Chapter Twelve

179 21 0
                                    

ZD stood where he was, gazing at her as if she might disappear any second.

Pahina nang pahina ang boses ni Denide hanggang sa matapos ang kanta. He saw her take a deep breath along with the final note of the song. Parang may humaplos sa puso niya sa  nakikitang lungkot sa mukha nito habang nakatitig sa piano keys.

Hindi niya alam kung ano eksakto ang sumunod na nangyari: maybe it was his emotion taking over, his body wanting so much to hold her close to  him, that as he took a step towards her, he never  noticed his slowly loosening grip on his sketchpad.

Lumikha iyon ng ingay nang bumagsak sa sahig, dahilan upang tila magising siya sa kung anong lumukob sa kanya ng ilang segundo.

Habang si Denise naman ay nanlalaki ang mga matang napakapit sa piano, at gulat  na nakatingin habang pinupulot niya ang nahulog na gamit.

"ZD?" hindi makapaniwalang tanong nito habang patayo  sa bench.

He straightened up, and smiled at her sheepishly.  "Sorry, masyado yata akong na-overwhelm sa galing  ng pagtugtog mo." nanatili lang nakatingin sa kanya ang babae, sapo ang dibdib. "I'm sorry, Denise. Are you alright? Pasensya na. Kung gusto mo aalis na lang ako ulit at ituloy mo iyang pagtugtog mo." nag- aalalang sabi niya. 

"W-what are you dong here, ZD?" tanong ng babae.

Napakurap siya. "Well, for starters, I live here."

Nangunot ang noo nito. "You live here? Pero bahay ito  ni Tita Elly... ni... Professor Montecillo." pagkuwa'y nanlaki ang mata nito sa na-realize. "She's your mother?"

Tumango siya, napapangiti na muli. "Yes. Um, I thought you figured it out already since you were at the faculty meeting and Dean Augie called a roll?" Umiling ang babae. "Oh well, hindi ka rin naman nag-iisa. We don't really acknowledge our relationship at INSU. Ma prefers to treat me an equal kapag nasa campus...  Denise? Are you alright?" lumapit siya dito.

"I'm fine." napabuga ito ng hangin. "Hindi ko alam na  anak ka pala ni Tita Ellly." mahinang sabi nito.

"Does it matter? I mean, may kaso ba kung---"

"No." putol nito sa sasabihin niya, bago kinuha ang messenger bag sa upuang malapit sa piano pati na ang  jacket doon. "I have to go." Noon nito napansin ang hawak niya. "Ano iyan?" kunot-noong turo nito.

"Ah..." napakamot siya sa batok, bago iniabot kay Denise ang sketchpad. "Para kasing ang saya mo kanina, at... ang ganda mong tingnan habang tumutugtog." he felt himself blush.

"So I thought I should capture the moment. I mean..." napabuntung-hininga siya. He felt silly being at a loss for words now as he watched Denise flip through the pages of his sketchpad.

Nawala ang pangungunot ng noo nito, nag-relax ang mukha at manghang pinagmamasdan ang mga larawan.

"Wow, ginawa mo ito?" hindi maitago ang paghangang sabi nito habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa drawing niya at sa pictures.

"Um, yes." nahihiyang sabi niya.

"You're good... no, you're amazing!" she gushed as she looked at the sketches and photos alternately. Hindi maikakaila ang tuwa sa mukha ng dalaga, and it tugged  at his heart. It suddenly occured to him how happy he's feeling now seeing her face light up like that.

"Well, I wouldn't be able to come up with that if you  hadn't played so good and looked so beautiful." he  blurted out, making her look up at him in surprise. Bahagya itong namula. He doesn't feel any regret. It felt great saying those, actually.

"Thank you, ZD." muling ibinaba ni Denise ang tingin sa mga larawan. Parang hindi ito nagsasawang pagmasdan iyon, habang siya naman ay hindi rin inaalis ang tingin dito.

UNMASKED (Incognito Book 3- Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon