Lunch break at naroon si Denise sa cafe sa likod ng Main building ng INSU. Inaayos kasi ang soccer field at ang area na nakapalibot doon para sa nalalapit na school fair kaya nitong nakaraang araw ay tila nililibot nila ni ZD ang bawat parte ng INSU tuwing lunch break.Pinili niya ang mesang nasa labas na bahagi na ng open air cafe. The spot she chose was a wrought iron picnic set under an old tree and beside a tall gumamela shrub, a bit hidden from the cafe crowd but just the perfect place if she wanted to check out who's coming in and out.
Always keep a low profile. Always blend in with the crowd. Never attract attention. Napailing siya. Kahit hindi sinasadya ay nakuha na niya ang atensyon ni ZD at sa loob ng nakalipas na buwan ay nanatili iyon sa kanya. Not that she's complaining though.
But where is ZD? Labinlimang minuto na matapos ang alas-dose ay wala pa ito, gayong kadalasan ay nauuna ito sa tagpuan nila.
Kinapa niya ang cellphone sa bulsa upang mag-text sana dito nang mahagip ng kanyang paningin ang isang lalaking naka-itim na jacket, pulang baseball cap at may suot na dark glasses na panay ang linga habang palapit sa puwesto niya, na tila may hinahanap. Then the man's eyes settled on her.
Her mouth went dry. Inalis niya ang kamay sa bulsa at mahigpit na hinawakan ang paper bag na nasa mesa. Iniiwas niya ang tingin at ipinako iyon sa grupo ng estudyante sa di kalayuan. Parang binabayo ang kanyang dibdib sa kaba.
Nasa backpack na iniwan niya sa opisina ang stun gun niya. Ang tanging dala niya ay pepper spray at surgical cutter.
"Miss, puwede bang magtanong?" matigas ang accent nito, at malat ang boses.
Kinakalma ang sariling tumango siya, sabay sulyap dito. Ang isang kamay niya ay palihim na bumaba mula sa mesa patungo sa kanyang jacket.
"Saan pa ba may payphone dito? Sira o di kaya ay may gumagamit niyong mga nasa gilid ng gym ninyo. Wala namang siganl ang network ko dito. Kailangan ko lang tumawag ng hihila dahil nagloloko iyong sasakyan kong naka-park dito sa loob."
Nangunot ang noo niya, ngunit mabilis na nag-isip. "Subukan nyo po sa loob niyang main building. Sabihin nyo lang sa guard ang kailangan inyo at baka iyon pa mismong phone nila doon ang ipagamit sa inyo." mahina ng boses ngunit matatag na sabi niya, bago sandaling tumingin sa lalaki kasabay ang isang bahagyang ngiti.
Saglit lang iyon upang hindi siya mapagdudahan, at sapat na upang mabistahan niya ito.
Her blood run cold as her mind processed what she just saw. Inalis na ng lalaki ang dark glasses nito. Nasa late thirties o early forties marahil ang edad nito, maputi at maaayos ang pangangatawan. Hindi nakakatakot ang itsura nito. But his eyes were mean, menacing. They look at her as if he was mocking her.
"Okay, salamat Miss." sabi ng lalaki na sumaludo pa bago lumayo. Charlee felt her blood run cold. Mabilis na iginala niya ang paningin ngunit hindi na niya makita kung saan nagpunta ang lalaki.
Tumayo siya bitbit ang paper bag at lakad-takbong tinungo ang kanilang building. Nasaan na ba si ZD? Kung anu-ano tuloy ang naisip niya.
What if they got to him first? Paano kung minamarkahan lang pala ng lalaking iyon ang lokasyon niya? Oh my God! She kept praying as she ran towards their building.
She is in an open space and she felt vulnerable here. She had to get inside fast. Paikot na siya sa likod ng CAS Building papunta sa side entrance nang may marinig siyang tumatawag.
"Denise! Denise!" ngunit patuloy lang siya sa pagtakbo, hanggang sa maalala niyang iyon nga pala ang ginagamit niyang pangalan ngayon. Huminto siya at nilingon ang papalapit na si ZD, na kunot ang noong nakatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
UNMASKED (Incognito Book 3- Completed)
RomanceStar witnesses ang mga magulang ni Charlee sa isang krimen laban sa malalaking tao sa lipunan. Dahil doon, kailangan nilang magtago sa iba't ibang katauhan at magpalipat-lipat ng tirahan upang hindi masundan ng mga kalaban. Hindi sila maaaring magin...