comment kayo about your thoughts in this story, alam kong medyo hindi pa siya ganun kasikat pero sana, wag kayong mahiya na makipag-usap sakin, I also need your uhm, thoughts and comments. thank youuuu!
-------------------------------
Simula. Autumn
Maaga akong pumunta sa bakery namin para mag-ayos at magbukas. Wala namang ibang tatao sa bakery namin bukod sakin at kay Ate Mary na kasama ko sa bakery. Pagdating ko sa harapan ng bakery namin binuksan ko ang pintuan bago pumasok sa loob. Inilapag ko ang mga gamit ko sa loob ng kusina bago sinuot ang apron ko. Tinali ko rin ang mahabang buhok ko into ponytail para hindi ito maging sagabal sa akin pag nagbukas na kami mamaya. Binuksan ko rin ang radyo namin para hindi masyadong tahimik sa loob. Ganito na ang naging araw-araw na buhay ko simula ng mamatay si mama, dalawang taon pagkatapos niyang ipatayo 'tong bakery namin at ang huling bilin niya sakin ay alagaan at palaguin ko ang bakery namin hangga't kaya ko. Masyado pa akong bata nung nawala si mama kaya ibinilin niya ako sa matalik niyang kaibigan na si Ate Mary.
Nag-inat muna ako ng katawan ko at huminga ng malalim. Okay, Autumn. Let's start the day with a smile. Let's go Autumn.
Magandang, magandang, magandang umaga sainyo mga kababayan. Napakaganda ng araw ngayon, napakataas ng araw. You should all start the day with your smile and walk with confidence everyone! Have a nice day :)
Sinimulan ko ng linisin ang mga stand at lalagyanan ng mga tinapay. Narinig kong bumukas ang pintuan ng bakery habang naglilinis ako. Siguro si Ate Mary na 'yon. Ang aga niya ngayon ha.
Lumingon ako para batiin siya. "Good Mor-" napakunot ang noo ko ng makita ang isang lalaki na nakatayo sa harapan ko at tumitingin ng mga tinapay na nakabalot sa may stand. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka school uniform siya na pang high school at medyo magulo ang buhok niya na parang hindi sinuklay at medyo gusot-gusot din ang uniporme na suot niya. Customer ba siya? "Ah sir, hindi pa po kami bukas."
Hindi niya ako pinansin at nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad at dumampot ng isang tinapay na may balot mula sa stand na nasa likod ko. Tumayo siya sa harapan ko bago ako tingnan. May itsura din naman pala siya kahit papaano. Pero, teka nga, hindi pa nga kami bukas eh.
"Magkano 'to?" tanong niya sakin. Napaiwas ako ng tingin sakaniya dahil masyadong lumalalalim na yung tingin niya sakin at nagulat rin ako sa lalim ng boses niya. Masyadong malalim yung boses niya para sa isang high school student.
"Uh..." hindi ko rin alam kung bakit bigla kong nakalimutan kung magkano yung tinapay na kinuha niya. Sige na, Autumn. Mag-imbento ka nalang ng presyo. "Bente pesos."
Tumango-tango siya bago humugot ng bente pesos mula sa loob ng wallet niya. Hindi ko naman sinasadyang mapatingin pero nagulat ako sa laki ng pera sa loob ng wallet niya. Mayaman siguro 'to. Pero hindi naman siya mukhang mayaman eh. Inabot niya sakin yung bente pesos at lumabas na ng bakery.
Kunot-noo ko siyang sinundan ng tingin. Weird. Bakit kaya siya ganun? Mukha siyang cold, na parang hindi high school student na para bang uh, suplado? Ay, ewan ko! Bakit ko ba siya masyadong iniisip.
Napalingon ako sa may pintuan ng bakery at nakita ko si Ate Mary na pumasok sa loob. Gulat niya akong tiningnan dahil nakatayo lang ako malapit sa may pinto.
"O, ayos ka lang, Autumn?" mababakas sa boses ni Ate Mary ang pagkagulat. Agad naman akong tumango bilang sagot. Ayos lang naman talaga ako, masyado lang ako na-occupy ng thoughts tungkol doon sa lalaki kanina.
Dumiretso si Ate Mary sa loob ng kusina. Siya ang taga-gawa ng mga tinapay na binebenta namin. Si mama ang nagturo sakaniya noon dahil siya rin ang unang tauhan ni mama dito sa bakery. Bigla ko tuloy namiss si mama.
"Nakita ko yung lalaki kanina ah. Customer?" tanong ni Ate Mary habang nagsusuot ng apron at nagtatali ng buhok para makapagsimula na siyang magluto.
"Ah, oo." sagot ko sakaniya. Tumango-tango siya bago sinimulang magmasa ng tinapay.
"Masyado naman siyang maaga. Di pa nga tayo bukas eh." aniya. Nagkibit balikat ako bago siya sagutin at tumuloy na ako ulit sa pagpupunas ng stand.
"Hayaan mo na 'yon." sambit ko. Hindi naman na ulit nagtanong si Ate Mary tungkol doon sa lalaki kanina. Pareho kaming tahimik na ginawa ang mga dapat naming gawin at nakinig ng radyo. Pangarap ko talaga dati maging radio announcer pero simula nung namatay si mama, napagdesisyunan kong mag-aral nalang ng business para sa bakery namin. Gusto kong tuparin yung mga pangarap ni mama para sa bakery. Masyado lang talaga sigurong mapaglaro ang tadhana kaya maaga siyang binawi sakin. Malungkot pero kinaya ko din namang bumangon ulit.
DJ Rocco, naniniwala po ba kayo sa tadhana?
Napaangat ang dalawang kilay ko dahil sa narinig kong tanong ng isang listener sa radyo.
Hmm, oo naman. Naniniwala ako na may tamang pagkakataon para sa lahat ng mga bagay. Naniniwala rin ako na ang isang bagay ay mangyayari kung ito talaga ay itinakda para sa iyo. Pero alam niyo ba kung anong pinakamahalaga? Naniniwala ako na lahat ng nangyayari ay may rason. Hindi tayo pinaglalaruan ng tadhana dahil gusto niya lang, kundi dahil may rason siya kung bakit niya ginagawa 'yon.
Ang tadhana ay mapaglaro at mapanakit. Pero ang lahat ng ito ay worth it kapag nalaman mo ang rason sa dulo.