Chapter Nine

205 21 0
                                    


"Bukas mo na lang tapusin iyan, anak. Magpahinga ka na muna."

Nag-angat ng tingin si Charlee mula sa ginagawang paglilinis ng mga kitchen cabinets pati na ang mga laman niyon,

Nakasandal sa counter ang kanyang mga magulang. Ang Papa niya ay may dalang ilang shoping bags na may tatak ng isang mall sa Laoag.

"Sandali na lang ito, Pa. Bukas kasi ay kailngan kong umalis after lunch at baka gahulin ako dahil plano ko ring linisin pa iyong kuwarto ko." sabi niya habang pinupunasan ng tuyong basahan ang loob ng cabinet.

"Nagkita kami ni Ma'am Grace kanina sa Laoag dahil may ilan siyang ibinilin tungkol sa mga dapat ayusin dito sa bahay." ang tinutukoy ng ama ay ang maybahay ni General De Cordova. "Ipinapabigay niya ito sa iyo." iniabot nito sa kanya ang mga shopping bags na nang tingnan niya ay mga bagong damit, sapatos at personal na gamit ang laman.

Mataman niyang tiningnan ang mag magulang. Alam niyang hindi lahat ng iyon ay galing kay Ginang De Cordova. She could tell by the expectant look on her parents' faces that they wanted to know if she liked what was in those bags.

"Ang gaganda nito, Ma, Pa." ngumiti siya. "Thank you." inilagay muna niya iyon sa dining table bago itinuloy ang ginagawa. Ilang oras na matapos ang hapunan, kung saan nagpalitan sila ng kuwento tungkol sa kani-kaniyang trabaho.

Much as they all have been through a lot and stayed together for the past years, Charlee knows things will never be the same. Not until they're free again and no longer had to hide.

"May lakad ka ba bukas, anak? Ang akala ko ay hapon pa ang schedule niyong itu-tutor mo." alanganing tanong ng kanyang ina.

Muli siyang napatingin sa mga magulang, may bahagyang ngiti sa labi. "Nakalimutan ko palang ikuwento kanina. Magpa-part time akong pianist sa Music club ng CAS.

Twice a week ang practice pero dahil may mga dapat akong araling piyesa, nag-suggest iyong adviser ng club na si Professor Montecillo na sa piano sa bahay nila ako mag-practice tuwing weekends."

"Pero may practice room naman kamo sa building nyo, hindi ba?" hindi nawawala ang pag-aalangan sa boses ng kanyang mama. "Baka naman puwedeng humingi ka ng permiso para magamit iyon sa ibang oras o araw bukod sa nakalagay sa schedule mo."                       

     Napakurap siya, bago inalis ang tingin dito at sinimulan  nang ibalik ang mga dining set at silverware sa cabinet. "Hindi posible dahil may trabaho din ako sa opisina, Mama. Bukod pa sa may mga klase ding ginaganap sa PA room sa ibang oras, at araw."

"Puwede naman sigurong magawan ng paraan iyon, anak. Kung gusto mo ay kausapin natin si Dean?" suhestyon ng kanyang ama.

"Siguro naman, matutulungan ka rin ni Professor Montecillo na ---"

Naputol ang sasabihin pa sana ng kanyang ina dahil sa napalakas niyang pagsara ng pinto ng cabinet. Charlee closed her eyes as she took a deep breath. Pagbukas niyon at nang mapatingin siya sa ekspresyon sa mukha ng mga magulang ay gusto niyang magalit sa sarili dahil sa nararamdaman.

Nagiging makasarili ba siya? Walang konsiderasyon? Pero alam naman ng mga ito na kung may isang bagay na patuloy niyang hinahawakan sa loob ng maraming taon sa kabila ng maraming pagbabago sa kanilang buhay, iyon ay ang pagtugtog. Ang piano. Ang kanyang musika.

"Naiintindihan ko kung bakit kayo nag-aalala. Pero sana sinabi nyo na iyan dati pa. Dati pa noong magsimula tayong magpalipat-lipat at magtago na parang mgA kriminal." mahina ngunit mariing sabi niya, hindi na napigilan ang paghulagpos ng hinanakit.

"You both know it's the one thing I have that I cannot just give up. But if you want me to, sabihin nyo lang. Bukas din, sasabihin ko kay Professor Montecillo na hindi pala ako puwedeng tumugtog, na humanap na lang sila ng iba. No more piano, no more music for me, para naman hindi ako makadagdag pa sa alalahanin ng pamilya at nang garantisadong ligtas at secure tayo dito, tama?" sarkastikong sabi niya bago naiiling na tumalikod na at inilang hakbang ang kalapit an hagdan, diretso sa kanyang kuwarto.

UNMASKED (Incognito Book 3- Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon