Hindi pa kumakain si Denise simula kaninang umaga. Hindi na niya nagawang kumain ng kahit ano simula nang iwan niya si ZD kaninang lunch break. Pagbalik sa opisina ay ibinilin niya sa mga student assistants na kung sakaling dadaan ang binata ay sabihin na ayaw niyang paistorbo dahil may rush na kailangang tapusin.
ZD has dropped by the office and looked for her three times since then, at ayon sa mga SA ay mukhang nag-aalala talaga. Napapabuntung-hininga siya habang binabagtas ang hallway patungo sa PA room.
Ang kaba at pag-aalala niya ay unti-unting napapalitan ng excitement habang palapit siya doon. Pero biglang nagbalik ang lahat ng takot niya nang sa pagtulak pabukas ng pinto ay ang lalaking naka-itim na sport coat ang nakita niyang kausap ni Tita Elly sa may tabi ng stage.
They were talking animatedly, as if they were friends. Napako lang siya sa kinatatayuan habang nakatingin sa mga ito. Ano ang ginagawa ng lalaking iyon dito? Sino ito? Paano itong nakapasok ng building?
Napahigpit ang hawak niya sa pinto, habang mabilis na pinag-iisipan kung ano ang susunod na gagawin. Maya-maya ay napatingin sa gawi niya si Tita Elly at kinawayan siya. Napatingin din sa kanya ang lalaking kausap nito.
"Denise! Halika dito, anak. May ipapakilala ako sa iyo."
She just stared at the older woman, not knowing what to do, or say. She couldn't move her feet. Napalunok siya, bago napahinga ng malalim. "Tita, I..." she racked her brain for an excuse. "S- sandali lang po. May nakalimutan lang po ako sa office. Babalik po ako agad." sabi niya at hindi na binigyan ng pagkakataong makapagsalita ang ginang dahil nabitawan na niya pasara ang pinto at mabilis na naglakad palayo.
Ni hindi niya alam kung saan siya pupunta. Huminto siya sandali upang habulin ang hininga at kalmahin ang sarili. Iilang metro pa lang ang layo niya sa PA room ngunit tila isang milya na ang nilakad niya. Bakit nga ba siya umalis? Bakit siya umiiwas?
Tiyak na hahabulin lang siya ng lalaking iyon. Mas ligtas pa marahil kung nanatili na lamang siya sa PA room kung saan naroon ang Mama ni ZD at ilang estudyante, dahil mas may posibilidad na tumawag ng tulong para sa kanya sakaling may gawing hindi maganda ang lalaki. Pumorma siyang babalik na sana sa PA room nang makita niyang nasa labas na niyon ang lalaki at kausap si ZD.
Oh My God. Why is ZD talking to that man? Can't he see through him?
Bakit tila magkakilala pa ang mga ito? Gaya kanina ay parang itinulos na siya sa kinatatayuan. Noon napabaling sa gawi niya si ZD, na tila ngingiti na sana kung hindi lang marahil nito agad napansin ang istura niya. "Denise!" kumaway ito, pinapupunta siya doon.
Ngunit nanatili siya sa puwesto. Her hands gripped the straps of her backpack tighter. Ano ang gagawin niya? Nakita niyang may kung anong sinabi si ZD sa lalaking kausap nito bago nagsimulang lumakad palapit sa kanya.
Ano ang gagawin ko? All the worrying, fear and paranoia is beginning to overwhelm her that she felt herself swaying. No, the world is swaying. Huminga siya ng malalim, bago napahawak sa dingding. What is happening to me? Inalis niya ang backpack mula sa balikat, ngunit dala marahil ng bigat niyon ay sumama siya nang bumigay ang isang kamay niya at mabitawan iyon.
"Denise!" tawag ni ZD na mabuti at nasalo siya bago pa siya tuluyang bumagsak sa sahig. Napaupo siya habang hawak nito ang likod niya. "My God, what is going on?"
"I'm... I'm sorry I..." she swallowed. Napatingin siya sa lalaking nasa di kalayuan, na nangungunot ang noong nakatingin sa kanila.
"Si Tito Lance iyon. Lance Villareal. Conductor siya for an orchestra based in New York. Teacher din siya sa Juilliard. Hindi mo pa ba naririrnig ang pangalan niya?"
Umiling siya. No, well... she probably knows but... "Kilala nyo siya?"
"Yup. A family friend. He's here in the country to do a series of concerts featuring university-based orchestras dito sa Region 1. Ipapakilala ka sana namin ni Mama dahil kailangan niya ng piano soloist." tinulungan siya ni ZD na makaupo ng diretso, ngunit pakiramdam niya ay bubuway lang siyang lalo. "Densie, ano ba ang nangyayari?"
The Montecillos were going to introduce her to someone who teaches at Juilliard? Kung gayon ay hindi padala ng mga Dominguez ang lalaking iyon. Hindi siya dapat nagpa-panic ng ganito. God... Napatitig siya kay ZD.
"Denise... please tell me what's going on. Bakit ka tumatakbo?" kinuha nito ang backpack niya at isinukbit iyon sa balikat nito. Habang siya naman ay hindi maintindihan kung ano ang nararamdaman.
Tila siya hinang-hina, bumibigat ang ulo. Parang gumagalaw paikot habang unti- unting nanlalabo ang lahat sa paligid niya. Kasabay niyon ang pakiramdma na tila siya nahuhulog sa kung saan, hanggang sa tuluyan nang magdilim ang kanyang paningin...
BINABASA MO ANG
UNMASKED (Incognito Book 3- Completed)
RomansStar witnesses ang mga magulang ni Charlee sa isang krimen laban sa malalaking tao sa lipunan. Dahil doon, kailangan nilang magtago sa iba't ibang katauhan at magpalipat-lipat ng tirahan upang hindi masundan ng mga kalaban. Hindi sila maaaring magin...