"Charlee, hindi namin ipapaalam ito sa mga magulang at kapatid mo dahil alam naming pinagkakatiwalaan ka nila sa mga naging desisyon mo nitong nakalipas na buwan. At ganoon din kami sa iyo." malumanay na sabi ni Atoorney Sandra Marasigan sabay tingin nito sa isa sa tatlong lalaking nakatayo malapit sa pintuan ng Dean's office.Napatingin din siya sa lalaki na tahimik na lumapit sa kanila dala ang isang malaking envelope at inilabas doon ang ilang larawan at sketches.
Her pictures and sketches, done by ZD. Napaawang ang labi niya, ngunit walang salitang lumabas doon. You went through my stuff? She had those sketches hidden under her mattress at walang ibang nakakita niyon.
Napailing siya, dahil wala naman siyang karapatang magreklamo. No pictures, no videos, nothing to give you away...
"We also have the memory card from Mr. Montecillo's camera. We already deleted your photos in there. Ibabalik din namin iyon sa camera case niya sa lalong madaling panahon." sabi pa ng abogada. "Charlee..." hinawakan nito ang kamay niya. "What if the wrong people got their hands on these? We almost lost you today, alam mo ba iyon?"
Tumango siya. Bago isa-isang tiningnan ang mga taong nasa opisinang iyon. Si Dean Augie, ang tatlong NBI agents, dalawang sundalo at ang isa pang abogada na si Viktoria Ferrer na representative ng kapatid nitong mayor ng San Diego na noon ay nasa isang conference ng mga local government officials.
Lahat ay seryoso ang mukha at matamang nakatingin sa kanya. She knows why, and its all because of that man who approached her earlier. Gaya ng hinala niya ay isa iyon sa ipinadala ng mga Dominguez upang markahan ang lokasyon niya at ng kanyang pamilya, at eventually ay iligpit sila.
Mabuti na lamang at matapos ang pakikipag-usap sa kanya ng lalaki ay nasabat agad ito ng tatlong agents habang pabalik sa parking area ng INSU, kung saan natagpuan ang ilang IEDs, matataas na kalibre ng baril at cellphones. Nahuli din ang dalawa pang kasama nito na sa mga sandaling iyon ay nasa custody na ng NBI. All of the men would rather keep their silence and even die than confess.
Ngunit napag-alaman din na hindi pa naman naire-relay ng mga goons ang kumpirmasyon na naroon nga sila sa San Diego dahil kararating lang doon ng tatlo. Kaya naman nagpadala sila ng misleading na mga mensahe sa lahat ng contacts na nakita nila sa cellphone ng mga ito.
"Mananatili kayo dito ng pamilya mo, Charlee. Sa ngayon. Naniniwala kami na sa kabila ng nangyari ay ligtas pa rin kayo dito sa San Diego. Iyon nga lang ay mas hihigpitan na ang seguridad dito. The masterminds are still at large and so are the other people necessary to put this case together." paalala ng dean bago tumingin kay Viktoria, na bahagyang ngumiti sa kanya.
"Simula kaninang hapon ay mayroon nang checkpoints sa lahat ng maaaring daanan papasok dito sa San Diego, partikular na dito sa INSU, sa mga baranggay ninyo at sa mga pinagtatrabahuhan ng mga magulang at kapatid mo. May mga nakatoka na ding magmamanman sa bawat isa sa inyo habang mainit pa ang sitwasyon. It will just be for a couple of days. but the checkpoints should continue for at least a few months more." pormal na sabi nito.
Charlee felt anger rising up within her, but she knows it's unnecessary. Valuable state witnesses ang mga magulang niya at nasa panganib ang buhay nilang lahat. Siya itong naging iresponsable at makasarili nitong nakalipas na buwan dahil hinayaan niyang mangibabaw ang damdamin niya kay ZD.
And now she's endangering his life as well. May access na ang mga agents sa bahay at mga personal na gamit nito dahil kailangang "malinis" iyon para sa kaligtasan nilang dalawa. She felt terrible at how she's compromising his privacy and safety unknowingly all because of her. "I'm sorry. Alam kong naging pabaya ako."
"Maging mas maingat ka na lang, Ma'am. Ipagpatuloy mo lang ang lahat ng ginagawa mo simula nang dumating ka dito, Hindi mo kailangang baguhin ang kahit na alin sa buhay mo, basta maging mas maingat at mapagmasid ka lang. At kung puwede mo pong tiyakin na hindi na magkakaroon ng pagkakataon si Mr. Montecillo para kunan ka ng picture o i-drawing ka." bilin ng isa sa mga agents, na tinanguan lang niya.
"You can still see ZD, Charlee." sabi ni Viktoria, na ngayon ay lumambot na ang ekspresyon. "It will be too late now to avoid him, just try to keep a low profile." ngumiti ito.
Sinulyapan niya ang babae. "I'll do better this time. Mas magiging maingat na ako. Ayoko nang bigyan pa kayo ng kahit anong problema o alalahanin."
"Huwag mong masyadong isipin na kasalanan mo ito o naging malaki ang pagkukulang mo, Charlee. We know you're doing your best. We'll all just have to do what we can at this point, para sa ikabubuti ng lahat." muling sabi ni Attorney Sandra, sabay tapik sa kanyang tuhod.
"Well, I guess we should all head home, Nagpahanda ako ng dinner." wika nito bago tumayo na. Ilang sandali pa ay palabas na silang lahat ng pintuan. Nauuna ang dalawang sundalo, kasunod si Viktoria at siya. Nasa likod nila ang tatlong agents.
"Denise?" a familar voice called.
BINABASA MO ANG
UNMASKED (Incognito Book 3- Completed)
RomansaStar witnesses ang mga magulang ni Charlee sa isang krimen laban sa malalaking tao sa lipunan. Dahil doon, kailangan nilang magtago sa iba't ibang katauhan at magpalipat-lipat ng tirahan upang hindi masundan ng mga kalaban. Hindi sila maaaring magin...