Chapter Fourteen

183 18 0
                                    


"How about we go back to my house? My parent's place, I mean." ani ZD habang inilululan nito ang motorbike ni Charlee sa likod ng pickup. "My parents wouldn't mind. At mababalikan mo pa iyong mga hindi mo natugtog kanina."

Umiling lang siya, bago sumampa na at naupo sa loob ng sasakyan. Pasado alas-singko at kahit lampas isang oras lang niyang tinuruan si Giorgio, parang na-drain na ang energy niya. Npaka-hyper kasi ng bata. Bukod doon ay hindi pa siya gaanong nakaka-recover sa nalamang anak pala ni Professor Monteciilo si ZD.

And now she knows she's making a dangerous decision in agreeing to spend more time with him. "Huwag na muna, ZD. Nahihiya pa ako sa Mama mo." sabi niya sa binata nang makaupo na rin ito sa driver's seat.

Ang totoo ay hindi niya alam kung paano haharapin ang maaaring  maging mga tanong ng ina nito tungkol sa background niya sa pagtugtog ng piano. Sa nakaraang dalawang beses na nagkasama sila ng propesora sa practice ay panay tungkol sa Performing Arts club ang napag-usapan nila.

Hindi niya alam kung paanong hahabi ng kasinungalingan kung bakit at  paanong ganoon siya kabihasa sa pagtugtog.

"Eh sa bahay nyo na lang, gusto mo? I can cook dinner for you."

"Hindi puwde!" bulalas niya, at huli na upang bawiin niya iyon. She sounded shrill and forceful at tiyak na nagsisimula na muling magduda sa kanya ang binata.

He looked at her. "Oh-kay..." marahan itong tumango.

"Pasenya na. Wala kasing tao sa bahay ngayon eh."  nangingiwing sabi niya.

He simply shrugged. "Ayos lang."  Tila balewala na dito ang kung anumang na-detect sa tono niya kanina, kung mayroon man. "How about pizza and pasta for dinner? Gusto mo?"

"Oo ba!" tumatangong sabi niya. At this point, kahit saan siguro ay sasang-ayunan niya, huwag lang sa bahay nito, o nila. "Let's go!"

She just gave him a thumbs up sign, before she turned her head to gaze out the window. Malapit nang lumubog ang araw. Bukas ang bintana at dama niya ang sariwang hanging nagmumula sa dagat.

Sumandal siya sa kinauupuan, sumulyap sa guwapong katabi niya na maaliwalas ang mukhang nakapako ang tingin sa daan, bago niya ibinaling ang mata sa bintana. Sitting here now with ZD, and despite her initial thoughts about it, she actually feel quite happy, and content.

Ganito pala ang mabuhay ng normal. Iyong pagkatapos ng trabaho, makakatabi ko sa front seat ang isang guwapong lalaki na walang alinlangan kung ipakita kung gaano niya  kagustong makasama ako. And we're headed to some place where we'll have dinner... looking forward to spending more  time together...
"Kumusta naman iyong date mo?" tanong ni ZD nang nasa  highway na sila.

Natawa siya. "Okay naman. Mabilis siyang matuto, actually. Kailangan lang ayusin ang accent niya." she glanced at him. Parang kikiligin yata siya dahil halos  magkasabay silang napatingin sa isa't-isa. Kagat ang labing ibinalik niya ang tingin sa bintana. "Giorgio is a good kid. Kaya lang, hirap din siyang mag- concentrate. Madaling ma-distract eh."

"Hmm, I can relate to that." sabi ng katabi.

Napatingin siyang muli sa binata. "Really? Para ngang ang galing mong mag-focus eh. I mean, judging from those photos and sketches..."

He chuckled. "Only when I'm taking a picture, or sketching."  he said in a faraway voice. Nakatutok ang tingin nito sa daan kaya malaya niya itong napagmamasdan. Ngunit bigla ay bumaling ito sa kanya, at ngumiti. "Or in the company of someone interesting."

Automatic tuloy ang pag-iwas niya ng tingin, kasabay ang pag-iinit ng pisngi. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin doon. Kanina lang ay parang kaydali sa kanya na makipag- usap kay ZD, pero ngayon ay tila nasaid ang mga salita sa utak niya.

Lalo na kapag tinitingnan siya nito na tila ba inaaral ang mukha niya at kinakabisa ang bawat parte niyon.
"I have been meaning to ask you this." narinig niyang sabi nito habang paliko sila sa Calle Mayor. "Yung bahay na tinitirahan ninyo, I know it's one of the properties of General De Cordova. Kaibigan ba ng pamilya mo ang pamilya niya? He's a great guy, by the way."

