Chapter Twenty-Six

172 18 0
                                    

Nagising si charlee na balot ng kumot at nasa isang malamig na kuwarto. Her head was against a soft pillow, her whole body resting comfortably on a firm bed that smelled faintly of disinfectant.

Iginala niya ang tingin sa paligid kung saan halos puro light green ang nakikita niya, maliban sa lalaking nakaupo sa di kalayuan at abala sa pagbabasa ng libro.

It was ZD, and she is now starting to remember what happend... why she was there. " Oh no..." napaungol siya,  bago nasapo ang noo.

"Denise? Ano'ng nangyari? May masakit ba sa iyo?" nag- aalalang tanong ni ZD na agad isinara ang libro at nilapitan siya. Naupo ito sa gilid ng kama.

"Wala naman." medyo disoriented pang sabi niya, bago itinukod ang mga kamay sa kama at ibinangon ang sarili. Nakaalalay naman agad si ZD na mataman siyang pinagmamasdan.

"You should eat, Denise." Tumayo ito at may kinuhang tray mula sa side table. May mga container doon na may lamang maliliit na piraso ng toast at soup.

Nang makita niya iyon ay agad niyang naramdaman ang  pagkalam ng sikmura. Tumabi muli sa kanya si ZD at sinimulang subuan siya, pero nag-iinit ang pisnging kinuha niya dito ang kutsra. "Ako na, kaya ko naman."

Hindi na ito kumibo at pinanood na lang siya habang kumakain. Habang nagkakalaman ang tiyan ay nagsisimula ding luminaw sa kanya ang lahat, at mapagtagni-tagni ang  mga pangyayari.

So that man in a dark jacket wasn't someone sent by the Dominguez brothers, but a longtime friend of the  Montecillos? Ano ba ang pumasok sa utak niya at napagkamalan niya itong kasabwat ng mga gustong  pumatay sa kanila?

Nakakahiya kay Mr. Villareal, na naaalala na niya ngayon bilang isang dating UP professor na nagtuturo na sa prestihiyosong Juilliard School sa New York. She even remembers watching one of his concerts when he  was in Manila years before. Ninais pa nga niya noon na makatrabaho ito, maging bahagi ng isa sa mga konsiyerto  nito.

Matapos ang maraming taon ay magkakaroon sana iyon ng katuparan, iyon nga lang ay iba na ang sitwasyon niya. Abot-kamay man niya ang pangarap ay hindi naman niya iyon magagawang hawakan man lang. Dahil hindi puwede. Dahil delikado.

"Ubusan mo iyan. Mukhang kaninang umaga ka pa huling kumain. Hindi mo man lang pala ginalaw ang mga baon mo." sabi ni ZD hbaang binubuksan ang isang bote ng tubig  at sinasalinan niyon ang isang baso.
Tiningnan niya ito habang pinupunasan ang bibig. "Nasaan na nga pala si..." napatingin siya sa orasan sa dingding. Alas-otso na ang gabi. Nanlaki ang mga mata niya.

"Tiningnan ko ang cellphone mo at nag-text ako kay David. Sinabi kong nagpasaway ka, nalipasan ng gutom kaya nahilo at narito sa hospital para magpahinga saglit."  tumaas ang isang kilay nito. "That's what you would have wanted me to tell your family, right?"

Ilang segundong minasdan niya ito, bago tumango. Now, ZD  is becoming even more suspicious. Anong dahilan ang ibibigay niya dito ngayon?

"At kung ang tinatanong mo ay si Tito Lance, well, matapos mo siyang takbuhan, siguro naisip niyang ayaw mo siyang makilala kaya umalis na lang." he said wryly.

Napangiwi siya, bago inubos na ang toast at inisang lagok ang baso ng tubig.

ZD smiled as he refilled her glass. "Actually, binalikan niya si Mama at sinabing hindi ka muna makaka-attend ng practice dahil hindi maganda ang pakiramdam mo."

Napayuko siya, at tahimik na ininom ang ikalawang baso niya ng tubig. Nakakahiya! Tiyak na pati si Tita Elly ay nagdududa na rin ngayon.

"What happened, Denise?" tanong ni ZD hbang inililigpit nito ang pinagkainan niya.

"Well..." she swallowed. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. "I... fainted."

Nangunot ang noo ng binata. "That's quite obvious. And you skipped lunch, too. At kung makatakbo ka kanina, parang may kung anong humahabol sa iyo." napailing-iling ito. Bago napatingin sa kanya nang mapansin ang pagbabago sa kanyang mukha. She knows her expression must have hardened.

