Chapter Five

254 23 0
                                    


ZD felt his breath catch. She really does have beautiful eyes.

They are round, framed by long lashes, with brows that are a bit thick but had a nice shape over it. And those eyes were making him feel a lot of things he hasn't felt in years, with just one look.

"Kung saan-saan lang. Pero dito pa rin sa Pilipinas." muli itong naghalungkat sa purse. "So, you like, travelling?"

Tumaas ang isang kilay niya. Halatang umiiwas ang babaeng masyadong magsalita tungkol sa sarili. "Yes. And I like road trips, and long hauls. Iyong tipong sixteen-hour flights at maraming stop overs bago makarating sa destinasyon. Something about the long wait, getting to the place little by little excites me." muli siyang dumiretso ng upo. "Saan nga kayo huling tumira before this?" ulit niya.

Ngunit tila hindi iyon narinig ng babae. "And you said you went to law school? you're a lawyer? Ano ang---"

"Denise." pigil niya sa sasabihin nito. Itinaas niya ang hintuturo at inilapat iyon sa labi nitong bahagyang nakaawang. Her lips felt warm, and so soft. It took a huge amount of willpower to stop himself from replacing that finger with his mouth. Huminga siya ng malalim. "I asked a question first. Come on." he gently said, before he  reluctantly moved his hand away from her lovely mouth.
Tila gulat pa ring nakatingin sa kanya ang babae.

"Come on, just... just name a place." he coaxed.

"Dumaguete." tila napipilitang sagot nito, bago muling kinalkal ang purse.

Napailing siya. "And just what, may I ask, are you looking for in that purse?"

Natigilan ito, bago muling sandaling naghalungkat at inilabas ang isang isang maliit na tube. "Eto, nahanap ko na."

Sa kabila ng nararamdamang frsutration ay napangiti siya. "Iyong itinagal mong pagkukutingting diyan, lipstick lang pala hinahanap mo?" panunudyo niya dito.

"Lip balm." pagtatama nito, sabay tingin sa kanya habang inaalis ang cap ng tube. Then she clumsily rubbed the stick on her lips. "Mahangin kasi dito at kapag ganoon, nagda- dry ang lips ko. This balm is so my lips won't... get chapped." tila nagguguluhang sabi nito, at sa nakikitang magkahalong pagkalito at obvious na pag-iwas ng dalaga sa kung ano ay gustong matawa ni ZD.

She is frustrating all right, but this Denise Medrano is still downright adorable.

And beautiful. And so subtly sexy.. so hard to resist he's wondering why on earth he is still just sitting there and not  kissing her already.

"Pasensya na ang weird ko." sabi nito bago nakagat ang ibabang labi. Iniiwas nito ang tingin sa kanya at ibinalik na ang purse sa paper bag na dala nito.

That fleeting sight of her biting her lower lip just brought him closer to the edge, Napailing siya, bago marahang tinapik ito sa braso. "Okay lang iyon. I guess mahirap talagang makipagkaibigan o maging attached man lang sa tao o sa isang lugar kung ganyang madalas kayong  lumipat." sabi niya.

"Yeah." sang-ayon nito, sabay tango.

"Mahirap din naman kung nasa isang lugar ka lang palagi."  aniya, bago ipinako ang tingin sa malawak na soccer field  sa harap nila.

"Talaga? Bakit?" halata ang pagkagulat at curiosity sa boses  ng dalaga.

"Don't get me wrong. I love this town. Narito ang pamilya  ko, at gusto ko rin ang trabahong ginagawa ko dito. Narito  din ang ilan sa pinakamalalapit kong kaibigan. It's one huge comfort zone. And I guess, that's the thing. Dahil komportable na ako dito, may mga pagkakataong kahit gusto ko ay parang wala akong gaanong drive na  maghanap. Yet I still know, and feel that I might be missing something. A lot of things even. kaya sa bawat oras at  opportunity na makalabas ako, kung work-related man iyon o pleasure trip lang, sinasamantala ko talaga." bumaling siya sa dalaga na matamang nakikinig sa kanya.  Bahagyang nangungunot ang noo nito.