Uh-oh. "Kilala ni General ang pamilya ko." maingat na umpisa niya. "We're actually just renting that house until we have saved enough to build our own. May... may nabili na kaming lupa malapit din lang sa property na iyon." mabilis na sabi niya, bago muling sumulyap sa katabi.

"Speaking of houses, ang ganda ng bahay ninyo. Maaliwalas at maganda pero hindi intimidating na prang iyong mga nasa magazines." she smiled to mask her nerves.

Bahagyang tumaas ang isang kilay ng binata. "Talaga ha?"

"Talaga! It's old but well-maintained. It's like it's been there forever."

"And ever and ever." napapailing na sabi ni ZD. "Don't get me wrong, I like my parents' house. Pero siguro dahil doon na ako lumaki, na-bore na din ako. Kaya ayun, nagpatayo ako ng cottage sa likod." he grinned. "I also bought this beach front property next town, para may iba akong napupuntahan kapag may mga araw na gusto kong umalis pero hindi ko magawa dahil sa trabaho at schedule." Tumingin ito sa kanya.

"Kuwentuhan mo naman ako tungkol sa mga lugar na napuntahan mo na. Hindi ko pa gaanong nalilibot ang  Pilipinas kaya baka mabigyan mo ako ng idea kung saan magandang pumunta kung sakali."

Napalunok siya. Itinutok niya bang tingin sa daan. "Well, wala pa naman akong napuntahan na ganoon ka-interesante. Kung saan-saan lang na small towns and cities." muli ay mabilis na sabi niya, habang nag-iisip kung paanong ibabalik uli ang usapan tungkol kay ZD. "So, itong pupuntahan natin, ano ang---"

"Come on, Denise. Mag-share ka naman. You must have been somewhere worth mentioning. You said before you lived in Dumaguete?" sabi ng binata.  "Tell me about it."

Hindi alam ni Charlee kung bakit siya nakakaramdam ng inis gayong wala siyang karapatan. Natural, magtatanong si ZD ng kung anu-ano tungkol sa kanya. It was just about places she lived in, they weren't even that personal. But in my situation, everything is too personal.. and dangerous.

Ngunit wala rin namang mali sa ipinapakitang interes ng binata. "Dumaguete is beautiful. It has an old world feel. Tahimik, mababait ang  mga tao. Medyo kapareho nitong San Diego, actually. Quaint and rustic." wala nang magawang sabi niya.

"Wow, talaga?" exaggerrated na komento ni ZD, dahilan upang matawa siya. "Have you ever lived in a town so small, everyone knows you by name?" pagkuwa'y tanong nito.

"Nope. At ayoko rin naman ng ganoon." matapat na sagot niya.

"Not for you, huh."

Mapait na napailing siya. "Definitely not."

"I feel the same way." sabi nito na tila hindi napansin ang kakaibang reaksyon niya sa tanong nito. "Hindi naman ako anti-social pero appealing sa akin iyong tumira sa isang lugar na malayo sa kabihasnan, pero kumpleto sa lahat ng kakailanganin. Sure, I love being around family. But eventually, I think I want to be somewhere where no one  knows me. Someplace where they don't even speak English." he smiled.

"Seryoso ka?" kunot ang noong tanong niya. Parang ang hirap paniwalaan niyon, gayong inggit na inggit nga siya sa buhay nito.
Tumango si ZD. "Yup. Actually, I would love to go to Tuscany one day."
"Nice. Pero bakit sa Tuscany?"

"I have relatives there. Family ng bunsong kapatid ng lola ko sa father side at malapit ako sa kanila noong bata pa ako hanggang sa mag-migrate sila doon fifteen years ago. I always ask them to take pictures and videos all these years, and they email them to me. Naka-save lahat sa hard drive ng laptop ko." he smiled wistfully.

"One day, I will go there  and live for at least three months, learn the language, absorb tthe culture, take picturs, sketch... magtatanim din ako ng ubas, or olives."

Natawa siya. She suddenly had an image of ZD  in a vast field, bent over plots and carefully laying down seedlings... his beautiful golden skin a bit sweaty, shirtless and with those lean arms and broad shoulders of his looking magnificent and... Oh God, what was she thinking? Shit. Nasapo niya ang noo.

"Denise?" tawag nito. "Gutom ka na, ano? Well, narito na tayo." sabi nito habang iminamaniobra ang sasakyan papasok sa isang malawak na lote sa tabi ng isang plantation style na bahay. "So, gusto mo ba ng vegetarian pizza at bagnet pasta?"

UNMASKED (Incognito Book 3- Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon