Inalis niya ang kamay sa bag at isinara iyon, bago bumaba sa kanyang bike at hinarap ang tumawag. She just stared at him, not quite sure if she's feeling happy, relieved, ashamed or annoyed. "ZD..."
"Saan ka ba papunta talaga? Kanina pa kita sinusundan. Kung nagpapatay ka lang ng oras hanggang sa next appointment mo, sana nag-stay ka na lang sa bahay. Hindi naman kita guguluhin." may pakikiusap sa mga matang sabi nito. Humakbang ito palapit sa kanya. "Äre you alright?" kunot-noong tanong nito.
"I'm fine." sagot niya, bago muling huminga ng malalim.
"Saan ka ba pupunta? Ihahatid na kita. Peace offering ko na sa ginawa ko kanina. And next time, I promise magpapaalam muna ako bago kita kunan ng poicture o i-sketch."
Charlee bit her lip. Why is he being this sweet? Hindi ba nito napapansin ang pag-iwas niya dito? Hindi pa ba ito nadadala na sa nakalipas na linggo ay tila nagmo- monologue lang ito sa tuwing kasama siya?
"Diyan sa Calle Menor lang naman ako papunta." mahinang sabi niya.
"At doon sa bandang iyon din ako papunta, at may short cut na rin doon pauwi sa bahay ko." he grinned, then stepped closer and placed his hands on her motorbike.
"ZD, malapit na lang naman. Sa Fabrizio lang." sabi pa niya na ang tinutukoy ay ang hotel ngunit bago pa siya nakapagprotesta ay nai-angat na ng binata ang motor niya at nailulan iyon sa likod ng pick-up nito. Ito na rin ang nag-lock niyon sa puwesto bago nakangiting ibinalik sa kanya ng susi.
Tahimik na tinanggap niya iyon, at napasinghap nang kasabay niyon ay higitin ng binata ang kamay niya at igiya siya sa passenger side ng sasakyan nito. Nailing na nagpaalalay na siya, habang pilit kinakalma ang sarili.
This is exactly why ZD is probably more dangerous than any hired goon that's been following them all these years. Dahil non lang siya nakakaramdam ng pinaghalong kaba at pagkasabik dahil sa hindi niya alam ngayon kung ano ba talaga ang gagawin sa nararamdaman.
"You don't take No for an answer, huh." komento niya nang makasampa ito sa driver's seat.
"Nope." nakangiting sagot nito habang muling binubuhay ang makina. Then he turned to her and put his hand lightly on hers. "You know, I'm really sorry about the sketch and the photos. i didn't mean to sneak up on you. Ayaw rin kasi kitang istorbohin kanina. mostly becaue you looked so... happy."
Nag-iinit ang pisnging nagbaba siya ng tingin sa kamay nitong nakahawak sa kamay niya.
His big, rough hands that almost covered her own. She couldn't help but feel an electric tingle of excitement at his touch. Hindi rin niya maiwasang mag-isip kung may ibig sabihin ba iyon para kay ZD. Tumatahip ang dibdib na muli niyang ibinalik ang tingin dito. Parang lalo lang nagulo ang puso niya dahil tila kaylapit na ni ZD sa kanya.
"Will you forgive me, Denise?" tanong nito, puno ng pagsusumamo ang mga mata.
Tumango lang siya, habang hindi rin inaalis ang tingin dito. Habang nakatingin sila sa isa't- isa, habang hawak nito ang kamay niya, ay tila siya ibinabalik sa mga sandaling nasa harap siya ng piano at lunod sa pagtugtog niyon.
Being this close to ZD felt a lot like that - happy, safe, and free. Kaya naman hindi na rin niya napigilan ang pagngiti.
Noon naman biglang may bumusina nang malakas sa likod nila, at kapwa sila napaigtad. They both laughed, then ZD placed his hands back on the wheel and stepped on the gas. The spell was broken.
"I'm sorry too if I freaked out earlier." napahinto siya sa sasabihin. Ano ba ang idudugtong niya don? Ayaw niyang magsinungaling kay ZD, ngunit hindi rin naman niya maaaring sabihin dito ang totoo.
BINABASA MO ANG
UNMASKED (Incognito Book 3- Completed)
RomantikStar witnesses ang mga magulang ni Charlee sa isang krimen laban sa malalaking tao sa lipunan. Dahil doon, kailangan nilang magtago sa iba't ibang katauhan at magpalipat-lipat ng tirahan upang hindi masundan ng mga kalaban. Hindi sila maaaring magin...