"Kaya curious ako kung paano kaya ang buhay mo na parang ang dami nang  narating, parang ang dami anang lugar na tinawag na tahanan. Was it worth it to have spent a few years or so in one place? How about leaving? Mahirap ba? I have travelled, but I never had the chance to really stay in another place for long." he smiled.  "You know what I mean?"

"Yeah." sabi nito habang marahang napapatango. "I think I know what you mean." bahagya itong ngumiti, dahilan upang lalong umaliwalas at gumanda ito. Mukhang may sasabihin pa sana si Denise kundi lang ito naunahan ng isang lalaking biglang sumulpot sa tabi niya, at marahang sinuntok siya sa balikat.

"Kaya pala inabandona mo kami sa tambayan ha."  nakangising sabi nito, bago napatingin sa katabi niya.

Ramdam niyang nag-init ang pisngi niya. Shit! Ilang beses na ba siyang nagba-blush ngayong araw dahil sa babaeng ito? Naiiling na ipinakilala niya ang kaibigan kay Denise.  "This is Tony. Instructor siya sa College of Business  Administration and a friend since high school." bago niya  sinulyapan ang kaibigang curious ngunit halata ang paghangang nakatingin sa dalaga. "This is Denise. Bagong secretary ni Dean Augie."

"Hi." nahihiyang bati ni Denise.

"Nice to meet you." nakangiti ring sabi ni Tony, bago siya tinapik sa balikat. "Kanina ka pa namin hinahanap eh.  Pabalik na ako sa building nang mapansin kitang nakaupo  dito, kaya eto, paistorbo muna."

"I appreciate that, man." sarkastikong sabi niya, naiiling. Narinig niyang bahagyang natawa si Denise.Sinulyapan niya ito at nginitian.

"No big deal, man." sabi ni Tony. "Kung babae naman ang dahilan, walang kaso kung abandonahin mo na kami habangbuhay." sabi pa nto na babalingan sana niya at gagantihan din ng suntok kundi lang niya napansin ang pamumula ni Denise sa sinabi ng kaibigan.

He could feel his heart swelling at the sight. Masuyong hinawakan niya ang kamay nito at marahang pinisil iyon. Tumaas ang isang kilay nito, pero hindi rin naman binawi ang kamay.

"Kumusta naman ang San Diego para sa iyo so far,  Denise?" muling tanong ni Tony.

"It's nice here. Mababait ang mga tao." simpleng sagot ng dalaga, bago binawi ang kamay mula sa kanya at hinawakan ang paper bag na nasa kandungan nito.

"Taga-saan ka ba dati? Galing ka ba ng---" naputol ang sasabihin ni Tony ng malakas at mahabng tunog ng bell, tanda ng pagtatapos ng lunch period. Kasabay niyon ang agad na pagtayo din ni Denise.

"I should go.May mga nakalinya pa akong gagawin sa office." sabi ng babae bago kumaway sa kanilang dalawa at  mabilis nang naglakad palayo bago pa man siya muling  nakapagsalita. Napapabuntung-hiningang inihatid na lang niya ito ng tingin.

"Hindi ko siya kilala, pare. But I say, you can ditch us everyday during lunch if it means spending it with that beauty." sabi ni Tony na nang lingunin niya ay nakangisi sa  kanya. "Siya yata ang unang babaeng nakita ko na parang  hindi makahintay na makalayo sa iyo." natatawang dugtong  nito. "Weird."

Pabirong sinuntok lang niya sa balikat ang kaibigan bilang sagot, bago tumayo na at mabilis na nagpaalam. Habang naglalakad ay tila tuksong nagpa-flash sa utak niya ang magandang mukha ni Denise habang nagba-blush, nakangiti o nakatingin sa kanya.

She's weird, alright. But definitely interesting.

UNMASKED (Incognito Book 3- Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon