“ZD...” bulong ni Charlee nang bahagya niyang ilayo ang mukha sa binata. Hinabol nito ang labi niya at muli iyong hinagkan. She closed her eyes, as she held on to his shoulder tighter and gently pushed him away.“ZD...I really have to get in.” matigas niyang sabi. Tila resigned na tiningnan siya ng binata, bago ito tumango, pero halos hindi ito lumalayo sa kanya.
Since that night at his house by the sea a few weeks ago, ZD would look at her, spend time with her, kiss her, hold her as if she'd be gone any minute.
Hindi na ito muling nagtanong ng kahit ano pa tungkol sa kanya simula noon, at nadudurog ang puso niya sa tuwing kakailanganin nilang maghiwalay. It was like getting a glimpse of what he would be like if that time comes and she would have to leave him.
“Okay...” sabi nito matapos ang ilang saglit. “I'll see you tomorrow? Susunduin kita?”
She sighed. It has been like that since, as well. Susunduin siya nito tuwing umaga, at ihahaatid tuwing hapon.
Today as usual, he seems reluctant to let her go. “Alright. ZD.” muli niya itong hinagkan sa labi, bago siya na rin mismo ang lumayo at binuksan ang pinto. Marahan niyang tinapik ang dibddib nito, tahimik na sinasabing huwag na siya nitong ihatid papasok sa kanilang bakuran.
Napansin na kasi niyang bukas ang mga ilaw sa kanilang bahay, at nasa garahe na ang kotsen ng kanyang Mama pati na aang mga bisiskleta ng kambal. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan habang binubuksan ang pinto gamit ang dalang susi.
Tumindi pa iyon nang sa pagapsok sa sala ay makitang walang tao doon, maging sa kusina.
“Mama? Nasaan kayo?” tawag niya habang paakyat sa iilang baitang ng hagdan. Napansin niyang bukas ang pinto ng kuwarto ng mga magulang.
“Charlee?” boses iyon ng kanyang Mama. “Nandito kami, anak.” sabi nito mula sa kuwarto. Naabutan niyang nakaupo ito sa kama, habang ang isang kapatid niya ay nasa upuan sa tabi nito. Ang isa pa ay palabas ng kuwarto dala ang isang tray na tahimik na tinanguan lang siya.
Agad siyang naupo sa kama, sa tabi ng ina. “Ano'ng nangyari?”
Napahinga ito ng malalim, bago mariing ipinikit ang mga mata na tila may pinipigilang maramdaman na hindi mawari. “Wala na ang Lola Doring mo.” tukoy nito sa sariling ina. “Noong isang linggo pa. At ngayon ko lang nalaman. Ngayon lang.” sabi nito bago tuluyan nang napaiyak.
Ilang sandaling nakatingin lang siya sa ina. Her mother has always been calm and composed. She was strong, not one to show any hint of weakness, even when they all had to move around these past six years. She and her siblings all have broken down at some point, but never their mother.
Kaya hindi niya inaasahan ang nakikita ngayon, na tila ito nauupos. Her body rocked back and forth, her face in hand as she sobbed.
“Paanong... ano ang nangyari?” hindi pa rin makapaniwalang tanong niya kay Daniel. God, she hasn't even seen their grandparents for the past several years, and now her sweet Lola Doring is gone?
“Heart failure. Lumala na daw ang diabetes ni Lola nitong nakalipas na taon.” mahinang sabi ng kapatid niya.
“Sinubukan akong kontakin ni Papa, ng Lolo ninyo. At ng mga tito ninyo.” lumuluha pa ding sabi ng kanyang Mama habang inaabot ang tubig na ibinigay dito ng isa pa sa kambal, na kababalik pa lang. “Tumawag sila sa NBI, sa DOJ, at nakiusap na kung puwede ba akong magpakita. Dahil hinahanap ako ni Mama noong mga huling araw niya.” nangangatal ang boses na kuwento nito.
“General De Cordova made some arrangements, at tinulungan sina Papa na kausapin ang Justice department. Pero ang sabi nila, masyado pa daw maaga para sabihan ako.” patuloy nito. “Napaka-walang-puso nila! Kaya nilang gawan ng paraan, kahit sa telepono man lang marinig ni Mama ang boses ko, ayos lang. Pero wala silang ginawa! Hindi ko man lang naakusap ang sarili kong ina bago siya...” tuluyan na itong napahagulgol.
Charlee pulled her mother close and hugged her tight, feeling her frail body as it shook in despair. Noon siya unti-unting binabalot ng takot, ng samu't saring realisasyon tungkol sa kalagayan nila.
It was bad enough that there were lots of people they haven't seen in years, but to not even be given the chance to see them for the last time?
Palagi niyang naririrnig na isang araw, matatapos din ito. Magiging malaya rin sila at muling babalik sa buhay na nakasanayan. Pero ano pa ang silbi ng paglaya kung isa-isa nang nawawala ang dapat sana ay babalikan nila?
“Tatawagan ko si Papa.” sabi niya nang bahagyang lumayo sa ina.
“Anak , huwag na. Hintayin na lang natin siyang makauwi. Hanggang alas-diyes lang naman siya ngayon.” pigil ng Mama niya.
“No, Mama. He should be here.” napabuga siya ng hangin. “Hindi ko alam kung bakit palagi na lang nating kailangang magpanggap, na okay lang ang lahat.
Kapag nalaman ng demonyong mga Dominguez na iyan kung nasaan tayo, tahimik lang tayong aalis uli, magbabagong buhay, at aaktong parang okay lang ang lahat. Pero hindi, kahit kailan simula anang magtago tayo, kahit kailan hindi tayo naging okay.” dire-direchong sabi niya.
“Ate, hindi ito oras para sa --”
“Hindi ito oras para saan? Para ipaalala ko sa inyong lahat kung paanong isang malaking kalokohan ang buhay natin ngayon? We lost a good family friend before this, and all these years, we've lost a few more. Yung best friend ni Papa, yung isang malapit na pinsan ni Mama, yung isang katropa ninyo...” namamasa na rin ang mga amta niya. “Ät hindi man lang ninyo sila nakita o nakasaam uli, ni wala kayo sa lamay at libing.
“Tawagan natin si Papa, okay?” muling sabi niya at kukunin na sana ang cellphone sa bulsa ngunit muli siyang pinigilan ng ina.
“Anak, please. Huwag na. Malalaman din anamn niya mamaya. Ayaw ko lang na mag-alala siya ngayon.”
“Mama, we just lost Lola, for God's sake. At ayaw mong tawagan si Papa para madamayan ka dahil ayaw mo siyang amg-alala? Paaano ka, Mama?”
“Charlotte...” napapabuntung-hiningang sabi ng nakatatandang babae, bago hinawakan siya sa magkabailng braso. “Wala na tayong magagawa sa ngayon. Ang dami kong gustong mangyari, ang gusto kong gawin, na hindi puwede dahil wala rin naman tayong pagpipilian. At alam mo iyan.”
“Iiyak ko lang itong pagkawala ni Mama.”patuloy nito. “Maybe I won't be well for a few days, but life will go on after. And someday, it will all be over.” muling nangilid ang luha nito. “Please don't worry about me, Charlee. I will be fine. I have spent almost five decades with my mother before we moved. Pero ikaw, ilang buwan pa lang na kasama si ...”
“ZD. Zachaery Daniel.” she finished, allowing her own tears to fall now.
“Si ZD.” sa kabila ng luha ay napangiti ang ina. “You may never find someone like him again, anak. Kaya sa halip na galit, o kung anupaman, just make the most out of what you have with him.”“Mama... I'm sorry. Alam kong hindi ito dapat. Alam kmong delikado. Pero hindi ko...” she sighed. “Hindi ko nagawang pigilan. O iwasan. I just found myself finally in love with him, and it was something I had no control over.”
Mataman siyang tiningnan ng ina, bnago nito itinaas ang kamay at hinaplos ang kanyang mukha. “I know, anak...” she softly said. “I know.”
Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa kanila, nang muli niyang yakapin ang kanyang ina, bago siya nito marahang itinulak palayo at nagyayang kumain.
She watched as her mother wiped the remaining tears, suddenly all business and no-nonsense once more. Tumayo ito kasunod ang dalawa niyang kapatid at sinabing magbihis na siya at dumiretso sa kusina, kung kakain siya.
What she wouldn't do to have all of them back to their normal lives once more, but she can't. She'll nver know how. The closest she can do now is to go back to all those times she is with ZD, having him close to her, kissing him, making love...where she felt so safe, free, content and happy.
Sana, gaya ng sa paghugot ng ala-ala, ay ganoon din kadaling babalik sa ayos ang lahat.
BINABASA MO ANG
UNMASKED (Incognito Book 3- Completed)
RomansaStar witnesses ang mga magulang ni Charlee sa isang krimen laban sa malalaking tao sa lipunan. Dahil doon, kailangan nilang magtago sa iba't ibang katauhan at magpalipat-lipat ng tirahan upang hindi masundan ng mga kalaban. Hindi sila maaaring magin...