"Nakakahiya kay Mr. Villareal." napapabuntung-hiningang sabi niya. "I didn't mean to be rude. Pero aaminin kong natakot ako kanina at tumatakbo ako dahil..." muli siyang napalunok. "...dahil napagkamalan ko siya na..."

"Napagkamalan mo siya na sino?"
"ZD..." she bit her lip. “I just thought he was someone else, okay?" may pakikiusap na sabi niya. "At natakot ako. Idagdag pang hilo na siguro ako sa gutom." she smiled weakly.

"What, he looks like some serial killer you knew from a former life or something?" may himig-pagbibirong sabi nito.

She held his gaze. "Something like that." mahinang sabi niya. Muli ay ilang segundong pinakatitigan siya ni ZD. He looked both concerned, and a bit skeptic. May tila nagdaan ding galit sa mga mata nito, na agad nawala at napalitan ng pag-aalala.

"I have always trusted your words, Denise.  At kung anuman ang kaya mong ibigay sa akin, ayos lang. Pero hindi ibig sabihin ay lubusan kong tinatanggap ang lahat ng iyon, lalo at may mga ganitong pangyayari na hindi puwedeng hindi ako mag-alala." his hand slid to hold her hand. "This time, I don't think I would just accept all that you told me so far. Alam kong may mas mabigat at malalim  na dahilan."

Agad nabuhay ang kaba sa dibdib niya. ito na nga ba ang kinatatakutan niyang mangyari, ang hilingin ni ZD na malaman nito kung ano ang totoo. Ang lahat-lahat tungkol sa kanya.

Kahit matapang niyang sinasalubong ang tingin nito ay unti-unti ring nabubuwag ang resolba niya. She has never came this close to actually telling him the truth.

"Ang dami kong gustong malaman tungkol sa iyo. Kung bakit parang iniiwasan mo laging makilala ko ang pamilya mo, kung bakit hindi ka gaanong nagkukuwento tungkol sa kanila, o kahit tungkol sa sarili mo."  ZD brought her hand  to his lips and gently kissed it.

"At ngayon.. eto, ni hindi ko alam kung ano ang tawag dito. You weren't just hungry, you were also under a lot of stress. Natatakot ka, sobrang nag-aala, at hindi ko alam kung bakit."

"ZD..." helpless na sabi niya. "I'm sorry I---"

"Hindi mo kailangang sabihin sa akin ang lahat ngayon, o bukas." malungkot itong napangiti. "But I would want to know everything... soon, Denise." he looked at her with  pleading eyes. "Please, you can trust me."

Gusto na niyang mapaiyak. "ZD, I know I can trust you."

"That's good enough for me..." marahan iting tumango. bago muling napatingin sa relo. "I think we should get you  home. Baka nag-aalaa na sa iyo ang pamilya mo. Nasabi ko  kay Dean Augie ang nangyari at ipinapasabi pala niyang  kung gusto mo raw munang bumawi ng pahinga ay puwede  kang mag-half day na lang o mag-absent bukas." inalalayan  siya nitong makatayo.

"And just in case you want to talk, there's this place I've always wanted to take you..." medyo nag-alangang sabi ni ZD, bago napailing. "It's just this place I always go to when I want to get away from everything, pero wala akong gaanong oras at energy para magplano ng out of town trip. Sa kabilang bayan lang naman, mga thirty minutes na biyahe."

"Okay then." wala sa loob na pagsang-ayon niya. Dahil masyado siyang nako-conscious sa kung gaano kalapit sila ngayon ni ZD sa isa't-isa habang tinutulungan siya nitong isuot muli ang jacket niya. His arms were around her and  his hot breath was tickling her face. His lips were too close.

Bahagya itong natawa. "Hindi mo man lang ba itatanong kung saan iyon?"

Nag-init ang kanyang pisngi. "Well... I guess I want to be surprised?"

Tumaas ang isang kilay nito, bago naiiling na niyakap siya.  "Hay naku, Denise. Sana kaya kong palampasin ang lahat. Sana balewala na lang sa akin kung para kang laging hinahabol ng serial killer kung makatakbo." he pulled away a bit and met her eyes. "Pero hindi ko kaya ang ganoon." seryosong sabi nito.

And once more, all Charlee could do when she doesn't know what else to say - was to hold his face closer to hers and kiss him. Kiss him to hopefully make him forget, even for  awhile, all those questions, all that he wanted to know about her.

UNMASKED (Incognito Book 3- Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon