Huminga ng malalim si Charlee, bago sinimulan ang paglalakad papunta sa Performing Arts room na nasa dulo ng hallway sa East wing ng Arts and Sciences building.Quarter to six na ng hapon at tapos na siya sa unang araw bilang bagong sekretarya ni Dean Marasigan. Ang matanda ay pumunta na sa huling klase nito para sa araw na iyon habang ang naiwan sa opisina ay isang house security personnel at dalawang student assistants.
Kanina pa niya hinihintay ang pagkakataong ito, ang puntahan ang lugar kung saan naroon ang isang grand piano.
God, she missed playing. It has only been over a week since she had her fingers over the ivory keys but it already felt like ages. Halos maluha nga siya kanina nang sa pagbabalik mula sa lunch break ay napansin niya ang bulletin board.
Mayroon doong sign-up sheets para sa Glee, Theater at Dance clubs, na nitong hapon nag-umpisa ang mga try- outs. Her heart raced with excitement. Sa nakalipas na mga taon at sa kabila ng matinding pinagdadaanan ng kanyang pamilya, ay hindi tuluyang mapatay niyon ang isa sa mga passions niya - ang musika.
She stretched her fingers when she reached the double doors, and peeked through the small glass window. Tila isang maliit na auditorium pala iyon, tiered ang mga upuan, may control room sa likod at may malawak na stage.
Sa isang gilid ng stage ay ang isang makintab at mukhang well-maintained na grand piano. Isang may-edad na babae ang nakatayo sa harap niyon at tila katatapos lang tumugtog at may kung anong sinasabi sa isang lalaking estudyante na nasa stage.
"Denise..." mahinang tawag ng pamilyar na boses. Paglingon ay muntik na siyang mapasigaw dahil parang ang lapit ng mukha ni ZD sa kanya, gayong marahil ay may isang ruler ang distansya nito. A warm smile was on his lips and a curious glint in his eyes. "O ayan, hindi kita ginugulat ha."
Bahagyang lumabi siya. "What do you want?" she couldn't mask the edge in her voice.
"Bigla ka na lang umalis kanina sa field." sabi nito, bago sumilip din.
"May trabaho pa ako." she sighed. "Wala ka na bang klase ngayon?"
Lumayo ito sa salamin at nakangiting tiningnan siya.
"Just done with my last, for the day. There." iminuwestra nito ang isa sa mga kuwartong katapat ng PA room. "So you see, you're quite hard to miss." he grinned. Inilapat nito ang kamay sa pinto. "May kailangan ka ba kay Prof. Montecillo?"Ilang sandaling minasdan niya ito. "Sana. Pero hihintayin ko na lang na matapos ang auditions." muli siyang saglit na sumilip sa salamin.
The stage was now empty, maliban sa matandang babaeng nakita niyang nasa piano kanina, na ngayon ay nakaupo sa gilid ng stage at may sinasabi sa mga estudyanteng nag-audition.
"It should be done by now. Kanina pang alas-dos nag- umpisa iyan." itinulak ni ZD papasok ang pinto. "Come on." hinawakan siya nito sa braso, at marahang iginiya papasok.
Her heart beat raced once more, but this time it's no longer because of her excitement over playing the piano once again, but with that sudden jolt of electricity brought by ZD's touch.
Idagdag pa doon ang naramdaman niyang pagkakadaiti ng kanyang likod sa matipunong dibdib ng binata nang tuluyan silang makapasok at mapahinto siyang bigla.
Everyone turned to look their way, including Professor Montecillo whose one brow slightly rose along with a smile.
Bigla tuloy siyang nahiya. "Istorbo yata tayo." baling niya kay ZD, na nakahawak na sa mga balikat niya.
He chuckled. "I'm sure you're a welcome distraction." bulong nito sa kanya. His hot breath on her ear sent delicious heat rushing through her.Tila lahat yata ng init sa kanyang katawan ay nakatakdang ma-concentrate sa kanyang ulo. Goodness!
Ipinako niya ang tingin sa matandang propesora, kasabay ang bahagyang paglayo ng katawan kay ZD. "Good Afternoon, Ma'am." bati niya. "Sana po hindi ako nakakaabala. May gusto lang po sana akong itanong at ipakiusap pero makapaghihintay naman po iyon hanggang sa matapos itong try-outs." dire-direchong pahayag niya, bago may naalala.
"Ako nga po pala si Denise...Medrano. Kauumpisa ko lang po bilang secretary ni Dean."
Tumango ang babae. "Oh yes. I heard about you. Hindi ako naka-attend ng meeting kanina dahil may kailangan akong daluhang prior appointment. Pero malalaman ko rin naman kung ano ang napag-usapan doon mamaya..." napatingin ito kay ZD, dahilan upang muling tumaas ang kilay nito. "Is that handsome young man bothering you, Denise?"
Nag-init ang pisngi niya. "Hindi po." aniya bago napayuko. Lahat kasi ng nasa auditorium ay nakamasid sa kanila, at hindi siya sanay sa ganoon.
"Well, the auditions are over at may mga ibinibilin lang ako sa mga batang ito." iminuwestra ng babae ang mga estudyante, bago nito nasapo ang dibdib. "Naku, pasensya na. I'm Eleanor Montecillo, by the way. Tita Elly na lang ang itawag mo sa akin, ha." naglakad ito palapit sa kanya.
"These kids will be gone in awhile. Hinihintay lang nila ang ipina-print kong schedule," iminuwestra nito ang mga upuan. "Why don't you two sit first?"
"Ayos lang po ako, Tita. Sandali lang naman po ako...uhm." humigpit ang hawak niya sa strap ng backpack na nakasukbit sa isang balikat. Naramdaman niyang hinihila iyon ni ZD mula sa kanya poati na ang helmet na dala niya sa kaliwang kamay. Hinayaan lang niya ito.
"Nakita ko po kasi sa announcements na kailangan ninyo ng pianist." sa wakas ay nasabi niya. Sa sulok ng mga mata ay nakita niyang matamang nakatingin sa kanya si ZD habang inilalagay nito ang mga gamit niya sa isang upuan.
"Yes. Unfortunately, walang nag-audition ngayon. We had someone before, na musical director din namin pero kaalis lang niya pa-London for a scholarship." kuwento ng propesora, bago siya masusing minasdan. "Do you play the piano, Denise?"
Mabilis ang pagtango niya. "Yes."
"And you want to audition?"
"Kung puwede po sana." kiming sagot niya.
"But of course." hinawakan siya nito sa braso at iginiya patungo sa piano. "Luma na ito at madalas na kailangang itono pa para ma-maintain ang tunog, kaya pagpasensyahan mo na kung sakaling hindi mo magustuhan ang kalalabasan ng pagtugtog mo."
"Okay lang po." nasasabik na sabi niya habang iniaangat ang lid ng instrumento.
"Gusto ko iyang nakikita kong excitement sa mga mata mo, hija." nakangiting sabi ni Tita Elly bago iminuwestra sa kanyang maupo na. "Dalawang piyesa ang gusto kong marinig, bahala ka na kung ano. One classical and one from the twentieth century, preferably from a stage musical." sabi nito bago bumaba ng entablado at naupo kasama ng mga estudyante.
"What are you going to play for us, Denise?" tanong ni Tita Elly mula sa audience.
Hindi na siya halos nag-isip pa. "Sonata Pathetique by Beethoven po at The All I Ask Of You from The Phantom of the Opera."
Nasisisyahang napatango ang matanda. "Very good. Let's hear it then."
Ngumiti siya dito, bago sumulyap kay ZD, na tila napako na ang mga mata sa kanya. Pinaraaan niya ang mga daliri sa ibabaw ng piano keys, ilang sandaling huminto, bago sinimulang tugtugin ang isa sa mga pinakapaborito niyang piyesa ni Ludwig Van Beethoven.
BINABASA MO ANG
UNMASKED (Incognito Book 3- Completed)
RomanceStar witnesses ang mga magulang ni Charlee sa isang krimen laban sa malalaking tao sa lipunan. Dahil doon, kailangan nilang magtago sa iba't ibang katauhan at magpalipat-lipat ng tirahan upang hindi masundan ng mga kalaban. Hindi sila maaaring magin...