Chapter Twenty-Seven

159 13 0
                                    


"Mga anong oras ka kaya makakauwi, anak? Baka kasi late na rin kaming makauwi ng Papa mo at evening shift din pareho ang kambal."

Sinulyapan ni Charlee ang ina bago itinuloy ang pagsusuklay ng katutuyo lang na buhok. "Actually, Mama. Hindi ko alam. Baka gabihin ako." sagot niya.

"Saan ka ba papunta? Para sigurado ay manatili ka muna sa hotel na pinapasukan ng mga kapatid mo. Hindi puwedeng mag-isa ka dito."

Tumingin siya sa repleksyon ng ina sa salamin. Nasa likod niya ito at nakasandal sa bintana. Nakabihis rin ito at hinihintay ang pagdating ng kanyang ama. Alam niyang papunta ang mga ito sa isang pagtitipon kasama sina Dean  Marasigan. Nasabi na rin niya sa ina ang tungkol sa kanyang lakad.

Wala siyang itu-tutor nang araw na iyon at hindi rin muna siya pumunta sa bahay ng mga Montecillo upang mag-practice.

She feels bad that she's being very vague about her private affairs, and yet her family still trusts her. She's trying her best to be worthy of that trust.

Naging lubhang napakaingat niya nitong nakalipas na mga linggo. Ngunit alam niyang hindi magtatagal ay kakailanganin niyang sabihin kay ZD ang dahilan ng kakatwa niyag mga ikinikilos, at eto na nga ang pagkakataong iyon. She has to tell him something, even if it  means further shielding him from the truth.

"Sa Edralin, Mama." tukoy niya sa katabing bayan ng San  Diego. "There's this beach strip much like the Calle Menor boardwalk here." humarap siya sa ina. "Magte-text ako kung anong oras ako makakauwi."

Ilang segundong mataman siyang tiningnan ng ina. Tila may sasabihin sana ito nang mapatingin sa nagri-ring na cellphone sa kanyang kama. Hindi naman siya natinag sa puwesto.
Tumaas ang kilay ng ina. "Well, hindi mo ba iyan sasagutin?"

Nag-init ang kanyang pisngi. Si ZD lang ang alam niyang  puwedeng tumawag sa kanya. Napailing ang Mama niya, bago sumenyas na lalabas muna ngunit bago iyon ay hinawi nito ang kurtina ng binata at may kung anong tiningnan sa  labas. Nangunot ang noo nito, bago anapatingin sa kanya.

"May isang guwapong binata sa labas na kumaway at ngumiti sa akin ngayon ang." sabi nito, makahulugan ang tingin sa kanya. "He also has a cellphone pressed to his ear." dugtong  nito, bago iminuwestra ang bintana. "Siya ba iyong tumatawag at ang makakasama mo ngayon?"

"Mama..." alam niyang namumula na siya. Kahit hindi tumingin sa bintana ay alam niyang si ZD ang nasa labas. What on earth is he doing here? Ang usapan nila ay dadalhin  niya ang kanyang motor at magkikita sa harap ng Cornerstore.

"Änak, ano pang itinatayo mo diyan? May naghihintay sa iyo  sa labas!" untag ng kanyang Mama, dahilan upang dali-daling  isilid niya ang cellphone sa messenger bag at isukbit iyon sa balikat. Dama niyang pinapanood ng ina ang bawat kilos niya. Bubuksan na sana niya ang pinto nang muli itong  magsalita.

"Hindi mo ba siya ipapakilala sa akin, Charlee?"

Humarap siya dito. "Sana, Mama. Sana ganoon kadaling  basta ipakilala ko din siya sa iyo. In fact, I think that is why he is here instead of meeting me someplace else, like I told  him." she sighed.

Napatango ito. "I know, anak. Minsan, gusto kong kalimutan  na may mga bagay na hindi puwede." malungkot na napangiti ito. "Is he good to you, Charlee?"

"Yes." Lumapit siya sa ina at hinagkan ito sa pisngi. "Magte- text ako mamaya, Ma. And don't worry, kilala siya ni Dean.  Nagtuturo din siya sa INSU at anak siya ni Tita Elly." Imporma  niya bago tuluyan nang lumabas ng kuwarto at halos takbuhin ang pagbaba ng hagdan. Naramdaman niyang  sumunod ang ina upang magpunta naman sa kuwarto nito.

ZD was smiling as she got out of the gate. He held open the passenger door for her. Nang kapwa na sila nasa loob ng sasakayn nito ay ilang segundo marahil na nagkasalubong ang kanilang mag tingin. The next thing she knew, ZD's lips were touching hers, gently at first, then with greater intensity.

Their bodies melded together as they kissed, holding on to  each other as if no one else in the world existed. Tila nahimasmasan lang si Charlee nang bahagya siyang makiliti sa pagbaba ng kamay ni ZD sa kanyang baywang. She was biting her lip as she pulled away, then looked around.

Semi- tinted ang salamin ng sasakyan at wala namang dumadaan sa labas. Tila balewala naman ang lahat sa binata na nakatingin lang sa kanya, habang halos yakap pa rin siya  nito.

"Man, am I glad to see you." bulong nito.

"Me, too." she whsipered back as she met his gaze. Parang disoriented pa siya sa sensasyong dulot ng halik nito. "Teka  lang..." she licked her lips, and felt her cheeks warming at the sight of him still looking at her lips. "Bakit ka nandito? I mean, di ba ang usapan natin sa---"

"I know. Pero naisip ko ring kung pupuntahan kita dito, mapipilitan kang ipakilala ako sa pamilya mo. You've met my family. And I have met one of the twins, I  think--"

"ZD, siyempre, makikilala ko ang pamilya mo dahil nasa inyo  ako tuwing Sabado. At taga-INSU din ang Mama mo."

"I saw your mom. Kumaway din siya sa akin kanina." he softly said as he raised a hand and tucked a stray hair behind her ear. "How long have we known each other, Denise? Gusto ko lang namang makilala din ang pamilya mo."

"ZD..." she looked at him pleadingly. Hindi niya alam kung ano ang susunod na sasabihin. She doesn't even know how to explain her situation, all the how's and why's if she had to. Marahang bumitaw siya sa pagkakayakap ng binata, hindi inaalis ang tingin dito.

He met her eyes, and for a brief moment he almost looked  angry. Then he said. "Alright." napapailing na hinarap nito ang manibela. "Next time, I guess."

Relieved na napasandal na lang siya. Hanggang kailan sila ganito na magtatanong si ZD sa tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa kanya na hindi niya maaring ipagkatiwala  dito? Nauunawaan niya ang kagustuhan nitong lubusan siyang kilalanin, marahil ay ang lubusang din siyang maintindihan.

Pero kailanman ay hindi darating ang pagkakataong iyon.

There might not even be a next time.

UNMASKED (Incognito Book 3- Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon