Chapter Twenty-Four

146 16 0
                                    


Nang magbalik sa trabaho si Charlee nang sumunod na  linggo ay saka siya nakaramdam ng pagsisisi sa ginawang pagsama kay ZD sa University Fair nitong nakalipas na Biyernes. Mula sa pagiging simpleng si Ate Den o Miss Den na sekretarya ni Dean Augie, na halos hindi naman pansinin,  ngayon ay siya na si Miss Denise - "ang girlfriend ni Sir ZD".

Almost everyone she sees around campus, and most especially in the College of Arts and Sciences building would either smile, wave, say Hi or even tell her how much she and ZD look good as a couple.

Ngayon, habang naglalakad sa hallway patungo sa side exit  ng building upang magpunta sa tagpuan nila ni ZD tuwing lunchbreak, ay naiintindihan na niya ng lubusan ang kahalagahan ng pananatiling anonymous. Habang kiming ibinabalik niya ang bawat kaway, ngiti at pagbati, at sa kabila ng pagiging friendly at excited pa ng mga iyon ay hindi rin niya maiwasang mailang.

Sure, everyone seems to really like her for ZD. She kind of likes the attention, the things she learns and discovers about people around her, the kindness - but not the fact that almost everyone seems to know her name now, and could recognize her face.

Now, more than ever, she feels more vulnerable and exposed. Kung dati ay palagi siyang nakakaramdam na tila may mga matang palihim na nagmamasid sa kanya, ngayon  ay parang mas heightened pa iyon.

Pagkalabas ng building ay binagalan muna niya ang paglakad, at sinuyod ng paningin ang kapaligiran. She feels bad that she's now becoming suspicious of just about everyone, all because she couldn't shake that feeling off her system. Ngunit alam at kabisado na niya kung kailan may nakaambang panganib sa kanila, kaya naman hindi siya makampante.

She kept looking around her, trying to search for a familiar face, maybe one of the student asssitants or faculty members, para lang kahit paano ay maibsan ang  nararamdaman niyang kaba.

Sa halip ay isang lalaking nakasuot ng itim na sport jacket  ang nahagip ng kanyang mata. The man was tall, had dark skin, and mixed features. She doesn't like stereotyping people based on how they look but she doesn't know why this particular man is making her extra nervous. Marahail ay nasa late-forties o early fifties ang edad nito, at kung tutuusin ay maaliwalas ang mukha.

May kaumpukan itong grupo ng estudyante na medyo pamilyar sa kanya, at mukhang masaya ng usapan ng mga ito.

Then he must have felt someone was watching him, and he turned his head to looked her way. Bahagya niyang narinig na binanggit ng isa sa mga estudyante ang pangalan niya at napangiti ang lalaki.

Agad siyang binalot ng takot. Bahagya na lang niyang naitaas ang isang kamay upang kumaway sa mga ito, bago tumalikod na at nagmamadaling nagalakad palayo.

Nang marating tuloy niya ang paborito nilang bench ni ZD at  makitang wala pa doon ang binata ay hindi na siya mapakali. She wanted to run, and hide somewhere safe - if any place is still safe. Sa kabila ng nakikita niyang naglipanang security force sa campus, at marahil ay ilang miyembro rin ng kapulisan, ay hindi pa rin niya maramdamang ligtas siya.

"Hey, gorgeous." bati ng isang pamilyar na boses mula sa  likuran niya. Her shoulders stiffened, and she willed herself to calm down as ZD bent over to give her a quick kiss on the  lips before he sat beside her.

She doesn't know anymore how to live her life without that distinct, terrifying sense that she is constantly being watched, that anytime, someone  would pounce on her, pin her down. Or maybe just shoot  her in the head. At sa mga segundong iyon ay tila lalong tumitindi ang pakiramdam na iyon.

Tila nasa malapit lang ang mga taong binayaran upang hanapin ang kahit sino sa miyembro ng pamilya niya at patayin. Nagmamasid ang mga ito sa bawat kilos niya, naghihintay ng tiyempo. She shuddered at the thought, and so she nervously looked around her.

Sa mga puno, sa security outpost, sa bubong ng mga buildinsg sa di kalayuan, sa parking area, o puwede ring sa isa sa mga pavillions na iyon?

"Denise, kumain ka na."

Napatingin siya kay ZD, na kunot-noong minamasdan siya. "Ha? O-okay..sige." inilabas niya ang lunch kit mula sa dalang paper bag at itinaas ang lid niyon. Chicken adobo na may patatas iyon, na niluto ng kapatd niyang si Daniel. Alam niyang masarap iyon, ngunit tila siya masusuka sa nararamdmang kaba at takot dala ng kanyang paranoia.

No, hindi ako basta paranoid lang! Narito sila. Imposibleng  hindi. Imposibelng walang basehan ang nararamdaman ko.

"Denise, ayos ka lang ba? Kanina pa ako nagsasalita dito at  hindi ko alam kung may narinig ka o naintindihan sa sinabi  ko."

Napatingin siya kay ZD."I'm sorry. Medyo hindi lang kasi maganda ang pakiramdam ko..." aniya bago nag-iwas ng tingin. How could she do this to ZD? He doesn't dserve to be  constantly lied to. He hasn't done anything, he knows nothing. But now his life is in danger as well. All because she allowed him to know her, be with her... love her.

Nakagat niya ang labi. Bago nanginginig ang kamay na muling isinara ang plastic container sa kanyang kandungan at ibinalik iyon sa paper bag. "Hindi ako gutom...I.. I really  don't feel like eating." mahabang sabi niya.

"Kahit kaunti lang? Kung hindi maayos ang apkiramdma mo, dapat kuamin ka kahit kaunti tapos sasamahan kita sa clinic  para matingnan ka."

She looked at him warily. "I'll be fine. Bababalik na lang ako sa office, ZD."  she leaned in to kiss him lightly. And lingered a bit. If only all these would be made better with a  kiss... she pulled away and averted her gaze before he  could even notice that tears are forming in her eyes.

"I have to go." tumayo na siya. "I'll see you." sabi niya sa binata na  maang na nakatingin lang sa kanya. Binilisan niya ang lakad  palayo, hindi lumilingon kahit na tinatawag pa ni ZD ang pangalan niya.

I am not Denise, Damn it! Nagsisimula nang tumulo ang kanyang luha at marahas niya iyong pinahid gamit ang likod ng kanyang kamay. Halos takbuhin niya ang pabalik sa building, hindi alintana ang tingin ng mga nasasalubong na nagtataka at ang iba nga ay tinawag pa siya. Bahala nang isipin ng mga ito na weird sya, na nababaliw na siya.
Bahala nang isipin din ni ZD na nassisiraan na siya.

Well, maybe she really is crazy.


UNMASKED (Incognito Book 3- Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon