Kabanata X. Autumn
Kanina ko hinihintay si Elias na bumalik. Palakad-lakad lang ako dito sa loob ng bakery. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, kinakabahan ako na ewan. Kanina, wala naman akong nararamdaman pero nung nawala sila sa paningin ko saka ko lang narealize yung kaba at takot na baka hindi na bumalik si Elias dito. Ayokong mangyari 'yon.
Hindi ko na rin alam kung anong gagawin ko dahil mahigit isang oras na magmula nung umalis si Elias kasama yung tita at mga pinsan niya. Hindi pa rin siya bumabalik. Nakakakaba... nakakatakot na baka mawala pa sakin yung nag-iisang emotional support ko. Sana naman hindi... wag naman sana.
Mabilis pa sa alas kwatro akong lumingon nang marinig kong tumunog yung pintuan. Nakita ko si Elias na papasok dito sa loob, nakaramdam ako ng tuwa dahil don. Masyado akong natakot kanina na baka hindi ko na ulit siya makita kaya para akong nabunutan ng isang malaking tinik sa dibdib nang makita ko siya. Gusto ko sana siyang yakapin pero syempre nakakahiya naman.
"I'm sorry." sambit niya nang makarating siya sa harapan ko. By the look on his face, I know that he feels embarrassed. Mukha siyang maamong tuta sa harapan ko. Ang cute niya.
I chuckled. "Okay lang, kamusta pala yung pag-uusap niyo?"
"Not good, but you don't have to worry about that. I can handle that."
Tumango ako bago siya tinapik sa braso. I believe in him na kaya niya just like how he believed in me na kaya kong lagpasan yung mga problema ko, I just hope that he can really persuade his tita na hayaan nalang siya, pero mukhang mahihirapan siya dahil mukha talagang matigas yung tita niya.
"Kaya mo yan, Elias." I cheered him up. He smiled a little bit because of that at medyo nagliwanag yung mukha niya.
"Thanks, Autumn." he said. "And oh, your bakery is not cheap. Don't think about that too much."
Natawa ako dahil sa sinabi niya, "I know."
Alam ko naman talagang hindi cheap yung bakery namin. Oo, wala kaming customers pero sure na sure kami sa quality na binibigay namin sa mga tao at sa araw-araw kong paglilinis dito tuwing umaga alam na alam kong hindi ito magmukukhang cheap. Malakas ang tiwala ko dito sa bakery, at hindi rin naman ito yung tamang pagkakataon para i-down ko yung sarili ko at yung bakery. Ayokong masyadong dibdibin yung sinabi ng tita niya dahil mas marami akong mas mahahalagang problema na kailangan ayusin ngayon, kaya yung panlalait niya kanina? Wala 'yon. Wala na sakin 'yon. Masyadong mababaw.
"Are you sure?" sobrang nag-aalangan yung boses niya. Akala niya ata I'm overly sensitive para maapektuhan pa ng simpleng panlalait lang. I already received tons of it, mula sa iba't ibang tao pero hindi naman na ako naapektuhan 'non. Siguro noon, oo pero ngayon hindi na.
I nodded, "Yes, sure na sure ako."
He let out a sigh of relief. "Good to know."
Tumingin ako sa wall clock namin at nagulat ako na mag-aalas dose na pala ng madaling-araw. Masyado ng late. Ang tagal din pala talaga nilang nag-usap 'no. Inabot na kaming lahat ng ganitong oras.
"Uwi na tayo, anong oras na eh." aya ko sakaniya. Tumango siya.
"Yeah, let's go. Hatid na kita?" alok niya. Natigilan ako sa pag-aayos ng mga gamit ko dahil sa naging alok niya. Ewan ko ba bakit ganito yung naging reaksyon ko. Ano bang sasabihin ko? Tatanggapin ko ba o hindi? Tanggapin ko nalang kaya? Tutal siya naman yung nag-alok eh. Sige na nga.
"Sure ka?" I asked him. Tumango naman siya bilang sagot. "Sige, gusto mo eh."
He gave me a sincere smile bago siya lumabas at kinuha yung signage namin. Inilapag ni Elias 'yung signage sa pwesto nito bago siya sumunod sakin sa labas. Medyo malamig pala talaga pag ganitong oras, ang sarap din nang simoy ng hangin at ang tahimik, you can only hear crickets at this hour.