Charlee wanted this. She wanted ZD to kiss her, to have him hold her against him. Ngunit ngayong nangyayari na ang lahat ng lihim na ninanais niya ay tila naman siya nilulunod sa sensasyong dulot niyon.
Hindi iyon ang unang beses na nahagkan siya, pero iyon ang unang pagkakataon na may humalik sa kanya ng ganoon. It was dizzying, electrifying, and frightening. Hindi niya alam eksakto kung saan talaga siya natatakot - sa katotohanang hindi niya dapat hinahayaang mangyari ito o sa lakas at bilis ng pagtibok ng kanyang puso na kung maririnig ni ZD ay maaaring magpahayag dito ng tunay niyang nararamdaman.As if the fact that she was kissing him now wasn’t telling him enough already.
Naramdaman niya ang paghapit sa kanya ng kamay nito na nasa kanyang baywang. Their bodies melded together as they continued to kiss each other, their mouths both opening up, wanting to taste more, feel more. Napakapit ang isang kamay niya sa balikat nito nang maramdaman ang kamay nitong masuyong humahagod sa kanyang likod.
His fingers seem to be tracing her spine, going up and down slowly, making her body arch against him.
Oh God... Nabibingi na yata siya sa tibok ng kanyang puso, pero sinubukan pa rin niyang panatilihin ang ontrol sa nangyayari.She ran her fingers through his hair and kissed him with equal passion, as she tried to keep her sanity amidst the delicious, addicting way he is kissing and touching her.
"Denise..." he whispered hoarsely when he pulled away a bit, his breathing in ragged gasps as if struggling for something. Ang pangalang itinawag nito sa kanya ang agad na gumising kay Charlee.
Agad siyang nagmulat ng mata, at sinalubong ang tingin ni ZD. His face was too near, and the look in those soulful eyes were a mix of desire and tenderness.
Marahan niya itong binitawan, at itinulak habang habol niya ang paghinga.
"ZD, kailangan nang..." she swallowed. "I should get in. At kailangan mo na ring umalis." bulong niya.
"I know, Denise." he said, his eyes were intent on hers. "I know." ulit nito, bago maingat na inilayo ang sarili sa kanya.
"I'll see you on Monday, ZD." aniya bago napatingin sa kanyang bag na hindi niya namalayang nalaglag na pala sa lupa. Pinulot niya iyon, habang nakaalalay pa rin sa kanya si ZD. Pagtayong muli ay sinalubong niya ang mga mata nitong tila ayaw nang alisin ang tingin sa kanya. "ZD, please. Monday, okay? Magkikita pa tayo." mahinang sabi niya.
ZD just looked at her, almost as if he didn't believe her. Binitiwan nito ang braso niya, bago mabagal na umatras palayo. "I hope so, Denise. I really hope so."
"Ang ganda naman ng anak ko." nakangiting bati kay Charlee ng Papa niya nang bumalik siya sa kusina na nakabihis na at bitbit ang helmet at backpack.Alas-sais y media pa laamang ng umaga pero paalis na siya dahil susulitin pa niya ang isang oras bago ang unang klaseng gagamit sa Performing Arts room upang mag-practice sa piano doon.
"Ang aga mo, anak. Baaka ikaw pa magbukas ng INSU niyan." sabi muli ng kanyang ama habang inilalagay nito sa kani-kaniyang paper bag ang mga babaunin nila. Nakabihis na din ito pati na ang kanyang ina at mga kapatid na noon ay tinatapos ang pag-aalmusal. Siya ang unang nagising noong umagang iyon kaya siya na ang nagluto, at nauna ring kumain.
"Yung PA lang naman, Pa." nakangiting sabi niya habang inilalagay ang lunch kit sa kanyang bag. Bahagyaang tumaas ang kilay niya nang mapansin ang curious na tingin sa kanya ng ina at mga kapatid.
Sa loob ng nakalipas na anim na linggo ay alam niyang nakakahalata na ang mga ito sa parati na ay magandang mood niya.
They have always known her to be quiet, serious and at times sulky. Hindi rin siya pala-labas noon at kahit nga pagpasok sa mga naging trabaho niya ay tila kinakaladkad lang niya ang sarili.
Pero nitong nakaraang linggo, sa kabila ng mga takot at pag-aalinlangan, sa kabila ng alam niyang hindi tama ang sitwasyong pinasok - ay hindi pa rin maikakaila ang sayang nararamdaman niya.
She has never felt so alive in years. And it's because of ZD.
"Huwag mo nang gaanong pansinin yang si Ate, 'Pa. Mabuti na yang ganyan siya at hindi gaanong nakakatakot." nakangising sabi ng isa sa kambal na si David, na ang totoong pangalan ay Arhur. Pinanlakihan lang niya ito ng mata na tinawanan lang ng lalaki, bago nakipag-highfive sa kakambal na si Daniel, formerly known as Andrew.
"Are you wearing make-up, anak?" nanunudyong tanong naman ng Mama niya.
Nag-init ang kanyang pisngi. She did put on a bit of liner and mascara on her eyes, tint on her lips, and just a bit of blusher. "Yes." amin niya. "Sayang naman kasi itong magagandang blouse na pnili ni Tita Carmela kung hindi ko babagayan ng ayos." That morning, she wore a long-sleeved top with tiny floral print in the lightest shade of pink along with her trusty slim straight-cut jeans. Pink din ang sintas sa kanyang sneakers.
Nakangiting napatango lang ang kanyang ina ngunit mataman siya nitong pinagmamasdan. She's a mother, she can't not know something's going on with her.
Ngunit pinili nito at ng bawat miyembro ng kanyang pamilya na hindi na gaanong magsalita. "You look even more beautiful, anak."
"Well, I should really go." Isa-isa siyang humalik sa mga kapamilya habang isinusukbit ang bag sa balikat.
"Mag-iingat ka lang, anak ha." sabi ng kanyang Papa na masuyong hinagod ang kanyang likod nang hagkan niya. Nakangiti ito ngunit hindi maikakaila ang lungkot sa mga mata.
Charlee bit her tongue as she felt a lump forming in her throat. Hindi man siya direktang nagsisinungaling sa pamilya ay hindi rin madali sa kanya ang hindi pagsasabi dito ng totoong mga nangyayari. Alam niyang hindi na siya inuusisa dahil malaki ang tiwala ng mga ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
UNMASKED (Incognito Book 3- Completed)
Storie d'amoreStar witnesses ang mga magulang ni Charlee sa isang krimen laban sa malalaking tao sa lipunan. Dahil doon, kailangan nilang magtago sa iba't ibang katauhan at magpalipat-lipat ng tirahan upang hindi masundan ng mga kalaban. Hindi sila maaaring magin...