Chapter Eight

226 21 0
                                    


"Denise... are you alright?"

Dapat ay sanay na si Charlee sa boses na iyon. Afterall, mahigit isang linggo na rin niya iyong regular na naririnig. Kahit anong pag-iwas niya, kahit may mga pagkakataong hindi niya halos ito kinakausap, at kahit madalas ay basta na lang niya ito nilalayasan ay hindi natitinag si ZD sa pagpupursige nitong mapalapit sa kanya.

Ayaw man niyang aminin sa sarili ay gusto niya ang atensyong nakukuha mula sa binata. Kahit walang usapan  ay parati silang nagkakasabay dumating at nagkikita sa parking area tuwing umaga. Sa tuwing uwian ay sumasabay ito sa kanya, at aalis lang kapag nakita na nitong naipasok na niya ang kanyang motor sa malawak na bakuran ng bahay  nila.

It is actually one of the houses owned by the incumbent Defense Secretary, Isa iyong simpleng split-level cottage na may apat na kuwarto, malawak na front yard at maliit na taniman ng gulay sa likod. Defense Secretary Raul De Cordova is the adoptive father of Yani, na isa sa mga pinakamatalik niyang kaibigan, na sa minsan at patagong komunikasyon na lamang niya nakakausap. The De Cordovas have been trying to reach out and help them  all these years, ngunit ngayon lang nila hinayaang tulungan sila ng mga ito dahil teritoryo ng dating heneral ang San Diego, at kahit papano ay mas ligtas ang pakiramdam nila.

Pero hindi pa rin sila dapat na pakasiguro, kaya naman hindi na rin niya maalis sa sarili ang pagiging mailap,  alerto, at magugulatin.

Napabuga siya ng hangin nang maramdaman ang paghawak ni ZD sa kanyang balikat. Noon ay patulak na ipinapasok niya sa malawak na front yard ang kaniyang motorsiklo.

"Kanina pa kita tinatawag." may pag-aalalang sabi ng binata, bago marahang ipinihit siya paharap dito. Noon niya napansing nakaparada ang sasakyan nito sa tapat ng katabing property nila. Nasanay siyang basta na lamang ito nagda-drive palayo sa sandaling makita nitong nakarating na siya ng ayos sa kanilang bahay, na hindi niya naisip na maaaring kay ZD pala ang sasakyang huminto.

"H-hindi ko yata narinig." sabi niya. Or maybe she heard him, but didn't rspond because Denise isn't her name. It's Charlotte! She is Charlotte "Charlee" Angeles, not Denise Medrano, for God's sake! Bumuntung-hininga siya. "I'm  sorry."

Tumango lang si ZD. "May problema ba, Denise?"

"Ano'ng problema?" pilit niyang sinalubong ang tingin nito.

"You're jumpy and you always look like something's bothering you." alanganin itong ngumiti. "Alam kong hindi madali ang mag-adjust sa isang bagong lugar. Maybe you're even finding it hard to trust people around here, and  that's fine, really. But I want to ask you to please give us a  chance." he looked at her pleadingly. "O kahit... kahit ako  man lang."

Napayuko siya. Kung alam lang ng lalaking ito na simula ng dumating siya sa San Diego, bukod sa kanyang pamilya at sa mag-asawang Marasigan ay ito lang ang pinagkakatiwalaan niya. She has allowed him to get this close, hasn't she? At isang malaking hakbang iyon para sa kanyang sa loob ng lampas anim na taon ay malapit nang malimutan hindi lang ang kanyang tunay na pangalan, kundi pati ang kung paano mamuhay ng normal. "I trust  you, ZD." nag-angat siya ng tingin.

"Hindi siguro halata  pero dapat mong malaman na hindi ganoon kadali ang lahat para sa akin... ang buhay ko..." she bit her lip. She can't say anything more. "Just bear with me please. Alam kong hindi mahirap intindihin ito sa ngayon, kung bakit ako ganito. But I do trust you more than you think you know." bahagya siyang ngumiti.

The one I can't actually trust is  myself, ZD. And how by just knowing me, I am already putting your life in danger. Napayuko siya.

"Thank you, Denise." marahang iniangat ni ZD nag kanyang mukha. Ngayon ay tila nabawasan na ang pag-aalala nito. "I was just worried, you know."

"Don't be ZD. Ayos lang ako." wika niya, para lang hindi siya maging masyadong aware sa kung gaano sila kalapit sa isa't-isa ng mga sandlaing iyon. They were standing so  close their bodies were almost touching. Halos magkapantay na rin ang kanilang mukha dahil dalawa o  tatlong pulagada lang yata ang taas sa kanya ni ZD. She fought hard not to look at those full, reddish lips. God, what am I thinking? "Hindi lang siguro ako sanay." she breathed. Ipinako niya ang tingin sa mga mata ng binata, na tila  walang sawang minamasdan lang siya.

Nangunot ang noo nito. "Hindi ka sanay sa alin?"

"Na may nagbibigay ng ganitong klaseng atensyon sa akin."  she smiled weakly. Might as well be honest. "Hindi ko alam kung bakit mo ako pinag-aaksayahan ng panahon."

Bahagyang tumaas ang isang kilay nito. "It is my time to waste, at hindi iyon sayang dahil ikaw naman ang kasama ko. Hmm?" he gently pinched her chin.

ZD was looking at her with such tenderness, and longing and so much more she couldn't quite fathom but made her feel so beautiful and cared for nonetheless. It was too much, and she's not sure it's right, given her situation. "I.. I should go." sabi niya. "Nangako ako sa mama ko na tutulong sa iba pang dapat ayuisn at linisin sa bahay ngayong hapon."

"Okay." tumatangong sabi ni ZD, bagaman hindi halos natitinag sa harap niya. "Can we spend some time tomorrow, Denise? After your piano practice?"

Umiling siya. "I don't know, ZD. May iba na kasi akong schedule bukas pagkatapos kong manggaling kina Tita  Elly."

Hindi man lang naitago ng binata ang panlulumo nito. "Okay. Pero kung may oras ka pa, puwede ba tayong  magkita this weekend?"

"Titingnan ko. Otherwise, magkikita rin naman tayo sa INSU, di ba?"
Napailing ito, bagaman nangingiti. "Fine. That would be two days without you then."

Napaawang ang labi niya sa sinabi nito. "Alam mo kahit  hindi ako sanay sa ganito, sa tingin ko ang corny niyang sinabi mo."

Natawa ito. "I know. At bago pa tuluyang masira ang image  ko sa iyo." he leaned in and gave her a gentle kiss on the cheek, something she wasn't quite expecting, Ngunit hindi siya gumawa ng kahit anong galaw upang pigilan ito.

Kahit  na ba nagtagal ito sa paghalik na iyon. it was like he was taking in her scent, relishing the feel of his lips against her skin. She now wondered what it must feel if it was her lips he was kissing...

Her heart raced at the thought, and as she felt the side of her body pressed against his, she fought the urge to pull him closer. Parang kaysarap kasing mapasandig sa dibdib at mapaloob sa mga braso nito.

Maybe then she would feel really safe, and worry no more.

Nang lumayo si ZD ay tila bigla siyang nilamig. Halos mamuti na tuloy ang mga daliri niya sa pagkakakapit sa handbars. "I'll see you soon, Denise." tila hirap lumayong sabi ng binata bago nito pinisil ang kanyang balikat, at saka tuluyang lumayo. Kumaway ito bago naglakad papunta sa sasakyan nito.

She's tried her best, all these time, to not give in and allow herself to feel anything, however little for ZD. But his  persistence won over. Idagdag pa doon ang katotohanang gusto niya ang nararamdaman sa tuwing kasama niya ang binata.

Isang katotohanang sana ay hindi na lang niya hinayaang manaig sa kanya, dahil alam niyang sa sitwasyon niya ngayon, ay hindi iyon tama.

UNMASKED (Incognito Book 3- Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon