Mabilis na naglalakad na papunta sa kanilang tambayan ng mga kaibigang propesor si ZD tuwing lunch period nang mapansin niyang lumabas sa side exit ng Arts and Sciences building si Denise. Kipkip nito ang isang paper bag. Panay ang linga at pahinto-hinto sa paglalakad, marahil ay naghahanap ng mapupuwestuhan. Nang lumiko ito sa likod ng building ay smunod siya.Denise intrigued him. For one, he doesn't understand why someone as stunningly beautiful as she is seems to be unaware of it. It was also obvious that she is quite smart. Articulate ito at halatang over- qualified sa posisyon bilang sekretarya ng kanilang dean.
Sinadya niyang makinig kanina sa tuwing mag-uusap ito at si Dean Marasigan and he is quite impressed at how Denise can hold her own against the former state prosecutor and respected scholar.
Halata rin ang fondness dito ng matanda. Gayunpaman ay hindi maikakailang pagdating sa ibang tao, ay tila tumitiklop si Denise. Tila ayaw nitong ipakilala ang sarili na di mawari.
Hindi rin naman maitatago ng dalaga ang lungkot sa magagandang mga mata nito. Marahil ay isa iyon sa mga dahilan kung bakit sa kabila ng pag-iwas nito simula ng huli nilang pag-uusap bago ang meeting kanina, ay desidido pa rin siyang alamin ang mga bagay tungkol dito, pati ang mapalapit dito.
Sumunod siya kay Denise hanggang sa huminto ito sa isang bakanteng stone bench, na nalililiman ng isang matandang puno. Kaharap niyon ay ang pababang daan pababa sa soccer filed, and still farther down ahead, is the boardwalk that juts out to the beach.
Mabagal at tahimik ang lakad niya habang palapit sa dalga na naupo na sa bench at inilabas ang lunch kit na laman ng dala nitong paper bag.
Mula sa puwesto niya sa likod ng babae ay nakita niyang tila fried brown rice at samu't saring gulay na may ilang strips ng karne ang tanghalian nito. May inilabas din itong mansanas. "That looks really good." sabi niya, dahilan upang mapapitlag ang babae at mapalingon sa kanya.Nanlalaki ang mga mata nito at hindi niya alam kung bakit tila may takot siyang nabasa doon sa halip na simpleng pagkabigla. Agad itong nagbawi ng tingin.
"Mind if i join you?" tanong niya.
"Nope." sagot nito, hindi pa rin siya nililingon. Napapangiting naupo siya sa tabi ng dalaga. Hindi kalakihan ang bench kaya halos magdikit ang mga katawan nila. He could feel her warmth even against the fabric of their clothes, making him catch his breath. Tumingin siya sa katabi."Palagi na lang nanggugulat." bulong nito.
Natawa siya. "I'm sorry. Sa susunod, bubusina na ako." aniya bago binuksan na din ang lunchbox niya. Pritong porkchop, ginisang toge at isang tambak na kanin iyon. "Manganen."
Tumingin ito sa kanya, bago itinaas ang hawak na container at inialok iyon. "Kuha ka. Fresh ang gulay at bagong ani ang brown rice. Galing sa farm na pinapasukan ng kapatid ko."
Kumuha siya ng ilang piraso ng gulay at karne at inilipat iyon sa container niya. "This really smells good, Denise. Ikaw ang nagluto?"
Agad itong namula. "Yes." she bit her lower lip. "Nilagyan ko lang iyan ng butter at maraming bawang kaya mabango. Pero kung pangit pala ang lasa, please be honest." sabi nito bago ibinaba na muli ang lunchkit sa kandungan. She then focused on her food. "Kain na."
ZD could get a hint. Halatang nahihiya at tila hindi komportable sa kanya ang babae pero gumagawa ito ng effort upang malabanan iyon kahit papaano. Pinira- piraso niya gamit ang steak knife ang isang pork chop, at nilagyan niyon ang lunchbox ni Denise bago isinunod ang gulay.
Isang mahinang "Thanks." lang ang sinabi nito bago itinuloy ang pagkain. Ganoon na rin ang ginawa ni ZD. They ate in companionable silence, although at times he would look her way just because he can't help it.
Tutok ang atensyon ng dalaga sa pagkain at mukhang gutom na din ito dahil sa sunud-sunod nitong pagsubo. Makalipas ang ilang minuto ay halos sabay silang natapos, at nagulat pa siya nang pati ang mansanas ay ialok nito sa kanya.
"Hindi ko naman ito kayang ubusin. Ang laki." bahagya itong ngumiti bago kinuha ang steak knife na nasa lunchbox niya at pinunasan iyon ng napkin. Nanlaki ang mata niya nang ibaon ito ni Denise sa mansanas at sinimulang tila ihampas iyon sa ibabaw ng nakasara nitong lunchbox.
Mabilis niyang hinawakan ang kamay nito, at kinuha ang mansanas na may nakabaong kutsilyo.
"You could seriously hurt yourself with this, woman." naiiling na sabi niya habang hawak pa din ang kamay nito, na binitawan niya nang mapansin ang litong ekpresyon sa magandang mukha ng dalaga. "Ako na ang bahala dito." sabi niya bago siya na ang naghiwa ng prutas. Nang matapos ay ibinigay niya dito ang kalahati. "And thank you, too." sabi niya.
"You're welcome." sagot nito, bago kumagat sa mansanas. ZD could feel his heart jump at the sight of her, still looking at him as she bit on the fruit.
His eyes narrowed as he watched her gently munch on it with her mouth closed, her lips moving in a way that made him think about things he's never really thought about for a while now.
Sa pagkakataong ito tuloy ay siya ang nag-iwas ng tingin. Wala pang isang ruler ang layo ng mga mukha nila sa isa't- isa at kung magtatagal pa ng ilang segundo ang pagkakatingin niya dito ay hindi malayong tuluyan na niyang tawirin ang distansyang iyon.
Her lips looked so inviting, so red and sweet as the apple she is munching on. Gigil na napakain na rin tuloy siya, bago tinungga ang natitirang laman ng dala niyang bote ng tubig nang tuluyan iyong maubos. "So, uhm..." he cleared his throat as he capped the bottle. "Ano nga ulit ang last name mo?" Damn, was that the lamest question or what?
Ilang segundo ang lumipas bago sumagot ang katabi. "Medrano."
Noon niya ito muling tiningnan. God, he feels like an idiot but this must be done. He has to keep asking questions, keep her talking so she won't have to leave yet. "So, madalas bang lumipat ang pamilya mo dahil sa... sa trabaho ng parents mo?"
"Medyo." mabilis na sagot nito, bago biglang bumawi. "I mean, no, hindi gaano..." napabuga ito ng hangin.
Natawa siya. "Well? Ano talaga?"
Tumingin ito sa kanya. "Oo, nagpapalipat-lipat kami ng tirahan dahil sa trabaho ng magulang ko pero hindi naman ganoon kadalas." tila mas siguradong sagot nito, bago muling nagbawi ng tingin at sinimulang ilagay sa paper bag ang pinagkainana nito. "Ikaw, tagarito ka ba talaga?" tanong din ng dalaga bago inilabas ang isang may kalakihang purse na gawa sa maong at kinutingting ang laman niyon.
Sumandal siya sa kinauupuan habang hindi inaalis ang tingin sa katabi. "Yup. I was born here, raised here, and only left for several years for college and law school in Manila pero halos every month ay umuuwi din ako dito noong mga panahong iyon. I haven't really left Ilocos much except during family or business trips out of town." ngumiti siya. "Saan kayo huling tumira bago dito?"
Napahinto ito sa ginagawang pagkutingting sa purse, at tumingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
UNMASKED (Incognito Book 3- Completed)
RomanceStar witnesses ang mga magulang ni Charlee sa isang krimen laban sa malalaking tao sa lipunan. Dahil doon, kailangan nilang magtago sa iba't ibang katauhan at magpalipat-lipat ng tirahan upang hindi masundan ng mga kalaban. Hindi sila maaaring magin...