa paghawak sa handbar sa pinto ng deans office.
They now stood so close to each other and he caught a whiff of her fresh, lovely scent. Kaylapit na din ng mukha nila sa isat-isa dahil ilang pulgada lang marahil ang taas niya dito.
Napakurap ang babae, napaawang ang labi. "It's... it's Denise." sabi nito bago humakbang papasok sa nakabukas na pinto.
"I'm ZD. Z as in zebra, D as in dog." he grinned, then held out his hand for her to shake. Muli ay tila hindi alam ang gagawin na tiningnan muna iyon ni Denise bago nito iyon tinanggap. Her hands were a bit rough, and warm. Yet it felt good to the touch. "Nice to meet you, Denise."
"Likewise." mahinang sabi nito bago tila napapasong binawi ang kamay. "I should go." sabi nito bago nilingon ang loob ng opisina.
Tumago siya, napapangiti. "Okay. I'll see you soon?" aniya. Bahagyang nangunot ang noo ni Denise ngunit ilang saglit lang ay naunawaan nito ang ibig niyang sabihin. May faculty meeting kasi mamayang alas-diez at tiyak na naroon ito upang mag-take ng minutes.
"Okay." sabi nito, hindi pa rin ngumingiti. Still, she looked beautiful. Tumango ito bago tuluyang isinara ang pinto ng opisina.
Ilang segundong nakatingin siya sa pinto. Noon lamang siya muling nakakaramdam ng matinding kuryosidad at kagustuhang kilalanin ang isang babae. At iyon ay sa isang kagaya pa ni Denise, na parang mailap pa sa zebra.
Hindi niya malimutan ang hindi maikailang hiya, takot at pag-aalinlangan sa mga mata nito. He can't wait to find out what her story was. At sana ay bigyan siya nito ng pagkakataong malaman iyon.
BINABASA MO ANG
UNMASKED (Incognito Book 3- Completed)
RomantizmStar witnesses ang mga magulang ni Charlee sa isang krimen laban sa malalaking tao sa lipunan. Dahil doon, kailangan nilang magtago sa iba't ibang katauhan at magpalipat-lipat ng tirahan upang hindi masundan ng mga kalaban. Hindi sila maaaring magin...